CHAPTER TWENTY EIGHT

707 30 0
                                    

"Bumalik kana sa manila anak, ayos na ang Papa mo napapabayaan mona ang pagaaral mo dahil sa pananatili mo dito." Seryosong sabi saakin ni Mama.

"Paano kapag bigla nanaman siyang himatayin? Tapos walang tutulong sainyo dito." Nagaalang sabi ko. Muling nanumbakil ang kaba at takot na naramdaman ko kahapon.

Kahapon sana ang balik ko sa manila gaya ng pinag usapan namin ni Luther, pero biglang nahimatay si Papa kaya hindi ako nakauwi. Itatakbo sana ulit namin  siya sa hospital pero bigla siyang nagkamalay at tumanggi siya na pumunta sa hospital, ilang beses namin siya pinilit peri ayaw pa rin niya kaya ang ginawa nalang namin ay papuntahin si Dra. dito mabuti nalang at ayos naman ang kalagayan ni Papa.


"Anak ayos na ako, pwede naman namin tawagan si Dra. kapag nagkaroon ng problema." Sabi naman ni Papa.


Mariin kong hinilot ang sentido ko, sumasakit ang ulo ko dahil sa dami ng iniisip. "Sigina anak, hindi ba't sabi mo dalawang linggo lang ang paalam mo sa mga professor mo?" Tanong ni Papa. Humugot ako ng malalim na hininga at tumango.

"Opo, pero iniisip ko ang kalagayan niyo."

Hinawakan ni Papa ang balikat ko at ngumiti. "Huwag mo akong isipin, ayos lang ako, malakas pa ang Papa mo." Mayabang na saad ni Papa at itinaas ang isang braso para ipakita ang muscles niya.

Sabay naman kaming tumawa ni Mama. "Basta Pa, ipangako niyo na aalagaan niyo ang sarili niyo, inumin niyo sa tamang oras ang mga gamot at vitamins niyo. Jusko Pa! Ayoko magalala sainyo sa manila dahil baka umuwi nanaman ako dito ng wala sa oras." Mariing saad ko. Mahinang humalakhak si papa at tumango.


Pagkatapos kong naligo ay nagpalit na ako ng damit, may isang oras pa ako na magpaalam kila Mama at Papa. Mabuti nalang din at wala ako masyadong dalang bag dahil pumunta naman ako dito na walang dalang damit.

Tinawagan kona kahapon si Luther na hindi ako makakauwi dahil sa nangyari kay Papa, gusto niya sana na bumalik dito pero pinigilan ko siya dahil gusto ko na ituon niya muna ang attention niya sa kumpaniya nila. Hindi ko din nasabi sakaniya na ngayon ang uwi ko dahil hindi ko naman inakala na papauwin ako ni Papa at Mama. Kahit gusto ko pang manatili dito ng isang linggo pero hindi na pwede dahil determinado talaga sila mama na pauwiin ako ngayon.


"Wala ka nabang dalang bag anak?" Tanong ni Mama. Inayos ko ang backpack ko na ang laman ay ang dati kong damit dito, kakaunti lang kasi ang damit ko sa manila kaya naisipan kong dalhin ang iba kong damit dito.

"Wala na ma." Tipid kong sagot. Tumingin ako sa dalawa kong kapatid na nakaupo sa sofa, si Ara na nilalaro ang barbie na binili sakaniya ni Luther, pero syempre hindi nila alam na sakaniya galing. Tumingin naman ako kay Oli na nakangiti habang nakatingin sa phone niya. "Oh kayong dalawa huwag matigas ang ulo niyo, lalo kana Ara sundin mo lahat ng mga sinasabi ni Oli at nila Mama sayo kapag nagsumbong si Oli saakin na matigas ang ulo mo kukunin ko 'yabg barbie." Pananakot ko na ikinanguso niya. "At ikaw naman bruha! Huwag kang ngingiti-ngiti dyan! Bawal pa ang boyfriend sayo! Hindi kapa nakakapagtapos ng college!" Mariing sabi ko sakaniya.

"Eh bakit ikaw? Hindi ka pa nakakapagtapos ng college pero may boyfriend kana." She fired back and rolled her eyes. Aba! Lumalaban talaga ang bruha na 'to!


"Hoy! 'Yang bunganga mo itikom mo kung ayaw mong ipalunok ko sayo 'yang phone na hawak mo." Pananakot ko sakaniya. Mabuti nalang at hindi pinansin ni Papa at Mama yung sinabi niya.

Pagkatapos kong magpaalam kay Papa at sa dalawa kong kapatid ay hinatid na ako ni Mama sa terminal. "Anak magiingat ka doon" bilin ni Mama.

