CHAPTER 2

13 2 0
                                    

I REMEMBERED EVERY DETAIL, emotion and how I felt that day. I was feeling nervous and excited at the same time. Hindi ko sure kung tama ang ginagawa ko, basta ang iniisip ko lang baka maunahan ako.

“Sheryl, nakita mo kung nasa'n si Lucas?”

“Hindi. Bakit—” Nanlalaki ang matang nilingon niya ako. “OMG, gagawin mo?!”

“Gagawin? Gagawin ang alin?” I rolled my eyes when I saw Jake. Pasulpot-sulpot na lang siya kung saan-saan. Kabute ba siya?

Hindi ko na lang siya pinansin. “Nakita mo, Sheryl?”

“P-Parang nakita ko patungong Library.” Pagkatapos ay tinitigan niya akong mabuti. “Lia, seryoso ka ba? Joke ko lang naman iyon! Baka kasi ako bigla mong sisihin—”

“Hindi, 'no. May Plan B naman ako.” Plan B? Ni wala nga akong pinlano kahit Plan A.

“Lia naman parang bingi.” Ayan na naman po si Jake. Nakakawala siya sa mood. “Anong gagawin mo? Bahala ka diyan, susumbong kita kay Tita kapag may ginawa kang—”

“Sumbong mo!” saad ko bago inikot ang mata at nag-martsa na paalis doon. Susundan pa sana niya ako nang harangan siya ni Sheryl. Napangiti ako at kinindatan siya to indicate I like what she did. Alam kong malaki ang posibilidad na masira ni Jake ang pag-confess ko kay Lucas any minute at hindi ko hahayaang mangyari iyon.

Parang kinilig na namula ako sa sinabi. Confess. Right. This is it pancit. After hiding my feelings for him for almost a year, I'm finally confessing. Nang sabihin kasi sa akin ni She kahapon na baka maunahan ako ng ibang babae diyan, natakot ako. Fear corrupted my system habang iniisip kung anong mangyayari sakaling hindi ako kumilos. Kapag hindi ako gumawa nang kaunting chance. And I could tell na... meron. May chance na magbago ang lahat pagkatapos nito.

Pagkarating ko sa Library ay kaagad ko siyang hinanap sa kanyang favorite place. Papaanong hindi ko malalaman, e, number one stalker ba naman ako ng nag-iisang si Lucas Xavier.

Ay, proud yarn?

I shook my head and focused on finding Lucas. When I finally found him, those perfect features and a face you can compare to an angel, I almost fainted on the ground kung hindi ko lang nagawang nakakapit sa lamesa. Dumoble lang ang tibok ng puso ko nang kaagad niya akong napansin. But despite that, I smiled at him.

“Lucas. . . Ikaw pala,” pagkukunyari ko. Nilapitan ko siya. Sa nanginingig na tuhod, I made it through him. Nakakunot ang noo niya sa akin.

“Layla? Anong ginagawa mo rito? Hindi ba... may klase pa kayo in any minute?”

I shrugged my shoulders. “Bored ako. Ano pa lang 'yang binabasa mo?” pag-iiba ko ng usapan.

“Nag-re-review ako sa upcoming exam.” Maiksi. Pero okay na sa akin kaysa naman sa wala siyang sabihin. Tinabihan ko ang bakanteng upuan na katabi lang ng bag niya. We're kind of close dahil isa ako sa mga SSG Officer. Secretary ang position. Ako ang karaniwan niyang nilalapitan kapag kailangan ng idea kaya I could tell we're close and kinda friends.

I sighed as I closed my eyes. Ito na. Gagawin ko na. My heart is racing as minutes passed. My body starts to shake in nervousness. I secretly made a deep breath before talking again. “I heard you're learning Mandarin since last month...?”

Nilingon niya ako. “How did you know about that?”

“Makatingin naman 'to. Sinabi lang sa akin ni Athena! Pinagtatawanan niya raw kapag naririnig kang nag-sasalita ng Mandarin bigla-bigla.”

He groaned. “That brat. Ano pang kinwento sayo?”

Tinikom ko ang bibig. Nagpipigil ng tawa. “Wala naman na.” Kahit meron. “Turuan mo na lang ako mag-Mandarin.”

A Wish Upon A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon