Chapter II

3.9K 117 7
                                    


                Tinitigan ni Sarah ang nakapintang larawan ng ina. Sa tatlong magkakapatid, siya lang ang kamukha ng ina, ang dalawang nakababatang kapatid na pawang mga babae rin ay kamukha naman ng kanyang ama. Hindi niya alam kung mapapangiti siya o maiinis. Tulad ng inang si Mrs. Amparo Lorilla, matapang din ito at palaban kahit saang mga bagay, lagi ring masungit. Hindi na siya nagulat na lagi itong may kaaway, pero alam niyang nasa tama naman ang ina. Kapareho niyang ipaglalaban ang kung ano ang dapat, kung ano ang tama. Subalit biglang nangilid ang mga luha niya nang maalala ang ginawa ng amang iniwan sila pagkatapos ay sumama sa kabit nitong may-ari ng isang malaking negosyo. Dahil doon ay lalong naging mas matapang ang kanyang ina. Malinaw na rason kaya sila iniwan ng ama ay ang dahilan ng kakapusan sa buhay. Nagtataka lang siya dahil sa kabila ng yamanng ina nitong si Lola Belinda ay hindi niya ito narinig na humingi ng tulong mula sa matanda. Pero naisip ni Sarah na marahil ay gusto ng ina na tumayo sa sariling buhay kasama ang sila simula noong mag-asawa ito.

Alam niyang gustong makatikim ng masaganang pamumuhay ang ama kaya pumatol agad ito sa mayaman. Kaya simula noon ay nahubog siya sa katapangan,marahil ay isang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa siyang asawa, dahil nakikita niya sa bawat lalaking magkagusto sa kanya ang larawan ng ama.  Nagsikap siya sa pag-aaral, nagtapos at nagtagumpay sa buhay, ngayon ay may malaki na rin siyang negosyo, isang first class restaurant sa kanilang bayan. Bagaman gusto niyang ipamukha sa ama ang kanyang tagumpay at pagsisihan ang mga ginawa nito ay nakakalungkot na hindi na nito naabutan ang kaginhawaan sa buhay na naranasan nilang mag-iina, nabalitaan na lamang niyang pumanaw na sa cancer ang ama nito. Ngunit wala lang sa kanila ang dumalaw saburol o libing ng ama. Nagingibabaw pa rin ang galit sa puso niya at ng kanyang ina. Namatay na lamang ito ng hindi pa nakakakuha ng pagpapatawad.

Nawala siya sapagbabalik tanaw sa nakaraan nang makarinig siya ng pagtawag mula sa likuran.

"Pooh!"

Nilingon ni Sarah ang tumawag . Sa una ay hindi agad niya ito nakilala pero nang tawagin siya ulit nito ay kaagad na siyang napangiti.

"Kuya Jameson!" sigaw niya at agad na niyakap ang pinsan.

"Pooh! Long time no see ah." Sagot ng lalake.

"Oo nga eh, namiss kita." Sabi naman ni Sarah. Tinitigan niya ang pinsan mula ulo hanggang paa. "Woah, you've changed a lot." Dugtong pa niya.

"Well, ganyan talaga."

Two years ago nang huling magkita ang dalawa sa airport. Paalis si Jameson patungong Saudi para magtrabaho as an engineer. May kalakihan pa ito noon at bilugan ang pangangatawan.

"Sobrang payat mu na, demanding ba ang trabaho mo?"

"Well, medyo. Oh nasaan nga pala ang lola?"

Itinuro ni Sarah ang matanda na tahimik lang sa kanto na parang rebulto. Agad na nilapitan ito ni jameson at nagmano. Hinawakan niya ang kamay.

"Lola, nabalitaan ko ang nangyari sa'yo kaya umuwi kami agad. It's me your grandson, Jameson."

Walang sagot ang matanda.

"Pooh, nasaan na 'yung ibang apo ni lola? Sila Mikee, Diana?"

"Hay naku Kuya, ewan ko nga ba, ako nga ang nauna dito eh. And please, why are you still calling me Pooh? Matatanda na tayo para d'yan. Ayaw ko nang tinatawag sa ganoong nickname."

"Eh dun ako nasanay eh Pooh, pagbigyan mon a ako. Hahaha."

"Hmmp, sige na nga, kung hindi lang ikaw ang paborito kong pinsan, inis na agad ako sa'yo."

"Hahaha, well ganyan talaga."

Maya-maya pa ay nakarinig sila ng busina ng sasakyan sa labas. Nagkatinginan ang dalawa at agad na lumabas. Bumaba mula sa isang itim na kotse ang kanilang mga pinsang sina Gail at Diana.

The Case of Belinda Sto. DomingoOnde histórias criam vida. Descubra agora