CHAPTER FIVE

1.3K 45 4
                                    

Maaga akong pumasok sa school dahil maaga akong nagising at hindi din ako puyat kaya may gana akong pumasok ng maaga. Alas sais palang ay nasa university na ako, wala pa si Harper siguradong tulog pa ang babaeng 'yon.

"Wow! Ang aga mo naman Madriaga." Puri ng classmate kong lalaki habang nakangisi.

"Ngayon lang to!" Sagot ko naman habang tumatawa. Umupo ako sa upuan ko habang inaayos ang mga gamit sa table ko.

Hindi maalis sa isipan ko yung sinabi ni Emma saakin kagabi. Isang buwan?! Isang buwan akong hindi magtatrabaho?! Saan ako kukuha ng pangkain ko? Tyaka paano yung pangopera ni Ara? Saan ako kukuha?

Ilang beses kong pinilit si Emma na kung pwede pakiusapan si Bakla, pero ayaw talaga. Sobrang init ng dugo saakin ng bakla dahil sa nangyari hindi ko naman kasi alam na si Mr. Hudson pala ay bigating customer sa bar.

Hindi ko alam kung sino sisisihin ko, si Luther ba o ang sarili ko?. Siguro yung sarili ko nalang sisisihin ko, kung hindi ba naman kasi ako tanga-tanga!

"Hayst! Maghahanap nanaman ako ng trabaho." Bulong ko.

"Bakit? Anong nangyari?"

Gulat akong napatingin kay Harper na bigla-bigla nalang sumusulpot. "Bakit kaba nanggugulat?!" Bulyaw ko dito. Sumimangot siya.

"Grabe! Nakakagulat na pala ang kagandahan ko." Aniya na ngingisi-ngisi.

"Hangin!" Mahinang sabi ko.

"Tse! So ano nga? Bakit ka maghahanap ng bagong trabaho?" tanong niya at umupo sa tabi ko.

"Naalis ako sa bar."

"What?!" Gulat niyang sabi.

"Isang buwan lang naman, pero alam mo naman na kailangan ko ng pera kaya maghahanap muna ako ng bagong trabaho." Paliwanag ko.

"Ikaw? Kamusta na pala 'yung trabaho mo?" Tanong ko. Kagaya ko ay isa ring working student si Harper, mas marami siyang experience pagdating sa mga trabaho dahil dito siya sa manila lumaki.

"Ayos lang naman, kahit papaano naman ay malaki ang sweldo." aniya. Natigil kami sa paguusap nang dumating yung professor namin.

Tahimik ang buong klase habang naglelecture si ang prof. namin. Isang oras siyang nag lecture at isang oras din kaming nag te-take notes.

"Sakit na ng kamay ko!" Ani ni Harper pagkalabas ng prof. namin.

"Sinong next prof. natin?" Tanong ko.

"Si Mrs. Gallego." nakanguso niyang sagot. Si Mrs. Gallego ay professor namin sa Chemistry siya ang pinaka strict na prof namin.

"Saan da--" napatigil ako sa pagsasalita nang biglang mag ring ang phone ko. Mabilis kong sinagot ang tawag ng makita ko ang pangalan ni Oli.

Tumingin ako kay Harper at sinabing lalabas muna.

"Oli?"

"Ate!" Sigaw niya sa magiliw na boses. Kumunot ang noo ko. Ano bang meron?

"A-anong nangyayari?" Tanong ko habang pinaglalaruan ang labi.

"Maooperahan na si Ara bukas!"

Nanalaki ang mata ko sa sinabi niya. "A-ano?!" gulat kong sabi.

"Mabuti nalang at nakapagpadala ka kaagad ng pera kahapon ate!" Aniya na. Kumunot ang noo ko. Pera? Nagpadala? "Tyaka tinatanong nga pala ni Mama at Papa kung saan mo daw ba nakuha yung pera? Ang laking halaga kasi ate, tapos sobra-sobra pa!" Tuloy-tuloy na sabi ni Oli.

