PROLOGUE

52 2 0
                                    

I GROANED. “Asaan na ba 'yon? Nakakabwisit naman.” frustrated kong sabi habang walang humpay na nililibot ang langit na puno ng stars. Kanina ko pa kasi hinahanap yung sinasabi ng news na may magaganap na shooting star daw. Pero bakit wala pa rin akong makita?

Hindi naman siguro sila magbabalita ng scam? Kasi kung oo, i-re-report ko sila... charot.

Tinignan kong muli ang oras: 2 AM. Halos isang oras na pala akong nandito pero wala pa rin yung shooting star... ayaw ba nun magpakita? Bakit wala pa rin? Sabi rin sa balit na by 1:00 am may magpapakita na. I don't get why I don't see a thing or now.

Kung hindi scam, baka sign yan na kabaliwan itong ginagawa mo.

Natigilan ako sa isip bago umiling. Bigla ay napatingin ako sa hawak kong libro: The Man Of My Imagination. Binasa ko yung part kung saan nakahanap si Laura ng shooting star na sobrang bagal. I scoffed as realization dawned into me.

Baka nga kabaliwan lang itong ginagawa ko. But just like what Laura said, walang ibang choice. Ito na yung panahon kung saan wala ka nang makitang himala sa ginagawa ng tadhana. Even if you insist to do something, nothing is happening. Parang dito may makapitan ka lang, basta matupad na yung wish mo gagawin mo kahit pa magmukha ka nang tanga.

And then, I saw something at my peripheral vision ang parang kuminang na kaunti sa ulap, I quickly looked at the sky. Inilibot ang langit nang paulit-ulit but didn't catch the shooting star on time.

Augh! Shooting star iyon, e. Okay na! Kaso hindi ko lang naabutan!

Out of frustration, I shouted at the shiny star that caught my attention. “Palagi na lang ganyan! Kapag hindi ako kumikilos, hindi binibigay. Kapag kumikilos naman, hindi pa rin binibigay... Saan ba ako dapat lumugar para mangyari iyong gusto ko?!” Nagkahalo-halo na ang frustration at ang sakit dahil doon sa naalala. “Gusto ko lang naman ng lalaking mamahalin din ako—hindi yung lalaking walang pake sa akin. Simple lang naman hinihingi ko…bakit hindi pa ibigay sa akin?” A tear escaped through my eyes as I stare at the star. Napayuko na lang ako habang iniisip na naging walang kwenta lang din ang pag-gising ko nang maaga. Tinitigan kong mabuti ang hawak na libro. Tingin ko magkaiba kami ng sitwasyon ni Laura. Kasi siya sa Fiction—ako naman ang sa reality. Kahit pa anong pagkakatulad ng sitwasyon namin, magkaiba pa rin ang kahihinatnan namin pareho.

At higit pa sa lahat: siya si Laura. Ako naman si Layla. My name is Layla Carter not Laura Reyes Quinto. And... me wishing that what happened to Laura happen to me, too, is completely absurd.

I, then, went home with tears in my eyes.


“OH, KAMUSTA ANG kabaliwan mo kagabi?” pambungad na sabi sa akin ni Sheryl. Hindi ko siya sinagot at pasalampak na umupo sa upuan at hindi pinansin ang cereal na nakahain. Nahuli ko pa pag-kunot noo niya bago yumuko sa mesa. “Huy, Layla!” pangbubulabog niya sa akin.

I groaned at her before saying: “Ano?” I said with an irritated tone.

“Aga-aga ang sungit, mukhang alam ko na sagot.”

I rolled my eyes at her. “Shut up, Sheryl.” Pagkatapos ay dumugdok ulit sa upuan.

“Sinabi ko na kasi sayo, di ba? Tigas din kasi ng ulo mo. Ayan ang napapala mo.”

Inangat ko ang ulo at parang nakaramdam ng frustration na parang gusto ko umiyak sa inis. “I just don't get it. Bakit hindi nangyari sa akin ang hinihiling ko?”

She made a face. “Maybe because what happened in the book is entirely fictional and you're just fooling yourself na baka mangyari?!”

“Don't blame me, okay? I just want to have someone with me para makamove on na sa anak ng tipaklong na Lucas na iyon!”

“Pero ayan nga, hindi nangyari! Ano na gagawin mo ngayon? And if you're looking ng tao kung saan makakalimutan mo ang binigay niya sayo na pain, maraming tao sa mundo! Bilyon, Layla! Bilyon! Kaya hindi ako naniniwala na imposibleng hindi ka makakamove on.”

“Bakit, Sheryl, sa bilyong tao na nasabi mo, sa tingin mo ba na sa isang arawan lang, makikilala ko na sila? Hindi, 'di ba?”

Napanganga na lang siya. “Bahala ka nga diyan! Anyway,” she said, dismissing the topic. “Si Jake, nakita mo? Halos dalawang linggo na rin pa lang hindi pumapasok iyon, ah.”

I snorted. “Pake ko sa bwisit na iyon,” paismid kong sabi.

“What's with that face?” she puffed. “May ginawang masama sayo, beh?”

“For your information, lagi niya na lang akong pinagti-tripan. Like... since birth! Paanong hindi sasama?”

Asus. Baka naman kaya ka pinagti-tripan kasi gusto ka at manhid ka lang?” sabi niya nang pabulong kaya pinaulit ko sa kanya. Umiling lang siya. “Wala. Sabi ko oo nga tama ka.” At nagsimula na siyang bumulong-bulong. Hindi ko na lang pinansin pa at dumukdok uli nang makaramdam ng antok.

Malapit na akong makatulog nang bigla akong kalabitin nang kalabitin ni Sheryl. Tuloy-tuloy iyon hanggang sa mainis ako at inangat ang tingin. “Ano ba, Sheryl?! Natutulog ako!” Pero tinitigan niya lang ako bago ginalaw ang mata sa harap. Kumunot ang noo ko. “Mag-salita ka, 'wag mo akong dinadaan sa mata!” Pero ganoon pa rin siya. Kukulitin ko pa sana siya nang may tumikhim sa harap ko. Sisinghalan ko na rin sana iyon nang nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang nasa harap.

“L-Lucas? Anong…” Mas napigil ang aking pag-hinga nang makita sa gilid niya ang bulaklak. And guess what? It's my favorite flowers! Paano niya nalaman ang mga iyon?

Hinarap niya sa akin ang bulaklak. “For you. But call me Luke not Lucas.”

My eyes shifted from his face nang marinig ang kanyang sinabi. Sam? Diba... diba...

Bago pa ako makapag-salita, inunahan na niya ako. “Yes, I'm Luke. The man of your imagination.” He smiled, making my breathing stopped. “Will you let me be yours, Layla De Guzman?”

A Wish Upon A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon