Chapter X

2.5K 88 5
                                    


                "...........At si Dr. Alfred Jimenez 'yung tumulong sa amin para malutas ng tuluyan ang kaso ng barkada kong si Andrea Miller." Pagtatapos ng kwento ni Jake.

                "Well, now Pooh, do you now believe na maaaring multo ang kumuha sa kapatid mo?"

                "I still refuse to believe such things. Kaya Jake makakalabas ka na."

                Tahimik na lumabas si Jake ng kwarto kaya sina Sarah, Jameson at Gail na na lamang ang naroroon sa kwarto at pinag-uusapan pa ang mga bagay na naroroon sa brief case. Nauna nang pinalabas ni Sarah ang mga trabahador sa hacienda kasama na si Lola Belinda. Tinitigan muli nila ang mukha ng mag-ama sa litrato.

                "Parang nakita ko na sila somewhere, I'm not quite sure kung saan but they looked familiar." Sabi ni Sarah.

                "Kalokalike? Hahaha." Pabiro na sabi ni Jameson.

                "No, what I mean is I think I've seen those eyes, those features."

                "Huwag na natin isipin, ang isa pang misteryo ay kung nasaan na ang mag-ama. Patay na ba sila o nasa malayong lugar o maaaring——"

                "Sila ang nagmumulto dito sa hacienda!" sigaw ni Gail.

                "May point ka dyan Gail. Pero nasaan ba kasi sina Ate Diana at Mikee? Kanina ko pa sila hindi nakikita."

                "Baka nasa bayan."

                "Magsasabi naman 'yung mga 'yun saka si Ate Diana, maglakad ng ganoong kalayo? Sira ang kotse di ba?"

                "I'll just ask the guards."

                Napansin ni Sarah na habang tinititigan ang litrato ng mag-ama ay parang iba pa ang hitsura ng mansyon.

                "Sa tingin ninyo, nirenovate lang itong mansyon?"

                "Nirenovate? What do you mean?"

                "Eh kasi oh. Tingnan ninyo, iba ang design ng pinto, ng veranda."

                Tiningnan din ng dalawang pinsan ang hitsura ng mansyon sa litrato.

                "Oo nga 'noh? Siguro, wala pang masyadong budget noon kaya noong kumita na ang hacienda ay inayos na ang mansyon."

                "Ang tatay ni Ate Diana ay ipnanganak in the 70's at ang sabi, hindi na nito naabutan ang mag-ama, could it be possible na late 1960's o beginning ng 70's ito kinunan?"

                "And take note, may anak na ito."

                "Eh hindi na man na tayo magugulat kasi 16 years old si lola nang mag-asawa kasi nga nabuntis siya ni lolo."

                Itinalikod ni Sarah ang larawan at may nakitang nakasulat. "'74....1974 kinunan ang picture na ito!"           

                "So kung 1974, at kung icocompute ang mga edad at taon..... sabihin na nating 16 din naging ama si Tito Anton, it means 32 years old si lola nang maging ganap na lola! Hindi tumutugma ang mga pangyayari!!!! Sa litrato ay malaki na si Anton! Si Gail ay 24 years old pa lang ngayon, so imposibleng...." Nagbibilang si Jameson sa kamay. "Imposibleng 50 something years old ipinanganak ang nanay ni Gail!"

                "Obviously Kuya, something's not right. Just as we thought we know everything to the story of her 'supposedly' son and grandson."

                Nagkatinginan ang magpipinsan. "Posible kayang hindi anak ni Lola Belinda si Tito Anton????"

                "Maaari!"

                "Kung ano man ang tunay na nangyari ay si Lola Belinda lang ang makakasagot nitong lahat."

                Nagtungo sa isang sulok si Sarah at napaluha. Pakiramdam niya ay naawawalan na siya ng pag-asa na makikita pang buhay ang kapatid. Hindi sanay ang lahat na nakikita siyang lumuluha pero sa pagkakataong iyon ay hindi niya kayang magpakatatag. Naisip niyang hindi niya kailangang maging mahigpit at malupit sa mga taong nakaksalamuha niya lalo na kung hihingi siya ng tulong.

                "Kuya, I don't think I need Lola's wealth anymore."

                Nilappitan siya ni Jameson. "What? What are you saying?"

                "Sa tingin ko hindi ko na kailangan ng makukuhang mana, ang kailangan ko ay ang kapati ko Kuya. Huhuhuhuhu." Yumakap siya sa pinsan.

                Napagtanto niya na hindi mapapalitan ng kahit anong yaman ang buhay ng isang tao. Lumabas siya ng kwarto at hinanap sina Mang Esteban. Nakita niya itong kausap sina Manag Yolly at Mang Kanor. Napahinto ang tatlo nang dumating si Sarah.

                "Mang Esteban, parang awa n'yo na po, tulungan ninyo akong hanapin ulit ang kapatid ko, alam kong buhay pa siya."

                Nakikinig lang ang gwardya sa kanya.

                "Patawarin n'yo po ako sa masamang asal ko sa inyo pero ngayon po ay kailangan ko ng tulong ninyo. Huhuhuhuhu."

                Tumango ang matanda at ngumiti. Tinawag niya si Elias at lumabas na sila ng mansyon at sumuong sa malakas na ulan. Hindi na ininda ni Sarah kung mabasa siya, basta ang mahalaga ay makita si Hannah. Pati siya ay lumabas na rin hawak ang flashlight.

*******************

                "Dito ka lang muna Gail, kakausapin ko lang sina Mang Kanor sa ibaba." Wika ni Jameson at lumabas na ng kwarto.

                Nagpatuloy lang sa pagbuklat ng mga gamit sa briefcase si Gail, nagbabakasakali na may mahanap pang karagdagang clue sa kung ano ba talaga ang katotohanan sa pagkawala ng sinasabing anak at apo ni Lola Belinda.

                Habang abala siya sa pagtitingin ay hindi niya namalayan ang dahan-dahang pagpasok ng isang tao, maingat ang bawat hakbang nito para hindi makagawa ng ingay. Sa kanang kamay nito ay isang matalim na kutsilyo.

                Sa kailaliman ng mga patung-patong na mga papel ay may nakuha si Gail na isang sulat. Binasa niya ito at napanganga. Tatawagin na sana niya ang pinsan para ipaalam ang kanyang nalaman nang biglang may taong nagtakip ng kanyang bibig kasunod ng walang tigil na pag-unday ng saksak sa tiyan ni Gail. Hindi na nagawang makalaban pa ng kaawa-awang biktima. Duguan nang itumba ng taong iyon si Gail sa sahig. Kinuha nito ang mga laman ng briefcase at dinala na palabas ng kwarto.

                Bagama't hindi nakasarado ang pintuan ay kumatok pa rin si Ditas para tawagin si Gail.

                "Mam? Pinapataw———"

                Hindi na naituloy pa ng dalaga ang sasabihin nang makitang nakahandusay ang duguang si Gail.

                "Aaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!"

                Nagulat si Jameson sa narinig sa itaas at dali-daling tumakbo paakyat sa ikalawang palapag. Nakaupo si Ditas sa sahig habang nanginginig na itinuturo ang nakita. Nabigla si Jameson sa nasaksihan. Napaluhod siya at nagsimulang umiyak.

                "Sinong may kagagawan nito??????"

>                Dahan-dahang inangat ni jake ang mga kamay para haplusin si Hannah sa mukha subalit hindi na niya ginawa. Alam niyang ilusyon lamang ang nakikita niya.


The Case of Belinda Sto. DomingoWhere stories live. Discover now