Chapter XII

2.4K 89 1
                                    


                Pagkalabas ng kwarto ay agad na niyakap ni Hannah si Jake.

                "Thank God, buhay ka." Masayang sabi ni Jake.

                "Ganoon din ako." Wika naman ni Hannah.

                Bumulong si Jameson kay Sarah at sinabing ngayon lang niya napansin na nawawala pala ang briefcase na naglalaman ng mga importaneng dokumento at mga larawan na nagbigay ng clue.

                "Pumasok ka muna sa kwarto para makapagpahinga, matapos lang ang unos na ito ay aalis na tayo." Sabi ni Sarah sa kapatid. "Jake, samahan mo siya." Dugtong nito. Kahit papaano ay tanggap na nito si Jake, na napatunayan niyang walang kasalanan sa mga nangyari kay Hannah.

                Malalim na ang gabi, ang mga tao sa loob ng mansyon magkakasama at nagtipun-tipon sa malaking sala. Ang iba ay pumipikit na dahil sa antok, pinagmasdan ng magpinsan ang ibang taong naroroon, tinitingnan nila kung may kakaiba sa mga ikinikilos ng mga ito. Napansin niyang nagbubulungan ang mag-asawang sina Mang Kanor at Manang Yolly samantalang si Ditas naman ay pinapainom ng gatas si Lola Belinda. Ang dalawang gwardya naman ay nakabantay sa may pintuan. Ilang sandali pa ay dumilim sa buong paligid, nawalan pala ng kuryente dahil sa pagkaputol ng linya dahilan ng malakas na ulan at hangin.

                "Yolly, kunin mo ang mga gasera atkandila, bilis!" utos ng asawa. Napayakap ang magpinsan. Wala silang maaninag na kahit ano sa dilim maliban kapag sumasabogang liwanag dahil sa pagkidlat.

**********

                Magkayakap ang magkasintahan habang nakahiga sa kama. Kapwa sila ay nanghihina pa rin dahil sa nangyari sa kanila. Narinig nilang dahan-dahang bumukas ang pinto ng kwarto.

                "Ate?"

                Maya-maya pa ay nakarinig sila ng halakhak, kapareho noong mga panahon na naroon sila sa taniman.

                "Sino ka?!" tanong ni Jake sa kawalan. Narinig nilang papalapit ng papalapit ang mga yapak kaya sumigaw na sila ng tulong. Kaagad naman itong narinig ng mga nasa ibaba subalit hindi makatakbo dahil sa sobrang dilim.

                Ilang sandali pa ay may humila sap aa ni Jake at nahulog ito sa kama. Dinigni Hannah ang pagbagsak ng katawan nito sa kahoy na sahig. Napasigaw siya. Nang kumidlat ay nakita niya ang isang imahe ng lalakeng nakatayo, kasabay ng pag-angat nito ng isang matulis na bagay at pagkilos patungo kay Jake na nakahiga. Naulinigan ni Hannah ang putol na sigaw ni Jake. Sinaksak ito!

                Malakas na tili ulit ang ginawa ni Hannah, napalundag siya mula sa kama at patakbong nagtungo sa pinto subalit may humarang sa kanya na isa pang lalake. Nang kumidlat ulit ay nakita niya ang pamilyar na mukha.

                "I-ikaw????"

                Naramdaman niya bigla ang paghatak ng buhok niya mula sa likuran at itinapon siya sa sahig, malapit sa duguan at walang malay na si Jake. Papalapit ng papalapit ang dalawang anino sa kanya. Naguguluhan siya kung ano ang dapat na gawin, kung lalaban siya ay malamang na talo siya dahil hindi sapat ang kanyang lakas. Napatingin siya sa bintana ng kwarto. Bahala na.

                Agad siyang tumayo at pwersahang binuksan ang bintana. Nang malapit na ang mga kamay ng humahabol sa kanya ay nabuksan niya ang bintana at agad siyang lumundag. Nagkasabit-sabit muna siya sa mga sanga ng malapit na puno bago bumagsak sa putikan sa ibaba.