Mahigpit kong niyakap si Mama at hinalikan ang ulo niya. "Opo ma, kaya ko na po ang sarili ko" nakangiting sabi ko.


Bumuntong hininga si Mama at serysoso akong tinignan "Iyong mga bilin ko sayo, isara mo ng mabuti ang bintana at pintuan mo kapag gabi maraming loko-loko sa manila, huwag kang nakikipagkaibigan sa kahit na sino, huwag mo papagurin ang sarili mo sa kakatrabaho at huwag papabayaan ang pagaaral." Mahabang bilin saakin ni Mama bago ako sumakay sa bus.

Limang oras bago ako nakarating sa Manila. Dumeretsyo muna ako sa apartment para magpalit ng damit. Kanina ko pa tinatawagan si Luther pero hindi siya sumasagot siguro nasa meeting, tinawagan kona din si Harper at Emma para ibalita na nakabalik na ako.


Nagpahinga muna ako ng saglit sa apartment bago pumunta sa mansion ni Luther. Dahil hindi ko siya matawagan ay naisipan kona pumunta nalang sa mansyon nila, dahil sigurado naman ako na doon ang deretsyo niya pagkatapos ng trabaho niya, hindi ko nga lang alam kung anong oras siya uuwi.


Nadatnan ko si Manang pagkadating ko sa mansyon ni Luther. Naglilinis siya sa sala kasama ang ibang kasambahay. "Manang!" Tawag ko sakaniya, agad naman siyang tumingin sa direction ko. Mabilis akong tumakbo at mahigpit siyang niyakap. "Namiss kita manang!"


Mahina siyang humalakhak. "Namiss din kita iha! Bakit ngayon ka lang nakauwi? Kamusta ang Papa mo?" Tanong ni Manang. Humiwalay ako sa yakap niya bago siya sagutin.

"Ayos naman na po siya Manang kahit papaano, sana lang ay hindi na siya atekihin ng puso."


Bumuntong hininga si Manang. "Hay nako! Mahirap talaga ang magkaroon ng sakit sa puso." Saad ni Manang na mabilis ko namang ikinatango.


"Anong oras daw po pala uuwi si Luther?" Tanong ko. malakas akong napadaing nang kurutin ako ni Manang sa singit.

"Aray manang! Nananakit kana a!"

"Ikaw ah! Hindi sinabi saakin na may relasyon na pala kayo ni Luther! Kung hindi pa niya sinabi hindi ko Malalaman!" Aniya at inirapan ako.

"Eh nahihiya kasi ako manang! Kaya hindi ko nasabi sayo." Nahihiyang sabi ko. "Bati na tayo manang." Tinaas taas ko ang kilay ko habang malawak naka ngiti. Mariin akong tinitigan ni Manang pero kalaunan ay tumango siya.

"oh siya! Sige na. Hindi ko alam kung anong oras ang uwi niya dahil wala naman siyang nabanggit saakin." Sabi ni Manang. Ngumuso ako at tumango.

Nagpaalam naman saakin si Manang na maghahanda ng meryenda kaya nanatili nalang muna ako sa sofa habang inaantay si Luther. Siguradong Mamaya pa ang uwi niya dahil alas tres palang naman.

Inilabas ko ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko at muling tinawagan si Luther. Napabuntong hininga nalang ako nang Hindi niya ito sagutin. Magtitipa sana ako sa phone ko nang biglang hindi magkandaugaga ang mga katulong ni Luther. Nagsalubong ang kilay ko at tinanong ang isang katulong na hindi din mapakali.

"Anong meron?" nagtatakang tanong ko.

"Si Mrs. S-silverio parating na." Kinakabahang sagot nito bago ako talikuran. Naestatwa naman ako sa kinauupuan ko. Parang hindi maproseso ng isip ko ang sinabi niya. Si Mrs. Silverio? 'Y-yung Mama ni Luther?  N-nandito na?!

Mabilis akong napatayo nang biglang pumasok si Mrs. Silverio ang Mama ni Luther, seryoso at nakapa elegante ng itsura nito habang lumalakad papasok, ang presenya niya ay sumisigaw ng kayamanan at kapangyarihan. Naalis ang tingin ko sakaniya at nalipat sa babaeng nasa likuran niya, nakasunod sakaniya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at  para akong tinakasan ng hininga nang makita ko siya, maslalong tumigil sa pagikot ang mundo ko nang mapunta saakin ang tingin niya.

Hazel Devera.







VOTE AND COMMENT ARE HIGHLY APPRECIATED!

DESPERATE NEEDWhere stories live. Discover now