Chapter 33

1.7K 51 24
                                    

Jema's POV

Halos isang buwan na akong nag tuturo dito sa private school na pinagtatrabahuhan ko.

Tulad ng sinabi ni Dean, sya yung taga hatid at sundo ko.

Sobra akong nag eenjoy sa pag tuturo dito. May mga kaibigan na din ako dito katulad nina Ate Ly, Ate Den, Risa, at marami pa. Mas naging close din kami ni Elis.

"Jema, gusto mo sabay kana sakin pauwi?" tanong ni Elis sakin

"Naku Elis, sorry, susunduin ako ng asawa ko ngayon, mauna kana.." sabi ko

"Ok sige.. ingat ka Jema.." paalam nya

Maya maya nag text na sa akin si Dean, papunta na daw sya, kaya nag ayos na ako ng mga gamit ko at pumunta sa lugar kung saan nya ako madalas hintayin.

Nang makarating ako doon, nakita ko na syang nag hihintay.

"Ang bilis mo naman.." sabi ko pagkasakay ko palang ng sasakyan

"Ayaw kong pinag hihintay ka eh.." sabi nya habang nakangiti

"Ayyiieee... sweet naman.." sabi ko habang nakangiti at nakatingin sa kanya..

"B, kamusta naman yung araw mo?" tanong ni Dean

"Ayun, nakakapagod syempre, pero masaya ako.. masaya na nakakapag turo ako sa mga bata.." sabi ko

"mabuti naman at nag eenjoy ka.." sabi nya habang nakangiti

"Eh ikaw? kamusta yung araw mo?" tanong ko

"Ayon, ang dami kong pinuntahan na site ngayon, pagod sa byahe.." sabi nya, nakaramdam naman ako ng awa dahil halata sa mukha nya yung pagod.

Halos araw araw kinakamusta ni Dean yung araw ko.

"B, alam ko na, lilibre kita ngayon, sa labas tayo kakaen.." sabi ko habang nakangiti

"Ay wow.. for the first time B ha.. haha" sabi nya habang natatawa

"Kaka sweldo ko lang B.. syempre treat kita.." sabi ko

"Yiee.. osige..." pag payag nya

"anong gusto mong kainin?" tanong nya sakin

"Steak...!" masayang sabi nya

ahahahah parang bata..

"Ok po! steak, gusto ko din non.." sabi ko habang nakangiti

Nag drive na si Dean sa restaurant kung saan kami kumakaen ng steak, sa wolfgang's steakhouse..

Pag dating namin doon agad na nag order si Dean. Maya maya dumating na din yung order namin..

Habang kumakaen kami, naalala ko yung invitation sakin ni Ate Ly sa bahay nila.. birthday nya daw kasi.

"B, pwede ba akong pumunta kila Ate Ly? birthday nya kasi sa Saturday.." paalam ko sa kanya

"Si Ate Ly? Ok lang, anong oras?" tanong nya

Napakilala ko na pala si Ate Ly kay Dean, sumabay kasi siya samin isang beses dahil coding yung sasakyan nya.

"3 PM daw.. sama ka?" tanong ko

"Naku B hindi, saka mahahatid lang kita doon sa kanila.. pero hindi kita masusundo.. may site visit ako sa saturday eh.. overtime B.." malungkot na sabi nya

"ok lang, papahatid nalang ako kay ate ly.. anong oras ka makakauwi non?" tanong ko

"siguro mga 7 or 8 ng gabi.." sagot nya.. Tumango lang ako

"So, mag o-Ok na ako kay Ate Ly ha.." sabi ko sa kanya

"Sure.. basta mag iingat.. tapos umuwi ng maaga.." sabi nya

ForevermoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon