Kabanata 2

5 2 0
                                    

#TilaTala2

──────── ⋆ ⋅☽ ⋅ ⋆ ────────

"Are you avoiding me, Ms. Gonzales?" Tanong niya habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa aking palapulsuhan para hindi na ulit ako maglakad papalayo sa kanya.

Grabe kasi ang pagmamahal sa akin ni tadhana kaya pinagkrus na naman niya ang landas namin dito sa safe garden. Alam ko namang malapit kasi ito sa building nila pero sa sobrang tagal ko nang nag-aaral at nagpapalipas oras dito, never ko naman siyang nakitang dumaan. Pwera na lang noong unang beses na nag krus ang landas naming dalawa.

Suminghal ako. "Sorry, ah. Medyo marami kasing pinapagawa si Attorney," sagot ko. Bakit ba ako nagpapaliwanag? Hindi ko naman siya jowa. Sinubukan ko siyang bigyan ng maliit na ngit. "May kailangan ba tayong pag-usapan, Mr. Medina?"

Bahagyang tumaas ang gilid ng labi niya. Hindi ko alam kung may nakakatuwa ba sa sitwasyon namin ngayon o may naalala lang talaga siyang nakakatawa, e. At sa pagkaka-alala ko, hindi naman kami close. Ako na mismo ang nahihiya para sa kanya. I may be friendly pero never akong naging feeling close sa mga taong kakilala ko lang naman.

"Why did you walk out on me last two weeks ago?" Tanong niya ulit.

"Gago!" Umiling-iling si Zoren habang kinukuha ang susi ng kotse niya sa kaniyang bulsa.

I smiled at Shiro and said, "Pormahan mo muna si Carms bago kami umamin!"

Natawa naman silang lahat pati si Zoren na madalang lang naman tumawa.

Ako ata happiness nitong abno na 'to, e!

"Awit," mahinang sabi ni Shiro pero dahil kalapit lang siya ni Zoren, narinig ko pa rin iyon.

"Jake!" Sigaw ni Warren. "Akala ko ba may duty ka?"

"I could use a drink," sagot ni Jake kay Warren na may halong maliit na tawa.

"Tulala si Kath, gago!" Sigaw ni Shiro.

Binato bigla ni Zoren ng tissue sa mukha si Shiro. "Tangina mo, Shiro," bulalas niya.

"Seloso ka pala, 'tol?" Mapangasar na tanong ni Warren. "Ay, siya nga pala! Jake, pare! Si Kath! Tapos, Kath, si Jake, medtech 'yan!" Tinuro pa kami pareho ni Warren.

"Hi, Ms. Gonzales," bati ni Jake at inalok niya rin ang kaniyang kamay.

Sobrang professional naman niya, e, nasa bar naman kami?

Hindi ko na siya kinamayan pa dahil abot langit na ang tahip ng dibdib ko. Tumalikod na ako at naglakad papalayo. Baka hinihintay na rin kasi ako ni Carmina.

Jokes on you, Katherine.

Excuses mo, e, 'no?

Aminin mo na lang na kinakabahan ka agad pag nasa paligid si Jake!

"Ah, hinihintay kasi ako ng kaibigan ko." Lumunok ako. "Girl emergency tapos nawala lang sa isip ko dahil kina Shiro," dagdag ko.

"Okay," naka-ismid na sagot niya, "So, girl emergency din ba noong hindi mo man lang kami pinansin ni Warren sa National last week?"

Grabe naman siya! Naaalala pa pala niya 'yun? Pilit ko na ngang kinakalimutan ang araw na 'yun dahil sa sobrang kahihiyan! Kung hindi ba naman kasi ako iniwan ni Enayia mag-isa sa National Bookstore, edi sana hindi na nagkrus pang muli ang landas naming dalawa ni Jake.

"Teh, jijinggle lang ako, ah? Balikan kita rito!" Nagmamadaling paalam ni Enayia.

Binalik ko agad sa bookshelf iyong librong binabasa ko kanina. "Sama na ako!"

Tila Tala (Paraluman Duology #1)Where stories live. Discover now