                "Hannah!" napasigaw si Sarah nang marating ang kwarto subalit wala na silang nadatnan. Itinapat nila ang hawak na gasera sa loob at nakgulkat nang makita ang nakahandusay na si Jake.

                "May pulso pa siya!" sabi ni Jameson.

                Biglang may kamay na lumitaw sa ilalim ng kama ta hinatak si Jameson pailalaim.

                "Kuya!!!!" sigaw ni Sarah. Agad na sunarado ang pinto at sa likuran niya ay nakatayo ang isang anino. Hinila siya nito mula sa likuran. Nanlaban siya subalit inuntog lang siya nito sa dingding dahilan para mawalan siya ng malay.

****************

                Nagising si Sarah na nakatali na ang katawan sa isang kahoy na upuan sa sala. Sa harap niya ay naroon sa sofa ang walang malay at sugatang sina Jake at Jameson at putikang si Hannah. Nakapalibot sa kanila ang dami ng gasera na animo'y nasa isang ritwal. Humarang sa paningin niya ang isang lalake. Tumingala siya at nakita si Mang Esteban.

                "Kumusta Sarah?" nakangiti nitong sabi.

                "Mang Esteban?"

                Humalakhak ito ng malakas. "Hahahahaha! Esteban? Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin alalm kung sino ako? Hindi Esteban ang pangalan ko!"

                "Huh????? Ikaw si———"

                "Oo, ako si Anton! Hahahaha."

                "Pe-pero, pa-paano? Iba ang mukha mo doon sa larawan na nakita namin!"

                "Hindi ninyo pa rin ba nakuha? Iba ang hitsura ng bahay sa larawan? Iyon ay dahil nasunog ito noon! Halos masunog ang mukha ko kaya tanging ang bigote, makapal na balbas at buhok ang nagsisilbing maskara ko para maitago ang tunay kong katauhan. Nang madiskubre ito ng pinsan ninyong si Gail ay nakahanap kami ng pagkakataon na patayin siya katulad din ng ginawa namin sa iba mo pang mga pinsan! Hahahaha!"

                "Hayop! Ibig sabihin wala na rin sina Ate Diana at Kuya Mikee?"

                "Oo! Hahaha, bagay lang sa kanila iyon dahil mga ganid sila sa kayamanan!!!!"

                "Ganid? Hindi mo ba naririnig ang sarili mo? Mas masahol ka pa kaysa sa amin! Kaya mong pumatay para sa mana! Kami na mga pamangkin mo ay kaya mong patayin!"

                "Oo! Dahil wala kayong mga kwenta!" at sinampal si Sarah, dumugo ang labi niya.

                Napangiwi ang babae. "Hayop ka!"

                "Matagal na. Hahahaha. Dahil 'yon sa paghahatian ninyong mana! Kami ang naghirap sa hacienda na ito subalit hindi namin matanggap na sa inyo lang mapupunta ito! Nakakainis! Nakakagalit!"

                Maya-maya pa ay dumating na ang binatang gwardya at ibinigay kay Anton ang isang matalim na kutsilyo.

                "Siya ba si Richard?"

                "Oo!"

                "Pero imposible! Kung siya nga iyon ay dapat na matanda na rin siya!"

                Hindi siya ang pinsan ninyo! Ang Richard na anak ko ay matagal nang patay. Nang mag-asawa ako sa ikalawang pagkakataon ay siya ang naging bunga, ipinangalan ko siya sa namayapa kong anak na si Richard."

                Nakita niyang pababa ng hagdan ang mag-asawa.

                "Mang Kanor! Manang Yolly! Tulungan po ninyo ako!"

                Tumitig lang ng masama ang dalawa sa kanya pagkatapos ay pumasok sa kusina.

                "Hahaha! Hindi mo rin ba alam na kasabwat din namin sila!"

                Labis na nabigla si Sarah. "Oh hin——hindi."

The Case of Belinda Sto. DomingoWhere stories live. Discover now