App: Messenger
Jude Montecillo
• Active NowJude:
Yakob
Yakob:
Oh?
Jude:
Ako na humihingi ng sorry sa nasabi ni Fred kanina
Ewan ko ba dun. Nakakain kasi kami expired na tinapay kanina eh. Baka dahil dun kaya ang daming na-ebas lol
Yakob:
Lol
Okay lang. Nainis lang ako. Parang ang dating kasi sakin, sinisiraan niya si Abcd
Gets ko naman na nareject siya nung tao pero bat kailangan pa sabihin mga yun
Jude:
Oo nga eh. Tunog ampalaya nga si gago haha
Yaan mo, kausapin ko na lang ulit bukas. Sabihin ko magsorry siya sayo
Yakob:
Leave him be
Siguraduhin mo na lang siguro na hindi niya yun masasabi sa iba
Jude:
Sige ako na bahala
How about Abcd, sinabihan ka ba niya na iklaro mo yung nakita ni Fred kanina kaya mo siya kinausap?
Yakob:
Hindi. Nagkusa lang ako
Parang wala nga lang sa kanya nung nakita kami ni Fred eh
Saka tingin ko para sa kanya, wala namang dapat iexplain. She knows how to mind her own business. She's prolly expecting others to mind their own
Jude:
Naks mukhang alam na alam mo na kung pano mag-isip si SME ah
You reacted 😂 to his message.
Yakob:
Tado hahaha
Mahaba-haba pa lalakbayin ko para mas makabisado ko siya
Jude:
Landi talaga potacca HAHAHHAHA
Pero umamin ka nga
Bakit pala may pabulaklak ka ah? Nanliligaw ka na ba sa kanya?
Yakob:
Welcome back bouquet lang yun
Pero pwede rin naman. Mukhang dun na rin naman ako papunta
Jude:
Weh? Manliligaw ka na?
Yakob:
Ewan ko ah
Kailangan ba talagang lagyan ng pangalan yung effort na gagawin mo para makuha mo ang isang tao?
Diba pwedeng hayaan ko na lang na mapansin niya mga effort ko tas pag dumating na yung time na pakiramdam ko pwede na, saka ko siya tanungin kung gusto niya ba pumasok sa isang relasyon kasama ako?
Nagegets mo ba yung point ko?
Jude:
Actually
Parang hindi nga style ni Abcd magpaligaw eh
Yakob:
Diba?
Maybe the idea of courtship irks her. If that's the case, ako na lang didiskarte para maiparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kagusto
Jude reacted 😯 to your message.
Jude:
Pero tingin mo ba may pag-asa ka kay Abcd?
Yakob:
Mahirap kasi siya basahin
Sa ngayon, wala akong pag-asa
Pero malay natin bukas meron na
Ewan. Hindi ko alam
Jude:
Natanong mo ba kung ano mga type niya?
Yakob:
Wag mo kong umpisahan, Jude ah
Jude:
Hoy HAHHAAHAHAHA nagtatanong lang naman ako
Yakob:
Mahilig yata siya sa mahina alcohol tolerance
Yung pagkatapos ng inuman session susukahan ka bigla
Jude:
HAHHAHAHAHA
Yan mga type niya?
Yakob:
Weird diba? Tas cute daw eh mas cute pa nga alaga niya kaysa sa kanya
Jude:
Teka nga hahhahaha
Bat parang sobrang specific naman ng sinasabi mong type niya?
Yakob:
Wala. Wag mo na 'kong kausapin. Matutulog na ko. Good night
Jude:
Hayup HAHAHAHHA
Mas malala pa yata mood swings mo kaysa sa ate ko HAHHAHAHA
Yakob:
Lul
Yaw na kita kausapin. Good night
Jude reacted 😂 to your message.
![](https://img.wattpad.com/cover/286222178-288-k74310.jpg)
YOU ARE READING
ABCD (Epistolary)
RomanceA story with no plot. I'll let the moment to decide Yakob and Abcd's fate.