CHAPTER 3

22 1 0
                                    

I'VE READ na sa episodes na nagseselos si Sam at nagagalit siya kay Laura, ginagawa niya ang technique na bagay na nagpapalambot sa kanya. Bagay na makakapaghina sa galit. Alam ko rin na sa ilang chapters ay hirap na hirap siya umisip, pero ang pinakamabisa lang daw yung isang bagay na hindi kayang tanggihan ng nag-iisang strict, cold na Sam.

Pinisil nang pinisil ko ang utak ko ng mga bagay na alam kong pwedeng maging kahinaan ni Luke but I can't seem to know what his weakness is. Isa lang yata ang nagawa ni Laura na Sam. Kaya ang hirap umisip ng paraan.

Tama nga si Laura. Ang hirap manuyo ng masungit.

Napatayo ako sa kinauupuan nang may ideyang pumasok. Bakit ngayon ko lang naisip? Maski si Laura ay hindi iyon nagawa. Sabagay, naka-focus kasi siya kung paano manuyo. Hindi paano makuha ang atensyon.

Now, let's get this over with.

Una ay hinanap ko siya at nakita ngang nasa kusina. Kung ano mang ginagawa na pagmumuni, hindi ko na pinansin at ginawa ang balak. Gagawa lang ako ng minor scratch. OA-yan ko na lang sa acting na masakit talaga.

After the placement of all the things I've done, I called his name. "Luke, asa'n ka?!" As expected, he would stay silent and so I did what the actual plan is.

I stepped on the notebook and slightly slide it when I came out of balance. Everything went so fast afterwards. My only goal was to at least hurt my butt from the staircase and show him how hurt I am but everything became out of control. Once, I was balancing myself at the staircase and then suddenly falling harshly unto the ground. A groan came out of me.

"Lia?!" saad ni Luke sa kusina and I rolled my eyes. Mapapansin na nga lang ako, yung totoong nasugatan pa. Bumungad sa akin si Luke at malinaw sa kanyang mukha ang pagkabalisa at pag-aalala. Pero. . . Bakit walang galit? Sa mga episodes ni Sam na nasusugatan si Laura ay nagagalit agad siya dahil protective siya kay Laura. Nasasabihan pa nga siyang tanga dahil sa kanyang ginagawa. But. . . Why does this Sam version 2.0 looked extremely unique? Bakit pag-aalala lang ang nakikita ko? Bakit takot lang ang naaaninag ko?

Nawala ako sa mga iniisip nang buhatin ako ni Luke. He placed me on the couch and kneel in front of me. He checked my arms, knees; kung may sugat ba o pasa. "Okay ka lang? Anong masakit sayo?" As if on cue, I clenched my arm. Parang may part na masakit din sa may paa-lalo na sa likod ko. Mukhang nakita iyon ni Luke kaya tinignan niya iyon. Napapikit siya nang mariin. For a second, I waited for a harsh reaction from him. For at least an angry expression for what I did. But nothing. Tinanong niya lang kung nasaan ang first aid kit at wala sa loob na sinabi ko iyon. Thoughts started to ran in my head but I shook it all away. Maybe it has an effect for bringing him here at my reality. Baka rin ay dahil hindi ko alam kung paano i-handle ang ugali niya sa imagination ko like Laura did, ganito ang nangyari: he has his own personality.

Right.

Nakabalik na si Luke ng may dalang first aid and I flinched when he put directly a cotton bud with an alcohol sa slight na sugat na nakita ko. It seems like he noticed it so he made it gentler this time. I don't know. As hours gone by, the more I felt myself falling for him. What did I do to deserve him? To be with me? To care for me?

Napansin niya yatang nakatitig ako kaya nagbigay siya ng frown expression. "Bakit ba kasi nahulog ka pa sa hagdan? Bulag ka ba?"

Muntik na akong tumawa pero pinigilan ko. "Kasalanan ko bang may notebook pa lang nakahalang?" I said, rolling my eyes.

He raised an eyebrow. "At kapag wala ako dito nang mahulog ka. . . ?"

"I can heal myself alone. Hindi ako bata para magpagaling pa sa iba." Totoo nang galit ako. I don't need someone else to heal me. I, myself, can do it. Kung tutuusin nga ay kahit ako na lang ang mag-lagay ng first aid sa akin ngayon!

He shook his head. Completely raising his white flag. Deafening silence came afterwards. It engulfed us for a long minute until I sighed in defeat. "Fine. S-Sorry..."

Tumango siya. Focus pa rin sa sugat ko at mga pasa na meron na ngayong cold compress. "Oo, hindi mo nga kasalanan na nahulog ka."

"Hindi. P-Patungkol sa..." I gulped. I can't believe I'm putting down pride just because of him! "Pagbanggit ko kay Lucas. I'm sorry for making you jealous. I'm... sorry for calling his name over and over when in the first place, oo nga andito ka naman... and yung sa paghalik ko sayo sa Hallway... totoo na nakita ko siya at hinalikan kita dahil doon but that doesn't mean I want him to make him jealous... I... I want him to realize kung sink ang sinayang niya."

For a moment, I saw his shocked face. Literal na nagulat dahil napatigil at napaangat siya ng tingin sa akin. "D-Did you just said sorry?"

I glared at him. Nang-aasar pa! "Talagang hilig mo inisin ako, 'no?" Pinilit ko magpumiglas sa hawak niya at tumayo sa couch at naghandang umalis. Ngunit kakaapak ko pa lang ay naramdaman ko na ang sakit. Luke came to the rescue pero tinabig ko ang kamay niya sa bewang ko. "Kaya ko sarili ko!"

He sighed. "But you look-"

"I'm fine! I'm a strong, independent woman and I don't need anyone's help. So please, lubayan mo na ako."

"Sorry. Ngayon ko lang kasi nalaman na nag-so-sorry ka pala-"

"Tignan mo! Talagang pinagdiinan mo pa. Isa pang ganyan mo at masasapak na kita. Kitang nag-sorry na nga yung tao uulit-ulitin pa. Trip mo talagang asarin ako-" My mouth shut when he claimed my lips. My mind automatically shut down and let go from the kiss he gave me. Ang isip ko ay sinasabing may atraso pa siya sa akin para halikan ako pero masyado na akong lunod sa binibigay niyang halik sa akin. Mas napalala pa nang sinubukan niyang ipadaan ang kamay sa buong katawan.

Hinihingal kaming naghiwalay. Nagkatitigan. Tila binabasa ang pinakamalalim na nakabaon sa isip. Not until he smirked.

"And that's my way to say sorry."

A Wish Upon A StarKde žijí příběhy. Začni objevovat