Chapter 54: Against Starry Vehemence

1.8K 94 1
                                    

Chapter 54: Against Starry Vehemence

MALUHA-LUHA kong unti-unting sinakop ang distansyang namamagitan sa amin. Nagpapalit-palit ng tingin ang pulang-pula niyang mata sa akin at sa mga bampirang lumalayo sa amin. Nanginginig ang aking katawan, sumasabay ang lamig sa takot na aking nararamdaman. Napahinto ako at nangatog nang mas lalong dumilim ang kaniyang mukha.

Napalunok ako at napaisip sa katanungang nasa aking isipan. Paano kung hindi na siya ang Intrepid na kilala ko? Paano kung hindi niya na ako nakikilala? Paano kung ipahamak niya ako? Paano kung makitil niya ako dahil sa dilim ng kaniyang nararamdaman?

"Intrepid..." Malumanay kong tawag.

Ngunit tila hindi n'ya ako narinig. His eyes were now fixed on the vampires who's hardly trying to escape from his sight, who's hardly trying to get Kentson away from the mad Intrepid.

Kinakabahan ako, hindi matatawaran ang kabang nararamdaman ko. Kaunting kaunti na lamang ay hihimatayin na ako sa nerbyos, ngunit nilalakasan ko na lamang ang aking loob. Dahil kung hindi ako magiging matapang ay tuluyan na nga akong mapapahamak.

"KENTSON FERDINAND!" Umalingawngaw ang galit na pagsigaw ni Intrepid. Animo'y inilalabas ang kaniyang galit at ilang sandali na lamang ay tatakbo na siya patungo kay Kentson, "How dare you mark my lady!"

"Intrepid!" Tawag ko nang mas lalong tumalim ang kaniyang aura, hindi lamang iyon dahil nakita ko ang lalong pagkuyom ng kamao ni Intrepid.

Napahagulgol na ako. Hindi ako makalapit dahil sa aking takot, ngunit gusto ko siyang lapitan, yakapin, amuin at pakalmahin.

"Intrepid, please... calm down, your majesty." Pakiusap ko habang tila natuod sa aking kinaroroonan.

Matalim siyang lumingon sa akin, at sa oras na iyon ay halos mamatay matay ako sa kaba dahil pakiramdam ko'y sa akin na ibubuhos ni Intrepid ang kaniyang galit. Nangunot ang kaniyang noo, tila nalilito rin sa dapat niyang ikilos sa harapan ko. Sa ritmo ng aking paghinga, ay sumabay rin ang mabibilis niyang hininga. Hindi parin nahihinto ang malakas na pag-ulan, at sa tingin ko'y wala itong balak na tumila hangga't hindi gumagaan ang aking pakiramdam.

"I've clearly told you to stay in that damn house, Nemesis. Haven't I?" Matigas niyang wika, halata mong hindi nagustuhan ang pagsama ko kay Kentson.

Kinapos ako ng hininga at napapapikit na sumagot sa kaniya, "I- I-"

"I've clearly told you that I don't want anyone touching you, Nemesis. Haven't I? Or you failed to remember?"

Mas lalo akong kinapos ng hininga. Pakiramdam ko'y anumang oras ay babagsak na ako at mahuhugutan ng hangin.

"Intrepid... I- ah-" Hindi ko matagpuan ang mga salitang dapat kong sabihin, tila ako nabablanko, napipipi dahil sa takot na aking nararamdaman.

"I've clearly told you that you. are. mine. Mine alone, Nemesis. Do I need to remind you that everytime?"

Napahawak na ako sa aking dibdib dahil sa tensyon na aking nararamdaman. Humigop na ako ng hangin dahil tila wala nang kusang pumapasok na hangin sa aking baga.

"P-please, c-calm down..."

I'm telling him to calm when it was me who cannot calm myself down.

"Now, I am telling you to stay away from that damn Ferdinand," Matalim niyang wika at lumingon sa pinanggalingan nila Kentson na animo'y kaya niya pang masundan, "Oh, you won't see him again. Because I am going to kill him real this time."

Ganoon na lamang kabilis na dumagundong ang puso ko sa gulat nang kumilos siya at akmang susunod kanila Kentson upang sumugod. At nakakamanghang naiwaglit ko ang takot na aking nararamdaman sa oras na iyon dahil tuluyan akong nakatakbo papunta kay Intrepid upang yakapin siya. Wala akong sinayang na minuto nang magtama ang aking balat, wala akong sinayang na segundo nang magbanggaan ang aming katawan. Walang pasabi ko siyang niyakap, animo'y noon ko pa iyon gustong gawin at ngayon, sa ganitong sitwasyon ko pa nagawa.

Fallen ✔️Where stories live. Discover now