Kabanata 4

3 2 0
                                    

#TilaTala4

──────── ⋆ ⋅☽ ⋅ ⋆ ────────

Bumalik din naman agad sa normal ang buhay ko pagkatapos ng gabi na 'yon. Nakakasalubong ko sina Warren at Jake sa UDL tuwing vacant time pero hindi ko naman sila kinakausap. Tinatanguan lang ako ni Warren at isang maliit na ngiti naman ang binigay ko sa kaniya.

Samantalang si Jake? Ni isang tingin ay hindi niya na magawa.

Hindi tulad noong nasa Central kami kung saan grabe siya makatitig bago at pagtapos ng karera nila.

Noong nabalitaan ni Enayia ang tungkol sa nangyari nang araw na 'yon, hindi na niya tinigilan si Zoren. Kinukulit niya ito na isama siya sa Garaje o kahit sa Central na lang daw dahil baka naroon na ang forever niya. Si Carmina naman ay abala tulad ko sa pagaaral para sa PhilSAT noong mga panahon na 'yon. Hindi na rin ako nagulat na halos sa review center ko lang nakikitang nag-aaral si Zoren dahil pinanganak naman na talaga siyang matalino.

Gifted masyado, e.

"First day niyo na next week, 'di ba?" Tanong ni Enayia na ngayon ay ginugulo ako rito sa part time job ko. Inaayusan pa kasi ako ng makeup artist habang daldal ng daldal dito si Enayia sa tabi ko.

Tumango ako ng kaonti. "Oo, paano mo nalaman?" Tanong ko.

Sa pagkakaalala ko, hindi ko pa naman nababanggit sa kaniya ang tungkol doon. Ang tanging alam niya lang ay naka-pasa kaming tatlo nina Zoren at Carmina kaya pwede na kaming mag proceed sa pangarap naming Law School.

Sa sobrang loyal kong tao, hindi na ako naghanap pa ng ibang paaralan. Sa University de Luca pa rin ako mag-aaral, ang pinagkaiba nga lang ay iba ang location ng UDL–Law. Medyo may kalayuan iyon sa main branch ng UDL.

Humagikgik si Enayia. "Secret no clue," maarte na sabi niya.

"Sumama ka na naman kay Zo, 'no?" Tanong ko.

Sa aming tatlo kasi ni Carmina, siya lang talaga ang may lakas ng loob tumambay sa headquarters nila Zoren kahit na hindi naman siya part nun. Ilang beses ko rin siyang nahuli na may kalandian na frat member ni Zoren. Wala naman akong nakikitang masama roon kaya hinahayaan ko na lang.

"Excuse me, hindi si Zo kasama ko last time," pagkokorekta niya sa akin.

"Sino naman?" Tinignan ko siya sa salamin na nasa harapan ko ngayon. "Mag-ingat ka ha. . . Baka mamaya mapahamak ka pa d'yan, e," nagaalala na sabi ko.

"Alam mo, Kath, hindi mo kailangan mag-alala sa 'kin kasi hindi namin ako anghel tulad mo," saad niya. "Gago ako sa gago sa 'kin. Hindi tulad mo na ginagago na, kinakaibigan pa!"

"Ouch." Umarte ako na nasasaktan. "Hindi ako naka-ilag, ah. . ."

"Talaga! Patama 'yon sa 'yo kaya saluhin mo," mapangasar na sabi niya at dumila-dila pa sa akin.

"Okay na ba?" Tanong ni Tyrel sa makeup at hairstylist ko. "Kulang na tayo sa oras."

"Okay na ho, Sir Ty," sagot ng makeup artist ko at tumango rin naman ang hairstylist ko kaya sumabak na ulit ako sa harap. Ilang pose ang ginawa ko bago humingi ng one minute break 'yung photographer dahil may tumawag sa telepono niya. Emergency ata.

Inabala ko muna ang sarili ko sa pagtingin ng mga shots ko sa computer. Katabi ko si Tyrel na pumipili rin ng mga magandang kuha ko para isama sa pagpipilian ng brand management. Ilan sa pose ko ay nakatayo at ang iba naman ay prenteng nakaupo sa props na sofa. Ang theme ng shooting ngayon ay vintage para sa clothing brand na ineendorse ko ngayon.

Tila Tala (Paraluman Duology #1)Where stories live. Discover now