Chapter 35

1.8K 48 5
                                    

Jema's POV

Ilang araw na akong hindi nakakatulog dahil ilang araw na ding hindi umuuwi si Dean dito.

Halos araw araw din akong umiiyak..

Nasaktan ako sa mga sinabi ni Dean sa akin...

Dumaan yung Sunday, Monday, Tuesday at Wednesday, hindi parin sya umuuwi.

Ilang araw din akong hindi nakapasok sa pinag tatrabahuhan ko..

Nakausap ko din si Elis, at hingi sya ng hingi ng sorry sa akin.. naintindihan ko naman sya dahil wala naman syang kasalanan at hindi nya naman sinasadya yon..

Tinawagan ko si Thang kung nandon si Dean sa office nya ngayon, ang sabi nya nandon daw at wala sa sarili..

Nasaktan ako dahil sa nalaman ko.. ayaw ko na nagkakaganon si Dean..

Dali dali akong naligo at nag bihis dahil balak kong puntahan si Dean sa office nya..

Nag taxi lang ako..

Nang makarating ako doon, nakasalubong ko si Thang, pina deretso nya na ako sa office ni Dean.

Hindi na ako kumatok sa pinto nya at pumasok nalang ako bigla sa office ni Dean..

Kaso hindi ko inaasahan yung nakita ko.. may babaeng nakaupo sa lap ni Dean at nag hahalikan sila..

Hindi ako makapag react.. hindi din ako makagalaw.. pero ramdam ko na may luhang dumadaloy sa pisngi ko..

Nasasaktan ako sa nakikita ko..

Maya maya tinulak ni Dean yung babae..

"A-araaayyy!" sigaw ng babae...

Gustong gusto kong lapitan yung babae para sabunutan at kaladkarin palabas ng office ni Dean pero hindi ko magawa..

Napatingin sakin si Dean, tiningnan ko sya ng punong puno ng pagkadismaya...

Pinunasan ko muna yung luha ko bago ako mag walk out..

"J-Jema!" tawag nya sakin, pero tuloy tuloy parin ako sa paglakad..

Nang maabutan nya ako, hinawakan nya yung kamay ko kaya humarap ako sa kanya..

"J-Jema...!! magpapaliwa---"

Pak!!

Sinampal ko sya ng pagkalakas lakas..

Galit akong tumingin sa kanya..

Napansin kong nanghihina sya kaya muntik na syang matumba.. napahawak din sya sa wall..

"Kaya ba hindi ka umuuwi ng ilang araw dahil may iba ka ng ka chukchakan ha Dean??! grabe ka.. alam kong may kasalanan ako sayo pero bakit ganto yung igaganti mo sakin??" malumanay na sabi ko habang umiiyak, pero sa mga salita ko pinaramdam ko yung galit ko sa kanya..

"J-Jema.. m-mali yung iniisip mo..." sabi nya habang nakapikit yung mata nya.. napakunot yung noo ko..

"Mali?? Dean nakita kong nakikipag halikan ka sa kanya habang nakaupo sya sayo! anong mali don??!" sigaw ko habang umiiyak..

Nagsitinginan samin yung mga emoleyado nila..

"What's happening?!" rinig kong tanong ni Ben, halatang natataranta din sya.. pero hindi ko sya pinansin at nakatingin lang ako kay Dean..

"Jema please naman! maniwala ka sakin! may nilagay sya na g-gamot sa i-iniinom ko!" sabi nya.. napailing nalang ako..

"hey! anong nangyare?" tanong uli ni Ben, pero tulad kanina hindi uli namin sya pinansin..

ForevermoreWo Geschichten leben. Entdecke jetzt