CHAPTER THIRTY EIGHT

877 36 6
                                    

"Hay! Sa wakas na tapos din tayo sa exam!" Sambit ni Harper. Ngumiti ako sakaniya. Kung mahirap ang third year college, mas mahirap naman ang fourth year. Sunod sunod na exam ang ibinibigay saamin, idagdag mo pa ang mga mahihirap na projects namin sa ibat ibang subject.

"Tara na sa cafeteria, gutom na ako." Pagaaya ko sakaniya. Agad naman siyang tumalima, inayos ko ang mga paperwork ko sa table at tumayo na.

Tahimik ako habang naglalakad papunta sa cafeteria, sa isa't kalahati kong nawala, kahit papaano naman ay may bago sa University namin, marami ring bago students na nanggaling sa iba't ibang lugar.

Dalawang buwan na simula nang natapos ang summer break namin, pero hanggang ngayon sariwa pa saakin ang nangyari sa probinsya. Masakit parin kung binabalik balikan. Pagkatapos ng hiwalayan namin ni Luther hindi kona siya muli pang nakita, ni anino o boses niya ay hindi ko na narinig pa.  Bali-balita din na ang kumpaniya nila ay ang tito na niya ang humahawak, isang beses ko rin pinuntahan ang mansyon niya ngunit wala ng tao, pati si Manang ay hindi kona nakita, tuluyan na siyang nawala.

Hanggang ngayon ay masakit pa rin para saakin ang nangyari, pero ngayon mas naliwanagan na ako sa nangyari noon, lahat ng akala ko at lahat ng katanungan sa isipan ko ay tuluyan nang nasagot. Lahat ng akala kong pagsisinungaling niya ay naitama na niya. Sa mga katanungan ko noong nakita ko si Hazel sa bar ay nasagot na, ang pagtawag niya kay Luther na sinabing naiwan ni Luther ang jacket lahat pati na din ang sinabi ni hazel na busy si Luther sa pagaasikaso ng kasal nila.  lahat ay nasagot na.

Hindi rin nakaligtas saakin ang balita tungkol kay Hazel at sa buong negosyo nila.  Isang linggo nang makaalis si Luther ay siya namang pagbagsak sa lahat ng negosyo ng mga Devera. Ngayon ay nasa ibang bansa silang lahat dahil ang mansyon nila sa probinsya ay pinangbayad nila sa kanilang utang.

Napatigil ako sa pagsubo nang chips dahil sa pagtunog ng phone ko. Mabilis ko itong kinuha at sinagot ang tawag ni Oli.

"Hello ate?"

"Oh oli? Bakit napatawag ka?" Tanong ko.

"Ahmm...may babayaran kasi kami ate, para sa project namin, kulang po kasi yung pera ko pambili, ayoko naman na humingi kay Mama." Sambit niya.

Bumuntong hininga ako. "Sige, papadalhan kita mamaya." Sagot ko na malakas naman niyang ikinatili.

"Kamusta pala si Mama?" Tanong ko habang sumusubo ng chips. Sinulyapan ko naman si Hazel na busy sa pagtitipa sa kaniyang phone.

"Ayos naman siya ate, umalis siya kasama ng mga kumare niya kanina."

"Pinuntahan ba niya si Papa kanina?" Kagat labi kong tanong.

"Opo, palagi naman ate, wala yatang araw na hindi niya pinupuntahan si Papa." Hindi naging madali ang lahat ng nangyari saakin, kinaumagahan nang tapusin namin ni Luther ang relasyon namin ay siya namang pagkamatay ni Papa.

Sobrang hirap, sobrang nakakapanghina na makita siyang walang buhay, parang nawalan ng saysay ang buhay ko. Ngunit kailangan kong maging matatag para sa sarili ko at para kay Mama at sa mga kapatid ko. Sobrang hirap sa una pero habang patagal na patagal unti-unti kong natatanggap ang lahat, hindi ako pwedeng magmukmuk sa at umiyak habang buhay, kailangan kong bumangon at harapin ang bukas para sa pamilya ko. Alam kong hindi madali ngunit naniniwala ako na magiging maayos ang lahat gaya nalang ng sinabi saakin ni Papa.

"Kung naniniwala ka na ang kasiyahan ay hindi pangmatagalan, dapat maniwala ka rin na ang problema ng isang tao ay panandalian lang. Anak tandaan mo na lahat ng nangyayari sa mundong ibabaw ay may katapusan, gaya nating mga tao na hiram lang ang buhay."

Napangiti ako nang maalala ko ang sinabi saakin ni Papa. sisiguradohin ko na ang mga itinuro saakin ni Papa ay dadalhin ko hanggang sa mamatay ako. Naniniwala ako na lahat ng paghihirap ko ngayon, balang araw ay matatapos din.

Hindi man naging maganda ang huling paguusap namin ni Mama ngunit nagpapasalamat ako dahil napatawad niya ako, nagpapasalamat ako dahil binuksan niya ang isip at puso niya sa mga paliwanag ko.

"Hindi mo pa din ba nakikita si Luther?" Tanong saakin ni Harper habang naglalakad kami paalis ng University. Maaga kaming pinauwi ng mga professor namin dahil may urgent meeting sila. Mabuti nalang din dahil magkakaroon pa ako ng oras para gawin ang mga projects ko.

"Hindi eh, hindi na din ako umaasa na makikita ko pa siya, sapat na saakin na masagot lahat ng katanungan sa isip ko, kahit papaano ay naliwanagan na din ako." Sagot ko habang nakatanaw sa malayo.

"Tatanggapin mo pa din ba siya kapag magkita kayo in the future?" Nakangising tanong ni Harper

I chuckled. "Oo? Hindi ko alam, siguro oo? Kapag naghilom na ang sugat ko, kapag maayos na ang lahat at kapag naabot kona ang mga pangarap ko."

Dahan dahan naman siyang tumango at ngumiti. Pagkatapos ng usapan namin ay tuluyan na siyang nagpaalam na uuwi na. Umupo ako sa waiting shed sa harap ng University. Tahimik kong pinanood ang mga dumadaan na sasakyan.

Tuluyan na akong umalis sa bar, mahirap maghanap ng trabaho pero mas gusto ko na umalis nalang doon at maghanap ng bago, sobrang laki ng naitulong saakin ng bar na pagmamayari ni Bakla at masaya ako dahil sa isang linggo kong paghahanap ng trabaho ay nakahanap din ako sa wakas ng mapagkukuhanan ng pera. Hindi malaki ang sweldo ngunit sapat na para saakin. Isa akong waitress sa isang sikat na coffee shop, ang Edan at Eba coffee shop. Ang weird.

Inilabas ko ang phone ko at isa isa kong binura ang mga messages ni Luther noon, binura ko rin ang numero niya pati na din ang mga stolen shots niya saakin.

Tatanggapin mo pa din ba siya kapag magkita kayo in the future?

Wala sa sarili akong ngumiti. Ibinalik ko ang phone ko sa bulsa at muling tinanaw ang mga sasakyan, maya maya ay isa-isa nang nagpatakan ang mga butil ng ulan.

Tatanggapin ko nga ba si Luther kapag nakita ko siya in the near future? My answer is yes, hindi naging madali ang mga napagdaanan ng relasyon naming dalawa, tuluyan man kaming naghiwalay ngunit ang pagmamahalan namin ay mananatili pa rin saamin...saakin, at kung muli ko man siyang makit, tatanggapin ko siya ng paulit ulit dahil ganon ko siya kamahal, puro, tunay at malalim.







VOTE AND COMMENT ARE HIGHLY APPRECIATED!

DESPERATE NEEDWhere stories live. Discover now