CHAPTER 4

13 2 0
                                    

UNLIKE LAURA, I immediately fell in love with Luke and instantly forgotten about Lucas. Sa kanya lang nakatuon ang atensyon ko sa buong araw at walang araw na hindi ko siya naisip, na-miss at...

Naka-make out-an...

Hinihingal akong humiwalay ng labi sa kanya. I, then, stared at his lips. I would never get tired of kissing him over and over again until we ran out of breath. I suddenly wondered, why Laura didn't do such thing like this kung alam ko gusto niya rin ng ganito? Hays, pabitin kasi yung Author. Ang tagal i-release ng book 2! Ano kaya mangyayari? Bakit biglang bumalik si Sam? Natatakot naman, baka hindi gawing happy ending ni Author.

"Hey..." tawag sa akin ni Luke na ikinalingon ko sa kanya. Nakita ko agad ang posisyon namin na magkapatong and gulo-gulo ang itsura pero hindi ko na pinansin pa at yumakap sa kanya. "Hindi ka ba nangangawit?"

Kumunot ang noo ko. "Hindi." Matagal siyang natahimik kaya akala ko okay na nang may pwersa na inialis niya ako sa aking pagkakapatong. "Ano ba—"

"Ang init!"

"Ang arte mo! Hindi naman—"

"Hindi pa mainit yung pinagpapawisan tayo?"

Hinarap ko siya kaya napagalaw ako sa pwesto. "Normal yon! Syempre naghalikan tayo—" Napatigil ako nang mapagtanto ang isang bagay kung bakit siya ganito mag-react. Mukhang napansin niya iyon na alam ko na. Terrified look flashed on his face.

"Don't you dare—" I was about to do it when he unexpectedly and awesomely flipped both our positions. Ngayon ay ako naman ang nasa ilalim. He was pinning me to the bed and it somehow made me feel something. Mukhang naramdaman niya ang naramdaman ko kaya agad siyang umalis sa pagkakapatong sa akin. Bago pa ako makapagsalita ay umalis na siya sa kwarto ko. Natatawa na lang ako dahil ito ang pangalawang beses na nangyari ito. Nung una ay nabitin ako pero ngayon tinatawanan ko na lang. Why is he afraid of it, though? We had done it so many times in my imagination, perp bakit nagmumukha siyang lalaki na fictional na nagsasabi na, "kapag kasal na natin gagawin."? It's not as if it's bad! We can use protection— or even an oral would be fine! Tapos siya...

Dibale, alam kong dadating yung time na maakit ko siya na gawin. Sa ngayon, okay naman ako sa make outs.

Kinabukasan, may ganap sa school. May mga guest na dumating informing us how sex education works. By batch ang pagpunta, at nang turn na ng section namin ay pinapunta na kami sa room kung saan i-di-discuss sa amin. Nang makaupo saka ko lang napansin na may kasama pala kaming section. Babalewalain ko na lang sana nang mapansin na iyon ay section nina Lucas. Napakurap-kurap ako at pilit na nagtatago sa tabi ni Sheryl huwag lang makita ng anak ng tinokwa na iyon.

“Huy, Layla ano ba? Napakalikot mo,” angal ni Sheryl.

“Shh! Shut up ka na lang. Mamaya ko sasabihin sayo kung bakit.”

“Yung damit ko kasi!”

Hindi ko na siya pinansin at pibroblema na lang na huwag na sana akong makita ng Lucas na iyon dahil ayaw ko siyang makita ever, ever again. Bakit kasi sa dinami-dami ng makakasama naming section sila pa? Umay.

Nakinig na lamang ako ng tao na nasa harap na sinisimulan nang idiscuss ang importance of sex education. Dahil doon, medyo nawala-wala sa isip ko ang kailangan kong pagtatago kay Lucas at nakinig na lamang sa instructor sa harap.

“Matanong ko lang din, sino-sino sa inyo ang pinagtawanan na magkakaroon kayo ng small discussion about the importance of sex education among you? Kasi ganyan ang kabataan, eh. 'Pag usapang sex ganadong-ganado, akala mo kung sino na nakatakas sa hawla,” natawa ang ilan na nasa room. “Kidding aside, we shouldn't take it as a joke. Hindi porket nakita niyo na about sex, tuwang-tuwa na kayo kasi may ganire, ganyan. Ang mga katulad niyong ganon ang isa sa dahilan kung bakit maraming nabubuntis at nakakabuntis. Ang mahirap kasi sa karamihan lalo na sa katandaan, mapag-usapan lang ang sex ay sobrang conservative na. Pansin niyo? Kaya ayaw iinform ang bata sa sex, dahil bata pa raw, ganyan. Hindi nila alam mas delikado ang ginagawa nila dahil hindi mulat ang anak...”

Marami pang sinabi ang instructor na halos ay ikina-agree ko rin. Aaminin ko na parang tawang-tawa pa ako nung nalaman na may gantong magiging ganap sa school, but thinking of it right now, it all makes sense dahil kahit papano need din namin mapakinggan ito. For our sake and our knowledge.

Sa kalagitnaan, tinuro sa amin kung paano ba ang safe sex. Ano ang condoms, lubricant, and etc. Nagiging maayos naman nung una kaso naglabas ng figure ng "member" ng lalaki ang instructor teaching us how to properly use a condom. Napapalunok na ako dahil... ganito pala iyon?

Mula sa paano magbukas at kung paano i-set up ang condom, ipinakita sa amin paano ito ilalagay sa "member." Iniwas ko na ang tingin kalagitnaan dahil hindi ko pala kaya tignan. Ngayon, inisip ko tuloy ang muntikan mangyari sa amin ni Luke nung nakaraan... ayoko na pala gawin namin ito. Nakakailang pala kapag sitwasyon na ng ganito.

Gusto ko na lang matapos 'to.

“Now, could anyone from the group demonstrate on what I did earlier? Just to measure what you've learned. As much as possible, a girl.”

Sari-saring kantyawan ang bumalot sa room dahil yung iba tuwang-tuwa pa. Come on, talagang kami pa ngayon ang gagawa? Pwede bang paalisin na kami nang matapos na ito?!

“Sir! Ito po si Layla, gusto!” rinig ko kay Sheryl sa tabi ko. Nanigas ako sa kinauupuan at mabilis na umiling sa instructor. Bwisit ka, Sheryl, humanda ka sa akin mamaya!

“H-Hindi po! Nantuturo lang po siya!” Now I know right there and then napansin na ni Lucas ang presensya ko. His reaction? I don't know. I don't wanna know dahil mas naiistress ako sa pinagagagawa ni Sheryl sa akin.

“Tara na, huwag ka na mahiya! Saglit lang naman, eh. Para lang masabi na natutunan niyo talaga yung tinuro ko.” Mas nag-ingay ang nasa room at mas lalo akong tumanggi kaso ayaw paawat ng instructor. Wala rin kasing nag-tataas kamay kaya pinipilit pa rin akong tumayo.

“Ayoko po talaga...” Ilang beses lumabas iyan sa akin pero nakita ko na lamang ang sarili na nasa harap at kaharap ang "member." Napapalunok na ako habang nakikita ko sa gilid ng mata ko si Sheryl na may hawak pa ngang phone at vinivideo ako.

Walang hiya ka, Sheryl! Humanda ka lang talaga sa akin after nito!

PAGKALABAS KO NG ROOM na iyon ay halos mamula ako sa kamatis sa hiya. Kung asaan si Sheryl para sana sabunutan ko, nawala. Kapag nahanap ko talaga ang babaeng iyon, hindi lang sabunot ang abot nun sa akin, eh! Sa tuwing naalala ko kung paano ko iyon ginawa sa harap ng maraming tao mas nahihiya ako. Halos ang tingin ko na nga lang ay sa floor kaya may nakabangga ako sa paglalakad.

“S-Sorry! Sorry!”

“Layla?”

Napatigil ako sa kinatatayuan. I know that voice. It's...

“What? I have some important matter to attend to.”

“I'm just wondering if... i could join you for Lunch tomorrow?”

Doon na ako napaangat ang tingin sa kanya. Wow, ang dati kong hindi ako pinapansin ay ngayon inaaya ako mag-lunch together with him?!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Wish Upon A StarWhere stories live. Discover now