ABCD 7.4

69 11 9
                                    

App: Messenger

Gio Hontiveros
• Active Now

Gio:

So ayun na nga mainit init pa

Napaoo ni tl si abcd gago hahaha

Yakob:

Napa oo saan?

Gio:

Biruan lang kasi yun sa team ann. Hinahanapan ako kadate ni tl nung nag huddle kami

Edi inisa isa niya mga babae sa team, humindi silang lahat tas nung si abcd na tinanong, sabi niya okay lang daw sa kanya na idate ako putangina!

Actually takot ako dito eh hahahaha ang intimidating kasi ng aura

Pero gago may date ako with abcd bukas hahahaha putangina kinakabatutan ako

Yakob:

Baka di naman siya seryoso nung umoo. Nagbibiruan kayo kamo

Gio:

Akala ko nga rin sinakyan lang sina tl kaso nilapitan ako kanina pre! Ang bossy. Siya na nagsabi ng time at place hahahaha

Pero pre diba sabi mo naka one night stand mo to si abcd

Totoo ba talaga yun o pinagnanasaan mo lang si SME?

Yakob:

Kayo lang naman ayaw maniwala. Sinabi ko na sa inyong totoo eh

Gio:

Mukhang naniniwala na nga ako kahit wala proof hahaha

Biruin mo pumayag makipagdate sakin? Ano nakain nun? Ngayon lang napunta sa rebellious stage?

Invite ko kaya to sa XyLaw?

Yakob:

Invite her. The more the merrier

Gio:

Ok sana pumayag hahaha

ABCD (Epistolary)Where stories live. Discover now