Chapter 9

158 17 0
                                    

"BAKIT nakaganyan ka?" Tanong ko kay aya ng makitang naka balabal ito. Papunta kami ngayun sa restaurant ni ate norie at doon sa coffee shop ng kuya ni aya at pasalamat na lang talaga ako sa kqnila dahil sasamahan nila ako.

"Sensitive-"

"'Wag mong pansinin yan ally, arte arte, ayaw maarawan HAHAHA" tatawa tawang sabi ni harry at nakatikim naman siya ng sipa galing kay aya.

Pero 'di ko magawang tumawa dahil may napapansin ako kay aya, hindi siya mapakali, parang may masakit sa kan'ya. May balabal s'ya pero naaarawan pa rin naman siya.

Nagulat ako ng magtama ang aming mata. Iyon na naman, ang mga matang iyon, katulad ng kay harry at harrith, may kung anong kumislap na kulay pula roon.

Nag iwas siya ng tingin at nang matanaw namin ang kotse ni deus ay naunang sumakay si aya, halatang nagmamadali.

Pagkasakay namin ay tinanggal na n'ya ang balabal.

"Okay ka lang?" Tanong ko pero hindi n'ya ako pinansin, naramdaman ko rin ang pagtingin ng tatlo.

"Sabi na kasing uminom ng dugo ko e" Narinig kong bumulong si harry, pero hindi ko narinig ng maayos. Doon pa lang lumingon si aya, at tumingin sa akin.

"I'm okay" sagot n'ya pero babagya pa ring nanginginig.

Nakarating kami sa tapat ng restau at totoo nga. Nakita rin namin si ate norie na nakikipag usap sa mga police.

"Hintayin ka na lang namin" Sabi ni deus na nakatingin sa akin. Tumango ako at bumaba na.

"Allyson?"

"Ate norie! kamusta ka?"

"Okay naman ako, ang restaurant lang ang hindi" Tumingin s'ya sa restaurant, na hindi na mukhang restaurant.

"Ikaw kamusta? pasensya ka na ah?-"

"'Wag ka na mag alala ate, nag hahanap na ko ng trabaho"

"Really? that's good and mukhang papunta kayo roon?" tanong n'ya at tumingin sa kotse at kumaway.

Lumingon ako roon at nakita kong naka silip ang tatlo, kumaway din si harry at kumindat pa. Siraulo tlga.

"Oo ate, alis na kami"

"Sure sure"

"Mag iingat ka" Ngumiti ako sa kanya, pero ewan ko ba, baliw na nga talaga ako. Dahil sa simpleng sabi n'ya na mag ingat ako ay iba ang dating sa akin. Ang sinabi n'ya at ang mga mata n'ya nang sinabi n'ya iyon. Mga matang nakikiusap, nag aalala at nangungulila?

Nginitian ko muli siya.

Tumalikod na ako at papunta na sa kotse nang may nahagip ang mata ko.

'Yong bata!

Wala sa sarili akong tumakbo papunta sa kan'ya dahil kaunti na lang, kaunting kaunti na lamang at mabubungo na ng isang kotse ang batang pinupulot ang mga nagkalat na sampaguita.

"Ally!" Narinig ko pang tawag nila sa akin. Pero hindi ko sila nilingon.

"BEEPPPPPP!"

Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko, ang init. Napaka init, init na gustong kumawala at hindi ko na namalayang nasa bisig ko na ang bata at ang kotse ay tuloy tuloy lamang. Walangya.

Agad kong nilingon ang bata at nagulat ako ng makitang nakatulala s'ya sa akin.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot kaya nag alala ako.

"Bata ayos ka lang ba?" Ulit ko at nakahinga ako ng maluwag ng tumango ito. Nginitian ko s'ya at inayos ang mga sampaguita n'ya. Ibinibigay ko na ito sa kaniya pero nakatingin lang s'ya sa akin.

"Bakit?" Tanong ko.

"P-pano niyo po nagawa-"

"Ally!" Hindi ko na naintindihan ang sinabi n'ya ng tinawag ako nina harry.

Nagulat pa ako ng hinila ako ni deus sa kamay at iniharap sa kan'ya.

"Are you okay?" Tanong niya ng may halong pag aalala. Kitang kita sa mga mata n'ya. Pero bakit?

"Oo" Sagot ko at tumango ito sa akin at humarap sa bata.

Pinantayan n'ya ang bata at tinitigan, nagtaka pa ako ng nakita kong dumaan ang takot sa mata ng bata, wala namang sinasabi si deus.

"Deus-"

Nagulat ako ng biglang lumingon lingon ang bata na para bang nagtataka kung bakit s'ya nandito.

Tumingin muli s'ya kay deus at sa akin bago nagtatakbo.

"Bata!" Hahabulin ko pa sana siya pero hinigit ni deus ang braso ko.

"She's okay," Aniya at higit higit ako pabalik sa kotse.

"Pero kasi" Lumingon ako muli doon pero hindi ko na muli pang nakita ang batang iyon.

Bakit kaya? kanina ay may itatanong s'ya pero hindi ko naman naintindihan.

*

"Nandito na tayo!" Anunsyo ni harry at nauna na silang bumaba.

"Aarayy!" Narinig ko pang reklamo ni harry.

Nilingon ko sila sa labas, at nakita kong nag tatalo na naman sila.

"Bakit ka ba nang babatok!?"

"Nag tatanong ka pa! E halata namang sinadya mo 'kong tapakan!"

"Hindi no!"

Sagot pa ni harry bago nagtatakbong pumasok sa coffee shop. Ang dalawa talagang iyon.

Ako naman ay hindi pa bumababa dahil hindi pa rin mawala sa isipan ko iyong nangyare kanina. Ang mga mata ng batang iyon, natatakot na humahanga. Titig na titig siya sa akin kanina. Parang may kung ano sa akin at aaminin ko, kahit ako ay nagtataka, lagi na lang.

May naramdaman ako kanina, hindi sa kahit na sino kundi sa sarili ko.

Napabuntong hininga ako at tumunghay. Hindi sinasadyang magtama ang mata namin ni deus. Akala ko ay bumaba na rin siya.

Agad niya akong tinaasan ng kilay, na parang sinasabi na ano pang ginagawa mo? baba na!

Tsk

Napagpasyahan kong bumaba na, hinintay ko si deus bago kami sabay na pumasok sa coffee shop.

"Nandyan na pala sila!" Narinig kong sabi ni harry kaya hinanap ng aking mata kung nasaan sila. Nakita ko naman agad sila sa may bandang likod at kumaway sa akin si harry.

Lumapit kami ron. Hihilahin ko na sana ang isang silya, pero may nauna na. Nagtatakang tiningnan ko si deus. Kaso nga lang ay hindi niya ako pinansin at umupo na sa tabi ng aking silya.

Uupo na rin sana ako nang may tumikhim sa likuran namin.

At pagharap ko ay-

Sana pala ay hindi na ako humarap, ay hindi, sana hindi na kami pumunta rito.

Kaya pala pamilyar ang pangalan ng coffee shop na ito, naalala ko na.

"Marie?" Saad niya. Ni zyt, my ex boyfriend.

My Vampire Boyfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now