Chapter 67: To Uranysses

1.5K 78 0
                                    

Chapter 67: To Uranysses

KINABUKASAN ay maaga kaming naghanda. Nakakamanghang mukhang maayos na ang kalagayan ni Darius, hindi pa nga lang lubusan. Mabuti na lamang at naroon si Bree, hindi pinapabayaan ang mandirigma naming kasama. Ilang panggagamot pa ang ginawa ng matanda bago tuluyang pinakawalan si Darius.

"Huwag mong abusuhin ang iyong buhay, kung hindi ay mawawalan ka nito." Makahulugang wika ng matanda.

"Mabuti na ang pakiramdam ko, maraming salamat sainyo."

"Mauna na kayo sa labas, maliban sa binibining ito." Itinuro ako ng matanda, "May pag-uusapan lamang kaming mahalagang bagay."

Lumingon muna ako kanila Intrepid at Kentson, tumango ako sa kanila bilang paniguradong maayos lang ako. Tumalima naman sila at lumabas sa luma at maliit na bahay. Naiwan kami ng matanda, nang lingunin ko ito'y nakatitig lang ito sa akin na animo'y kinikilala ako sa pamamagitan ng masuring pagtitig.

"Unang tingin ko sa'yo, akala ko'y ikaw si Saffira." Pauna niyang salita.

Napayuko ako. Maninibago pa ba ako, halos lahat sila'y inakalang ako si Saffira. Siguro nga'y iniisip pa ng mga kasama kong ako si Saffira, hindi lang nila sinasabi sa akin.

"Kilala pala talaga ang Binibining iyon."

Naglakad lakad ang matanda, "Kilala siya ng lahat, siya ang kauna-unahang mortal na ipinaglaban ng isang Count Vampire. Maliban doon ay isa siyang Divine, alam ng mga matatandang ministro, manghuhula at ermitanyo sa Sacro Sanctus na isa siyang Divine. Siya na lamang at ang mga nakakasama siya ang hindi nakakaalam. Nakatakda niya iyong malaman, sa araw rin mismo ng kanilang pagbagsak ng Maharlikang Dauntless."

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Nalilito kong tanong, hindi ko siya maunawaan.

"Isa kang Divine, dahil isa siyang Divine. Sumusunod ka sa kaniyang yapak."

"Po?"

Huminto ang matanda sa harap ko at tumitig sa akin ng matalim, "Nauulit ang nakaraan."

Pakiramdam ko'y binuhusan ako ng toneladang yelo. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong ikilos, ngunit sa pagkakataong iyon ay nanatili lamang ako estatwa sa kaniyang harapan.

"Ngunit ngayon ay mas malala nga lamang ang sa tingin ko'y mangyayari. Dalawang maharlika na ang kasama mo, nabibigyan rin ang mga kaaway nila ng daan upang mabilis silang mapatumba."

Napasinghap ako, "A-ano po?"

"Muling nanganib ang buhay ng binatang Dauntless nang dumating ka. Hindi lang ang buhay niya, nadamay rin ang buhay ng binatang Ferdinand, at ilang inosenteng bampira."

Sa hindi malamang dahilan ay tumulo ang luha ko.

"Nauulit ang nakaraan, mas malala nga lamang ngayon. Kung ikaw at si Saffira ay iisa, itama mo na ang iyong mga pagkakamali."

Mariin kong inabot ang kamay ng matanda na siyang nagbigay gulat sa kaniya, "Paano po kung hindi?"

Tumaas ang kilay ng matanda at hinawakan rin ang mga kamay ko, "Gumawa ka ng tamang desisyon. Kung hindi ay malalagay sa alanganin ang buhay ng mga bampirang nakapaligid saiyo."

Nanginig ako, tumambol ns naman ng napalakas ang puso ko. Wala talaga akong ibang dala kundi ang panganib kahit na saan, ang gusto ko lang naman ding gawin ay makatulong ngunit lagi akong nagiging dahilan upang mapahamak kami.

"Ano po ang dapat kong gawin?" Tanong ko.

Napakislot ako nang marahas na bumukas ang pinto, "Still not done yet? The sun is rising, we're hasty and running out of time."

Fallen ✔️Where stories live. Discover now