CHAPTER NINE

1K 40 1
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng alarm ng phone ko. Mabilis akong bumangon at inabot ang phone para patayin ang alarm.

Kinusut ko ang aking mata at bumaba ng kama. Dumeretsyo ako sa bathroom para maligo. Ilang minuto ang itinagal ko sa bathroom bago lumabas at magpalit. Simpleng t-shirt at pantalon ang suot ko na pinarisan ko ng sneakers.

9am nang umalis ako sa apartment para simulan ang pag j-job hunting. Kailangan kong makahanap ng trabaho ngayon dahil paubos na ang pagkain at pera ko, sa susunod na lingo ay kailangan ko nanamang magpadala ng pera kila Mama para sa gastusin nila.

Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang pag vibrate ng phone sa aking bulsa.

Oli

Ate!! Successful yung operation ni Ara!!

Halos maiyak ako nang mabasa ko ang message saakin ni Oli. Thank god! Kagabi pa ako nagdadasal na sana maging maayos ang lahat mabuti nalang pinakinggan ako ng Panginoon.

Mabilis kong idinial ang numero ni Oli. "Ate!" Masayang tawag ni Oli.

"A-anong sabi ng doctor? A-ayos na daw ba ang lahat? Kamusta ang kalagayan ni Ara?" Sunod sunod kong tanong.

Narinig ko sa kabilang linya ang mahinang tawa ni Oli. "Ayos na siya ate! Kailangan na lang niyang magpagaling."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik, kahit papaano din ay nabawasa na ang mga iniisip ko at guminhawa na ang pakiramdam ko.

Nakangiti akong nagtawag ng taxi pagkatapos namin magusap ni Oli, marami akong sinabi at ibinilin sakaniya. Kinausap ko rin si Mama tungkol sa mga sinabi ng doctor ni Ara.

Inabot ko ang bayad kay manong driver bago lumabas ng taxi. Tumingin ako sa Café sa harapan ko. Bago ako natulog kagabi ay tinignan ko muna yung mga lugar na may job hiring, at isa ang Café na ito. Mahigpit kong hinawakan ang brown na envelope na naglalaman ng resume ko.

"Good morning." Nakangiti kong bati sa babaeng nasa counter.

"Ahmm, Good morning." Nakangiti kong bati pabalik. "Itatanong sana kung pwede pa mag apply dito?" Tanong ko. Kinagat ko ang labi ko at umaasa na sana pwede pa.

"Ay Ma'am may nakuha na po kami noong isang araw." Saad ng babae.

Ngumiti ako at tumango. "Sige, salamat." Bumuntong hininga ako nang makalabas sa café.

"Deli devine Cuisine" sabi ko sa driver.

Hindi ako pwedeng umuwi ng walang trabaho, paubos na ang pera ko at sa tingin ko ay hindi na kasya ang pagkain sa apartment ko.

Kumuha ako ng pera sa sling bag ko at iniabot sa driver at bumaba ng taxi. "Lord sana naman makapasok na ako dito." Dasal ko bago pumasok sa Deli devine cuisine.

"Good morning." Bati ko sa babae.

"Good morning ma'am, mag oorder po ba kayo?" Tanong nito na agad kong ikinailing.

"Itatanong ko lang sana kung pwede pa magaaply dito? Nakita ko kasi na naghahanap kayo ng bagong waitress?" Tanong ko dito.

"Ay Ma'am may kakapunta lang dito kanina nag apply." Nalaglag ang balikat ko sa sinabi niya. "Sorry Ma'am, try niyo nalang po sa iba."

Pilit akong ngumiti. "S-sige salamat."

Mariin akong pumikit at pinatatag ang sarili. "Kaya 'yan Eva! Marami pang pwedeng apply-an." pampalakas loob ko sa sarili. Humugot ako ng malalim na hininga. "Kaya mo 'to Eva Madriaga!"

Muli akong nagtawag ng taxi dahil may kalayuan ang susunod kong pupuntahan. "Monarch Café nga kuya."

"Naku Ma'am, ang hinahanap po namin ay yung marami nang experience---" hindi ko na pinatapos ang sinasabi ng babae na nagmamayari sa Café.

Naupo ako sa bakanteng upuan sa daan, nanghihina ang tuhod ko. Alas singko na pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong nahanap na trabaho. Tinignan ko ang maliit na papel na hawak ko. May mga pangalan ng restaurant, café at market, lahat sila ay may ekis na, lahat sila ay napuntahan ko na pero hanggang ngayon ay wala pa din akong trabaho.

Suminghot ako nang unti-unting nagulap ang mata ko, ubos na ang pera ko dahil sa pagpapamasahe, hindi pa ako kumain ng pananghalian o meryenda dahil kulang na ang pera ko.

"Paano ako uuwi nito?" Umiiyak kong saad. Hindi ko alam kung paano ako uuwi, kulang na ang pera na dala ko. Gutom na din ako.

Naiinis kong sinipa ang maliit na bato sa harap ko. "Bwisit! Ang malas naman ng araw na 'to!!"

Kinuha ko ang phone ko sa sling bag nang marinig ko itong tumunog.

Womanizer😡

Mabilis kong pinatay ang tawag nang makita ko ang pangalan sa screen ng phone ko. Hindi ko pa naiipapasok sa sling bag ko nang muli itong tumunog.

"Ano ba?! Tawag ka ng tawag!" Galit kong sabi kay Luther. Ang malas na nga lang ng araw ko tapos tatawag pa siya. Bwisit!

"Woah! Easy baby." Saad niya habang tumatawa. "Bakit ka ba galit na galit?" Tanong nito halata ko ang panunukso sa tono niya.

"Bakit ka ba kasi tumatawag?!" Balik na tanong ko dito.

He chuckled. "Where are you? I've been looking for you. " Tanong niya gamit ang malambing na tono.

Lumunok ako dahil sa malambing niyang boses na sobrang sarap sa tenga. Pakiramdam ko ay nawala ang pagod at inis ko dahil sa boses niya.

"I went to your apartment but you were not there." Dagdag niya. Ano ba kailangan ng lalaking 'to? Hindi naman siguro siya maniningil ng utanong no? May usapan naman kami e.

"B-bakit mo ba ako hinahanap?"

"I miss my baby already." Mahinang sabi niya na hindi pinalagpas ng tenga ko. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang paglalaro ng mga paru-paru sa tiyan ko.

"H-huwag mo nga akong tawaging....b-baby!" Pekeng galit na sabi ko. Fuck! Ang sarap sa tenga 'yong baby! Para akong hinehele!

"Why?"

"A-ang...laswang p-pakinggan!" Parang gusto kong kitusan ang sarili ko dahil sa paguutal ko.

"Hmmmm...really?" Ramdam ko ang pangaasar sa boses niya. "E bakit ka kinikilig kung ganon?"

Biglang uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Ayan tanga-tanga ka kasi Eva! Nabuking ka tuloy!

"Hindi ako kinikilig! Bwisit ka!" giit ko. "A-ano ba kasing kailangan mo?!" Pagiiba ko ng usapan.

"Let's have dinner" sagot niya. Biglang akong natakam sa sinabi niya. "Where are you? I'll fetch you"

Kinagat ko ang labi ko. Hindi naman siguro masama na um-oo? Gutom na gutom na ako at tingin ko ay hindi na ako tatagal ng isa pang oras kapag hindi pa ako kumain.





VOTE AND COMMENT ARE HIGHLY APPRECIATED!

DESPERATE NEEDWhere stories live. Discover now