Chapter Thirty Seven

2.3K 103 17
                                    

Chapter Thirty Seven

[ Ann's POV]

Kung hindi ka makikipagkita sa'kin ipapakalat ko ang video.

Pierre sent me the video after our first hearing. Ni hindi ko halos masikmura ang nangyari,hindi ko kilala ang sarili ko sa video. They will going to use this to blackmail me. That I wasn't forced to do it with them not knowing that they tricked me and drugged me.

I deleted the video dahil nasusuka mismo ako sa sarili ko. Bakit ko nagawa iyon?

Hindi ko kakayanin kung makita iyon ni Rafael o maipalabas iyon sa hearing. Lalo na't maimpluwensiyang tao halos lahat ng involved sigurado akong sila ang papanigan ng korte. Rafael promised to be with me pero marami silang kalaban na kinasuhan ko.

Ang nakakapanlumo pa, ang RTC pa mismo kung saan naisumete ang kaso ay kung saan din asssigned ang ama ni Russel na judge na si Allan Hechanova. The court assigned another judge dahil bawal iyon pero walang naglakas loob sa grupo ni Pierre ang nagbunyag sa totoong naging trabaho ko dahil sa ama ni Russel. Allan meddled with the case I was sure dahil sa totoong kaugnayan ko sa kanya. Alam kong may ginawa siya para proteksiyunan din ang sarili niya.

Rafael was protecting me as much as he can pero hindi niya alam ang buong katotohanan dahil natatakot ako. Iba ang sinabi kong istorya sa kanya. Sinamahan niya akong magsampa ng kaso para matigil na ang grupo ni Pierre sa'kin. He did it for me at hindi ko siya maawat sa galit niya. A lot of people will going to be involved. At ito na nga ang ikinakatakot ko.

Nakipagkita ako kay Pierre dahil sa desperasyon ko, dahil sa takot ko, dahil sa kalituhan ko.

Pero iyon pala ang desisyong pagsisihan ko habang buhay. Hanggang ngayon nagsisi parin ako. Sana hindi ako nakipagkita kay Pierre sana sinabi ko nalang ang totoo kay Rafael, nilunok ang kahihiyan at hindi naging makasaril para unahing proteksiyunan ang sarili. Sana alam ko iyon noon.

"Anong nangyari?" tanong ko nang magising ako. Wala akong masyadong maalala. May dalawang unipormadong mga lalaki ang naka upo malapit sa pinto ng kulay puting kwarto. Naka suero ang mga kamay ko at nakasuot ako ng pang ospital na damit.

"A-anong n-nangyari?" halos hindi ko marinig ang boses ko, gusto kong umiyak pero sa shock ko'y walang ni butil na tumulo. Nipiling ko ang ulo ko dahil may memoryang umentra roon. An image of Pierre touching me sensually and was I moaning for it? Nasapo ko iyon sa sakit. And then there was an image of Rafael and his deadly and bloodshot eyes, dragging me by my hair, harshly pulling me and forcing his way on me like a mad man.

Kasabay ng pag bugso ng mga alala ay ang pagsakit ng puson ko. It was a pain I've never felt before, pakiramdam ko'y may kung anong ginawa roon.

Lumabas ang isang pulis at nang bumalik ay may kasama na itong doktor at nurse.

Sapo ko ang tiyan nang lumapit ang nurse at may kung anong tinurok sa suero ko.

What is happening? Where is Rafael? Parang totoo na parang hindi ang nasa alala ko.

"Anong nangyari?" napatitig ako sa doktor. "Bakit ang sakit ng puson ko? Anong ginawa ninyo sa'kin?! Ang baby ko?!" I have never wanted the child at first dahil wala akong ginusto kanino man sa kanila pero nakuha ko nang tanggapin ito dahil sa pagtanggap ni Rafael. He made me believe that the baby is our own. Sa'min na 'to."D-doc!" kumawala na ang sigaw ko at nagbadya nang tumulo ang luha ko.

"Please rest Miss Romero you have a miscarriage. We performed Dilatation and Curettage. Malala ang nangyaring panggagahasa sa'yo , it caused you too much bleeding and you were under the influence of illegal drugs."

Underneath His White Coat ( Montero Series # 5)Where stories live. Discover now