Panimula

20 3 0
                                    

#TilaTalaPanimula

──────── ⋆ ⋅☽ ⋅ ⋆ ────────

"Katherine!" Sigaw ni Enayia. "Hoy! Babaita!"

Kung ang aso ay may buntot, syempre mayroon din ako at sino pa nga ba 'yun? Malamang 'yung babaeng kanina pa sinisigaw ang pangalan ko sa gitna ng maraming tao.

Grabe rin talaga ang isang 'to!

Hanggang dito ba naman ay sinundan pa ako!

Binilisan ko pa lalo ang lakad ko para matakasan si Enayia. Isa siya sa mga pinakamalapit kong kaibigan. I may be known as an outgoing person pero konti lang talaga ang tunay na kaibigan ko at isa na si Enayia doon.

Sa katunayan, simula Senior High ay kasama ko na siya. Kaso nga lang, kinailangan kong lumipat ng paaralan para sa kolehiyo — sinundan pa rin naman niya ako.. Wala naman kasing ino-offer na college program 'yung dati naming pinapasukan.

"Katherine Gonzales!" Sigaw niya ng mas malakas na kinalaki naman ng mata ko.

Nakakahiya!

Tumigil ako sa paglalakad bago lumingon. "Ang aga-aga, Enayia, ang ingay mo!" Nanggigigil na sabi ko.

"Eh, kung hindi mo kaya ako tinakbuhan, 'di ba? Baka sakaling hindi ako gumawa ng eksena, babaita ka!" Pangangatwiran niya na may kasama pang pag-irap.

Napa-iling na lang talaga ako. "Ano ba kasing kailangan mo?"

"Aray!" Umakto siyang nasasaktan. Nilagay pa nga niya ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang dibdib. "Hindi ako user friendly, 'no!"

"Wala naman akong sinabi," sagot ko.

"May dalaw ka, Sis?" Nakakatawang tanong niya. "Ang aga-aga para akong sinusundo ni Satanas!"

"Enayia, gusto ko lang ipaalala sa 'yo na magka-iba tayo ng course at tatlong minuto na lang malalate ka na sa klase niyo!" Piningot ko ang tenga niya at hinatak siya papunta sa building ng mga Engineering.

Pilit niyang inaalis ang kamay ko sa kaniyang tenga. "Ack — Aray ko naman, Katherine!"

"Good luck sa klase mo, bestie!" Mapangasar na sabi ko habang pinapanood siyang nakakunot ang noo papasok sa kanilang classroom.

Habang naglalakad pabalik sa building ng mga Legal Management students o kilala rin bilang LegMa, nakaramdam ako ng para bang may sumusunod sa akin kaya nilingon ko ito. Isang grupo ng kalalakihan ang nakita ko. Nakangisi ang ilan sa kanila habang tinutulak-tulak iyung lalaking moreno papalapit sa akin.

Hindi naman sa nagmamaganda ako pero maganda talaga ako at hindi na bago sa akin ang ganito.

"K-Katherine..." Kabadong sabi noong lalaking kanina pa pinagtutulakan ng mga kaibigan niya.

I gave him a small smile. "Yes?"

"Pasensya na, natalo kasi ako sa pustahan naming magkakaibigan tapos 'yung dare kasi nila, e, ano..." Nagdadalawang isip na sabi niya. "Ano kasi—"

I cut him off. "Sorry, may klase pa kasi ako. If you want, meet me na lang sa caf around 12:45?"

"S-sige." Nanlaki pa ang mata niya, parang hindi niya inaasahan na magiging ganito ako ka-bait sa kaniya. "Aral ng mabuti!" Masayang sabi niya.

Nginitian ko na lang siya bago ko muling tahakin ang daan patungo sa classroom ko. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong gustong-gusto 'yung pakiramdam na hinahabol-habol sila ng taong may gusto sa kanila. Para sa akin kasi ay hindi naman mahirap maging mabait sa mga taong humahanga sa 'yo.

Tila Tala (Paraluman Duology #1)Where stories live. Discover now