Chapter 10: "Meet the Parents"

1.4K 69 2
                                    


Pagala gala ang tingin ni Aiah sa paligid na tila ba may hinahanap.

Jhoanna: "Nasa dinner place na siya te, dumiretso kasi dun parents niya at si Ate Bianca"

Napalingon si Aiah kay Jhoanna.

Aiah: "Ganun ba?"

Jhoanna: "Kakaalis lang ngayon ngayon lang. Pero duda kami organizer ata ng dinner si Mikha eh. Hahaha"

Aiah: "Ikaw talaga Jho!"

Jhoanna: "Joke lang Ate. Saka pinapasabi niya talaga sa akin na sabihin sayo"

Aiah: "Na siya organizer nang dinner?"

Jhoanna: "Hahaha. Uy wala ako sinabi ah. Sumbong kita!"

Aiah: "Hahaha. Sige sumbong mo. Sasabhin ko lang naman galing sayo"

Jhoanna: "Grabe siya! Hahaha"

Natigil naman ang asaran nina Jho at Aiah nang magbigay ng instructions ang management nila. Aalis na sila at inutusan na ang BINI members na sumakay sa isang van. Yung ibang parents sa isang van pwera na lang ung may mga sariling sasakyan. Pinasakay muna nina Aiah, Colet, at Gwen ang mga Ina nila bago sila umayos na sa isang sasakyan. Nag send naman nang message si Aiah kay Mikha.

To: "Bhie❤"

What keeping you busy? 🤔 Joke! I miss you na. See you in a while.. love love you" 😘

Umalis na ang mga sasakyan. Sa dinner place naman ay andun na si Mikha at Parents nito kasama ang kapatid niya na si Bianca. Nakitang huli na may nag message sa fone ni Mikha.

Bianca: "Mikhs, fone mo!"

Napalingon naman si Mikha sa kapatid at kinuha ang fone. Napangito naman ito habang nagbabasa.

Bianca: "Hmmm.. Iba talaga tama ng isang Arceta right?!

Mikha: "Biancs pleaseee"

Bianca teasing her younger sister. The oldest knows everything. Even Mikha's parents. Walang itinago din si Mikha sa mga magulang nito (flashbacks will be on the next chapter/s).

Mrs Lim: "They're coming already?"

Mikha: "Yeah. On the way na."

Mr. Lim: "Eh bakit parang natetense ka?"

Mikha: "Daddy pleaseeee! Not now!"

Natawa na lang parents ni Mikha sa kanya. Aiah met Mikha's family already for how many times. But this is the first time that Mikha will meet Aiah's mom in person. They sometimes talk in vid call but this is the first time na haharapin niya ng personal ang Ina ng Girlfriend. Kaya hindi rin mapakali si Mikha.

Mr. Lim: "Just be yourself!"

Mikha's dad encouragement make her at ease. Maya maya nagsipasukan na sa resto ang ilang pamilyar na mukha. Hudyat na dumating na ang mga ito. Tumayo si Mikha para salubongin ang members nito isa isa kasama ang mga mahal sa buhay. Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib nito habang isa isang pumasok ang mga kasam at mga staff. Hanggan sa makita nito si Aiah na may kaabay. Masayang nakikipagkwentuhan ito sa mga kasabay. Nakita naman siya ni Aiah at kumaway ito sa kanya. Papunta ito sa kanyang direksyon. Parang walang naririnig naman si Mikha sa paligid kundi ang tibok nang puso nito. Natulala ito hindi lang sa ganda nang taong papalapit sa kanya, kundi na rin sa kaba dahil sa kasama nito. Hindi niya namalayan na nasa likod niya si Bianca.

"SOULMATES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon