Chapter Nineteen

3.2K 122 18
                                    

Chapter Nineteen

Hi po! Pasensiya na if medyo matagal ang updates. Medyo loaded lang po. Sana andiyan pa po kayo. 😍😅

[Rafael's POV]

NAPAIGTING ang panga ko matapos maipakilala ni Mister Hiroshi Sato ang makakasama ko sa operasyon ni Jeorge Tavera. For fuck's sake I will be working with these people?

I will lead the surgery at may makakasama akong dalawang neurosurgeon na may specialties. Ang isa ay expert din sa tumor resection at ang isa naman ay neuro oncologist. Then there's Tavera and another resident neurosurgeon, may dalawang neurosurgery scrub nurse at tatlong circulating nurse. At ang magiging anesthesiologist namin ay si Apollo Montilla--one of Tavera's kind. Still looking geeky like the last time, huh? I wonder what was still his stand? If he's still a coward living under the shadows of his fratmates. What a small world for us doctors here in the Philippines. What are really the odds? Pinaglalaruan ba talaga ako ng pagkakataon?

This huge room suddenly became small for the three of us. We exchanged heated glares and silent hostility with each other. This was what I forbid to happen. To cross paths with these fuckers. But it finally did.

"We can't delay the surgery anymore. My father is already suffering from using high doses of pain relievers," si Tavera. " We will do the operation in two days."

Nakuyom ko ang mga kamao sinikap na magsalita sa kalmadong tono. " If you're already decided with the date of the operation then I guess you don't need me anymore." Sabi ko at napatayo. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay sinasayang ang oras ko. I don't appreciate having this meeting being the head surgeon at sila rin pala ang magpapasya. We still need to do a couple of simulation before the operation dahil napaka komplikado ng case na 'to. Two days won't be enough to study and simulate the case.

Unless this fucker wants his father dead on the OR table.

" Doktor Montero!" I heard Mister Sato call out. "Please sit down!"

I clenched my jaw at hindi ko na napigilang humilagpos ang galit ko, napaharap ako. " I have called this team for a meeting about the operation Mister Sato because this is not just an ordinary operation that a neurosurgeon like me encounters every day kahit na brain tumor surgery pa ang isa sa sub specialty ko. This will be a very complex and meticulous operation. And I will damn well call the shots because I will lead this operation! Kung may napag usapan na pala kayong schedule ng operasyon ba't niyo pa ako pinatawag?"

" I have a say to this operation dahil anak ako ng pasyente Montero and I am also his doctor!
Damn you kung maka asta ka parang sino kana, ha?! Porke't nag aral ka sa America ang yabang mo na?! Ano pa bang ibang pwede mong ipagmalaki? Tandaan mo my dad has already signed the merging of ours and this hospital. We have invested so much in this at pwede kitang ipatanggal sa institution na 'to kung kailan ko gusto!" Tavera stood up from his chair.

"Kung ikaw pala ang mag de-decide sa operasyon na 'to ba't hindi nalang ikaw ang mag lead, Tavera? Kayo itong atat na kunin ako para mag lead sa surgery na 'to. I just wonder, ang daming skilled at experienced na neurosurgeon pero pinag aaksayan niyo ako ng oras?" mariin akong napatingin kay Tavera. "And I would love for you to try na ipatanggal ako dito, Tavera. I honestly don't give a damn."

Napaigting ang panga ng gago at napalabas mula sa mesang kinatatayuan. Halatang tensiyonado at alerto ang mga kasama namin dito sa loob ng kwarto pero walang ni isang nagsalita. "Sinusubukan mo talaga ako, Montero! Huwag mo akong subukan dahil anumang oras pwede kong ipagkalat ang baho mo!"

Underneath His White Coat ( Montero Series # 5)Where stories live. Discover now