taya sa panandaliang saya

9 2 0
                                    

bawat pag-awang ng mga labi mong nagbabadyang bumigkas katulad ng kung paano pinagtutugma ng isang makata ang tulaʼy tila may katumbas na hindi matawarang halaga, na kahit ang pawang tunog ng iyong hiningaʼy patuloy akong hinahalina

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

bawat pag-awang ng mga labi mong nagbabadyang bumigkas katulad ng kung paano pinagtutugma ng isang makata ang tulaʼy tila may katumbas na hindi matawarang halaga, na kahit ang pawang tunog ng iyong hiningaʼy patuloy akong hinahalina.

bakit nga ba ako nahuhumaling?

sino ka nga ba upang bigla na lang dumating sa buhay kong puno ng walang katapusang karimlan? sino ka nga ba upang unti-unting tunawin ang puso kong matagal nang nakapaloob sa mga rehas na gawa sa bakal at bato? sino ka nga ba upang dahan-dahan akong haplusin gamit ang tinig mong mas nakakabighani pa sa mga pinaka-tinatangi kong mang-aawit?

ikaw kasi ang araw sa bawat gabi ko.

at iyon ang ikinakatakot ko. masyado na akong nasanay sa dalita at dilim — sa puntong kahit isang silip lang ng sinag ay bahag-buntot agad akong umaatras pabalik sa sulok na nakakasulasok.

natatakot ako.

natatakot ako sa maaaring kahantungan ng simpleng kaginhawaan na nararamdaman ko tuwing kasama kitang makipag-usap sa buwan at mga tala.

natatakot ako sa pag-ibig, natatakot ako sa saya, natatakot ako sa liwanag, natatakot ako sa ganitong klaseng pakiramdam.

natatakot akong panandalian lang, subalit, kung para sa 'yo . . . handa naman siguro akong sumugal.

litratoʼy mula sa pelikulang:
the fault in our stars (2014)

graveyard of buried soulsWhere stories live. Discover now