Chapter 13: "After Party"

1.5K 57 2
                                    


Habang nag aayos si Aiah. Nakatingin lang sa kanya ang kanyang Ina.

Aiah: "Yes Ma.. anything?!"

Mrs. Arceta: "Wala naman Iha. Public figure ka na talaga. Ingat sa party ah. Maraiah wag iinom!"

Aiah: "Ma, ikaw nagsabi na public figure ako. So bawal po sa amin yun"

Mrs. Arceta: "Paalala lang Aiah. Ikaw pa naman may pagka pasaway!"

Aiah: "Yes mothership! Mauna na ako ma. Naghihintay na sila sa baba. magpahinga na kayo ah don't wait for me. Mabilis lang to!"

Mrs. Arceta: "Sige ingat anak. Mag ingat kayong walo"

Aiah: "Yes ma!"

Lumabas na si Aiah sa room at pagkasara pinto ay isang napakalalim na buntong hininga ang pinakawalan nito. Kanina pa nasira ang araw niya at ayaw niya malaman yun nang kanyang Mama. Pero ang hirap magkunwaring masaya kapag alam mong puno ng pagseselos ang puso mo. Pero pinili nitong balewalain ang nararamdaman pansalamantala dahil sa trabaho. Ang lalim ng iniisip nito papasok ng elevator ng may narinig ito.

"Hold the elevator please"

Pinindot nito open button ng elevator at nagulat ito sa kung sino ang sasakay. Kahit ang sasakay ang bahagyang nagulat din. Katahimikan ang bumalot sa loob ng elevator habang pababa ito. Nang makarating na ito sa groundfloor ay tinungo na ng dalawa ang kinaroronan ng mga kasamahang naghihintay.

Gwen: "Oh anjan na ang MikhAiah!"

Sabay sabay napalingon ang iba pang girls.

Sheena: "MikhAiah Colors talaga eh noh. Black and Red"

Siniko naman ni Maloi si Sheena.

Aiah: "Waiting only for us?"

Jhoanna: "Kinda ate, pero yung sasakyan wala pa naman"

Sheena: "Selfie tayo girls!"

Hindi na nakatanggi ang pito. Tumabi naman si Maloi kay Mikha.

Maloi: "Okay na kayo?"

Mikha: "Nope!"

Maloi: "Mikha let this party over. Mag uusap din kayo"

Mikha: "Sana nga!"

Hindi alam nina Maloi at Mikha na nakatingin lang si Aiah sa kanila. Tinabihan naman ito ni Colet.

Colet: "Kamusta ka Yah?"

Aiah: "Hi Cols, Okay lang"

Colet: "Okay nga lang ba?"

Ngumiti lang si Aiah.

Colet: "Mag usap Aiah. Mag usap!"

Aiah: "I know Cols, I know!"

Magsasalita pa sana si Colet nang makita nila ang pamilyar na Van. Walang nagsalita sa girls habang nasa biyahe sila papuntang venue ng PPop Con After Party.

Bago pumasok sa venue may sinabi si Aiah kay Colet na napangiti ang huli. Isa isa nang nagsidatingan ang ibang PPop Groups at nagkahiwa hiwalay na rin ang BINI girls pansamantala para makasalamuha ang ibang PPop Groups.
Masaya naman ang gabi ng lahat. Maraming bagong kakilala at bagong kaibigan. Lumawak ang naging paligid ng BINI dahil sa event na yun. Habang kausap ni Mikha ang ibang members ng ibang grupo nadaanan siya ni Colet.

"SOULMATES"Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu