Chapter 39

1.9K 50 30
                                    

Jema's POV

Badtrip ako umuwi ng bahay..

Naiiyak din ako dahil sa sobrang inis..

Anong sinasabi nya na may iba na ako? nakakainis sya ha.. hanggang ngayon ba naman ganon parin yung tingin nya sakin??

Nakakainis talaga sya..

"Oh ate? ano nangyare sayo?" tanong ni Mafe sakin, umiling lang ako

"weh.. si Kuya Dean ba yan?" tanong nya

"H-hindi.." pag sisinungaling ko

"Ate, dumaan dito sila Kuya Ben kanina may dalang donut.. binigay daw ni Kuya Dean.. pakisabi naman salamat.." sabi ni Mafe, inis naman akong tumingin sa kanya

"hindi ko nga kinakausap yon tapos uutusan mo ako..." sabi ko

"Hanggang ngayon?" tanong nya, tumango naman ako

"Bakit?" tanong nya

"Basta..!" kunot noong sagot ko, pagkatapos pumasok ako sa kwarto ko para mahiga..

Pero, kahit anong inis ko sa kanya, namimiss ko parin sya..

Niyakap ko yung unan ko, at hindi ko namalayan nakatulog na ako.

Kinabukasan..

Maghapon kong hindi nakita si Dean.. maghapon din akong walang gana..

Nang mag uuwian na, nakita ko yung sasakyan ni Dean, kaya nabuhayan ako ng dugo.. kaso pag baba ng nag dadrive, si Jay yung bumaba.. kasama niya sila Ced, Tots, Thang, at Yumi..

Lumapit sya sakin

"Jema, pinapasama ka pala ni Ben sa resthouse nila Dean.." sabi ni  Jay,  napakunot noo naman ako

"bakit?" tanong ko

"Kasi magpopropose si Ben kay Jho.. hahaha support natin.." natatawang sabi ni Jay, nagulat naman ako sa sinabi nya

"Sure ka?" tanong ko, tumango naman sya

"Oo, dali na.. tara na, dapat mauna tayo doon.." sabi ni Jay, sumakay na din ako ng sasakyan

"Hi Jema.." bati sakin nila Ced

"Hi.. magpopropose na pala si Ben kay Jho eh.." sabi ko habang nakangiti

"Oo, excited talaga ako.. haha" sabi naman ni Yumi

Malamang si Dean nandon na sa lugar kung saan mag popropose si Ben..

Maya maya nakarating na kami sa lugar..

Ang ganda..

Ang aliwalas..

Sobrang romantic din..

Nakita kong nakatayo si Ben, kasama si Dean.. busy sila sa kaka asikaso ng mga design..

"Ben.. nandito na kami.." sabi ni Jay

"guys ganto yung gagawin natin, tatayo ako dito sa gitna, tapos sa kanan ko yung mga boys, pero katabi ko si Dean... tapos sa kaliwa ko yung mga girls.. nasa tabi ko naman si Jema.. tapos dahan dahan syang lalakad papalapit dito.. parang sa simbahan lang.. yung parang ikaksal na kami?" paliwanag ni Ben sa amin habang nakangiti..

"aahh ok gets ko na.." sabi ko

"Nasaan na daw ba si Jho?" tanong ni Jay

"Papunta na daw sila nila Mang Ted.." sabi ni Dean.

Nandito din yung magulang ni Jho..

Maya maya nakita namin na nag lakakad na si Jho, kaya nag form na kami..

ForevermoreOù les histoires vivent. Découvrez maintenant