"A-anong sinasabi ko Oli? A-anong pera? S-sino nag padala s-sain--" napatigil ako sa pagsasalita ng marealized ko kung kanino nila nakuha ang pera. Isang tao lang ang alam kong nagpadala ng malaking halaga ng pera kila Mama.

Luther Gray Silverio!

Mabilis kong pinatay ang tawag at bumalik sa classroom.

"Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Harper.

"Harper, ikaw nalang muna bahalang gumawa ng excuse kay Mrs. Gallego." Sabi ko.

"Huh? Bakit? Ano ba nangyayari?"

"Basta! Maypupuntahan lang ako!" Sagot ko. Hinablot ko ang bag sa upuan ko at mabilis na tumakbo palabas.

Shit! what the hell are you thinking Luther?! Bakit mo ginawa 'yon?

"Manong sa Silverio Entertainment nga po." Sabi ko sa taxi driver.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, kung magagalit ba ako o ano. May kung ano saakin na nagpapasalamat kay Luther dahil maooperahan na ang kapatid ko bukas.

Pero ang problema ko ngayon ay kung paano ko mababayaran si Luther.?!

"Ma'am nandito na po tayo." kumuha ako ng pera sa bag ko at iniabot kay manong.

Tiningala ko ang matayog na building sa harap ko. Lumunok ako bago tuluyang pumasok sa loob. Ito ang pinaka unang beses na pumasok ako dito.

Naiilang akong pumasok sa elevator, kanina pa ako pinagtinititigan ng mga taong nakakasalubong ko. Siguro dahil sa suot kong uniform.? Muntik pa akong hindi papasukin ng guard kanina dahil sa suot ko, mabuti nalang nakalusot ako.

Napalunok ako nang tumigil ang elevator. Dahan dahan kong hinakbang ang paa ko palabas ng elevator. Lumapit ako sa isang babae na nakaupo sa swivel chair na sa tingin ko ay Secretary ni Luther.

"Ahmm, p-pwede ba magtanong Miss?"

Ngumiti ito saakin. "Ano yun?"

"And'yan ba si Mr. Silverio?"

"Nasa loob po, may appointment po ba kayo sakaniya?" Tanong ng babae. Umiling ako.

"Ahmm, w-wala. Kakausapin ko lang naman siya miss, m-mabilis lang, please " pagmamakaawa ko sa babae at ngumiti.

"Nako Miss hindi kasi pwede, kailangan mo munang magpa appointment." Matigas niyang sabi.

"Miss kahit saglit lang may sasabihin lang ako." pagpupumilit ko pero umiling lang siya.

"Elena?" Sambit ng baritonong boses sa likuran ko.

Sabay kaming napatingin sa likuran ko.
"Mr.  Villaflores! G-good afternoon po!" Nanginginig na bati ng babae. Hindi siya pinansin ng lalaki at seryosong tumingin saakin.

Sungit naman! Wala silang pinagkaiba ni Luther, seryosong-seryoso, masungit at cold parehas silang madilim ang awra. Pero ang lalaking kaharap ko ngayon ay mas madilim ang awra, parang hindi marunong ngumiti, lalong nagpadagdag sa madilim niyang awra ang kilay niya na may hiwa.

"Papasukin mo siya." mariin at malamig niyang sabi sa secretary ni Luther, si Elena, kung hindi ako nagkakamali.

"P-pero Sir, b-bilin po kasi ni--"

Malamig siyang tumingin kay Elena, na parehas naming ikinalunok.

"Let her in." Mariin niyang sabi kay Elene.

"Y-yes S-sir." Nanginginig naman sagot ng babae. Lumapit ito saakin at hinawakan ang balikan ko, itinuro niya ang pinto ng office ni Luther na parang sinasabing pwede na akong pumasok.

Tumango ako at dahan dahang humakbang , muli kong sinulyapan ang lalaki nakita ko siya na nasa loob na ng elevator. Lumunok ako at tuluyan nang pumasok sa office ni Luther.





VOTE AND COMMENT ARE HIGHLY APPRECIATED!

DESPERATE NEEDWhere stories live. Discover now