THE FINAL CHAPTER-PART 2

3.2K 110 13
                                    


                Inihiga ni Sarah ang matanda sa mga binti niya. May tama ito sa dibdib, malapit sa puso.

                "Lola, please, huwag kang susuko." Umiiyak na sabi ni Sarah habang hawak sa pisngi si Lola Belinda. Lumuluha na rin si Ditas.

                "Yung ba-baul.." nanghihinag sabi ng matanda.

                Inangat ni Lola Belinda ang braso at itinuro ang malaking larawan ng mag-anak sa sala na noong unang punta ni Sarah sa mansyon ay ito agad ang napansin at tiningnan niya. Naguluhan ang dalawa. Ngumiti si Lola Belinda pagkatapos ay bumagsak na ang kamay nito at pumikit.

                "Lola!!!!!!!!!!!!!!!!" panaghoy ni Sarah. Wala na ang lola niya.

                Makalipas ang ilang minuto ay nakatulala lang si Sarah sa harap ng pinintang larawan na nasa harap. Sa kabila pala ng masayang anyo ng pamilya niya ay may itinatago itong lihim. Napaisip tuloy siya. Hinawakan ni Ditas ang gilid ng larawan at may inangat na kaunting bahagi. Nagulat siya.

                "Madam! Madam!" pagtawag niya.

                Napatingin si Sarah at nilapitan si Ditas. Dahan-dahan nilang inangat ang ibabang kanang bahagi ng larawan at napansing may butas doon. Umakyat si Ditas sa isang upuan at inangat pa ang ilang bahagi. Tuluyan nang nahulog ang larawan at bumungad sa kanila ang isang butas. Nakatitig lang si Ditas sa hugis parisukat na butas.

                "Anong nakikita mo?"

                "M-may baul!"

                Napaakyat na rin si Sarah at ganoon nga ang pagkagulat nang makita ang isang lumang baul. Bagama't mabigat ay pinagtulungan nilang ibaba ang isang katamtamang laking baul. Nang buksan nila ay napanganga ang dalawa.

                "Ang kayamanan!"

                Sa loob ay makikita ang iba't ibanguri ng alahas na yari sa ginto, may singsing, kwintas, hikaw at maging mga butil ng maliliit na ginto sa isang malaking bote.

                "Wow! Ang dami nito madam!"

                Mapait ang mga ngiti ni Sarah lalo na nang tingnan niya ang wala nang buhay na lola.

"Siguradong hindi na ako maghihirap hindi tulad ng buhay namin ng nanay ko noon." Wika ni Ditas.

Bigla siyang may naalala at napatitig ng masama kay Ditas. Pasikreto niyang kinuha ang kutsilyo na nasa gilid niya. Sasaksakin sana niya si Ditas subalit nakailag ito at napatakbo palayo.

"Madam! Anong ginagawa mo?"

"Dapat ka ring mamatay!"

Takut na takot si Ditas sa inasal ni Sarah. Naisip niya na katulad ni Anton ay ganid din ito sa kayamanan kaya gusto nitong patayin siya ay para masolo ang yaman.

"Huwag madam! Parang awa n'yo na."

Susugurin na siya ni Sarah subalit napansin niya ang baril sa may paa. Agad niya itong kinuha. Wala siyang magagawa kaya ipinutok na rin niya ang nakuhang baril. Bumagsak na rin si Sarah sa sahig. Umagos ang dugo niya. Wala na rin itong buhay.

Napaiyak na lamang si Ditas. Hindi siya makapaniwala na kayang pumatay ng mga tao para lang sa yaman. Napansin niyang huminto na ang ulan at papasikat na ang araw. Alam niyang darating na ang magnobyo, dala ang mga pulis, kailangang tama ang pahayag niya sa mga ito. Hinila niya ang baul lumabas sa mansyon. Sa gilid nito ay inihulog niya sa butas na may maruming tubig-ulan ang baul at nilagyan ng lupa.

Marahil ay alam na ni Sarah kaya tinangka siyang patayin.

                Nawalan ako ng pag-asa sa mga pangarap ko nang nag-asawa ulit ako sa ikatlong pagkakataon na isang kasambahay lamang. Naalala niyang sabi ni Anton.

                Napangiti siya subalit napawi rin. Ang tinutukoy nitong kasambahay ay walang iba kung hindi ang nanay niya. Napahalakhak si Ditas, wala na ang ama niya, napatay na niya pati na rin ang kapatid sa ama. Tugumpay ang plano niya na makuha ang kayamanan habang lumalabas na inosente siya sa mga pangyayari. Iba nga talaga ang nagagawa kapag ganid at inggit ang umiiral sa katauhan mo.

                Muling napahalakhak si Ditas.

-WAKAS-


NEXT: THE CASE OF HANNAH JANE LORILLA


*Thanks FOR READING, COMMENT PO KAYO.

The Case of Belinda Sto. DomingoTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang