Chapter I

6.2K 137 2
                                    


                Pagkalabas ng pinakasentro ng San Ildefonso sa gawing norte, ilang minuto lang na byahe mula sa main highway ay matatagpuan na ang Hacienda Sto. Domingo. Malawak ang buong lupain, maraming ektarya ang sakop ng buong hacienda. Bago ka makapasok sa mismong loob ay dadaan ka napakalaking gate na yari sa bakal na hindi hihigit sa sampung talampakan ang taas at lapad. Sa tigkabilang gilid ay may mga guwardiyang nakabantay, nagpapanatili ng seguridad sa loob. Sa kanan at kaliwa ay makikita ang mga naglalakihang puno ng iba't ibang prutas.

May tatlong kilometro din ang lalakbayin mo bago ka makarating sa mismong mansion na nakatirik sa gitna ng buong hacienda. Sa disenyo pa lamang ng napakalaking bahay ay alam mo nang sa panahon pa ito ng mga kastila mula sa masusing pagtatayo para maging isang engrandeng arkitektura. Yari ito sa matitibay na semento na bagaman napagdaanan na ng maraming dekada ay masasabi pa ring isang eleganteng masterpiece ng arkitektong gumawa.

Huminto ang isang pulang kotse sa tapat ng gate. Ibinaba ng tao sa loob ang salamin ng pinot ng sasakyan. Nakita ng dalawang guwardiya na sakay nito ang isang magandang babae na nasa middle age ang edad. Nakasunglass at napakapormal ng suot. Maputi ang babae at makinis ang kutis na halatang alaga ang kutis. Pansin din dito na nanggaling sa mataas na estado ng pamumuhay.

"Miss beautiful i.d.please?" tanong ng matandang guwardiyang si Mang Esteban, medyo kulubot na ang mukha nito at marami na ring puti ang buhok.

"Are you kidding me Manong? I'm the granddaughter of the owner of this hacienda." Sagot ng babae.

"Standard Operating Procedure lang po itong ginagawa namin." Sabi naman ng mas batang guwardiya sa kanya na si Elias.

Napabuntong hininga ang babae at padabog na hinalungkat ang wallet sa loob ng compartment sa harap, maraming papel ang nahulog. "Oh ayan." Wika nito at inabot sa lalakeng nasa harap. Binasa ni Elias ang driver license.  "Lorilla, Sarah Jane Sto. Domingo, 28 years old."

"Ano, okay na?" naiiritang tanong ni Sarah. Napatango na lang si Elias at ibinalik ang i.d. sa babae. Agad na binuksan ng dalawang guwardiya ang gate na lumikha ng nakakangilong ingay na halatang may kalumaan na rin dahil sa mga dumikit na kalawang sa mga bisagra.

Ilang saglit lang ay nakarating na siya sa harap ng mansyon. Ipinarada niya ang kotse sag awing kanan na bahagi bago bumaba. Sa harap ng malaking bahay, sa gitna ng hagdan ay nakita ni Sarah ang isang dalaga, nakabihis ito ng daster na bulaklakin na animo'y galing sa sinaunang panahon. Napakunot siya ng noo.

"Maligayang pagdating sa Sto. Domingo mansion!" sabi nito at inilahad ang kamay subalit tiningnan lang ito ni Sarah at dumiretso ng akyat ng hagdan na may pitong baitang. Sa taas ay nakaupo sa wheelchair ang isang matandang babae. Tulala lang ito at hindi na kumikilos. Tanging ang balintataw ng mata lamang nito ang gumagalaw.

"What happened to lola?" tanong ni Sarah sa dalaga.

"Stroke po, Ma'am Sarah."

Napasimangot siya. "How did you even know my name?"

"Ahmm, noong okay pa po si Lola Belinda, lagi niyang ipinapakita sa akin ang mga litrato ninyong mga apo niya, natandaan ko po lahat."

"Freaky. So ano nga pala ang pangalan mo?"

"Ako po si Ditas. Akon a po ang nag-aalaga kay lola."

Iniharap ni Sarah ang wheelchair papasok ng mansyon at itinulak niya, sumunod naman si Ditas papasok.

"Nasaan na 'yung dating nag-aalaga dito kay lola? Si Manang Doris? Dapat kasi hindi agad siya naghi-hire ng kung sinu-sino lang na tao, mahirap ng magtiwala sa mga panahon ngayon." Pahayag ni Sarah at tiningnan ng masama ang dalaga.

"Mahigit isang taon na pong patay 'yung nanay ko dahil sa sakit sa baga. Kaya simula po noon ako na ang nag-alaga kay lola."

Napahinto si Sarah sa pagtulak at tiningnan ulit si Ditas.

"Anyways, may dumating na ba bukod sa akin?"

"Wala pa po madam, ikaw ang una."

"Oh dear.... Siya nga pala, anong oras daw darating ang attorney?"

"Naku madam, hindi ko po alam. Si Mang Kanor po ang nakausap."

"Anu ba 'yan. Hindi man lang inalam."masungit na sabi ni Sarah.

Hindi na lamang nagsalita si Ditas. "Gusto n'yo po ba ng makakain?" tanong niya.

"No thanks, I'm still full. I just ate my brunch from the fancy restaurant I passed by."

Ipinuwesto niya ang matanda sa gilid ng hagdan paakyat sa second floor. Tinitigan niya ang mga naglalakihang canvass na nakasabit sa gilid na bahagi ng bahay. Mga pinta iyon ng kanilang pamilya, parang family picture kung saan nakaupo sa mahabang sofa ang kanyang lola at asawa nitong namayapa na, sa kanilang tabi at likod ay makikita ang kanyang mga tito at tita pati na rin ang kanyang ina.

The Case of Belinda Sto. DomingoWhere stories live. Discover now