Chapter 43: "Me or Him?"

1.4K 66 39
                                    


Nakasandal lang si Aiah sa van habang binabagtas ng sasakyan ang pauwing Manila. She's tired and sleepy at the same time coz they squeeze the schedule so tight para matapos ang shooting agad agad kelangan rin kasi makabalik nilang dalawa ni Aki sa Manila para kanya kanyang commitments sa grupo.

Aki: "Akin na ang ulo mo. Sumandal ka sa akin."

Lumingon si Aiah sa katabi and she didnt say anything and she put her head on Aki's shoulder. Aiah fell asleep kaagad. Sa Bini house naman ay nasa training ang girls. They know Aiah will be back later that evening at nakahinga din sila ng maluwag. Nahihirapan kasi silang mag training ng di kompleto. Natapos na din ang training nila at nag paalam ulit si Mikha to go out. This time a birthday celebration of Rajo. Pinayagan naman siya at binigyan ng cut off time na dapat nasa bini house na siya.

Nasa kwarto siya nagbibihis ng pumasok si Colet para may kunin ito. Napatingin sa kanya si Mikha.

Mikha: "Ate Colet"

Colet: "Hmmmm"

Mikha: "Hindi mo pa rin ako kakausapin?"

Colet: "May dapat ba tayo pag usapan?"

Napabuntong hininga si Mikha. Alam niyang medyo galit sa kanya ang kaibigan.

Mikha: "Ate naman eh, wala akong magagawa dun"

Colet: "Alam mo Mikhs na may magagawa ka"

Patuloy lang si Colet sa ginagawa na para bang may hinahanap.

Mikha: "Ate naman oh. Wag niyo naman ako pahirapan ng ganito"

Tinigil ni Colet ang ginagawa at humarap kay Mikha.

Colet: "Walang nagpapahirap sayo. At hindi tayo ang dapat mag usap. Hintayin mo ang girlfriend mo mamaya dun ka magpaliwanag"

Napayuko si Mikha sa tinuran ng kaibigan. Umalis naman si Colet at lumabas na ng kwarto. Napaupo na lang si Mikha sa gilid ng kama nito. Hindi na niya alam ang gagawin. Nung umagang nabasa niya ang confession ni Limer sa twitter ay hindi na niya alam ang gagawin. Sinabihan kasi siya ng management na wag mag react. Tinawagan niya si Limer and the guy confessed to him directly. And then numerous articles came out along with the pics saying She and Limer have a special relationship. Si Aiah kaagad ang inisip niya that time. Her management didn't deny nor confirmed the issue kaya mas lalong nainis siya. Alam ni Aiah lahat and the latter doesnt care about it. As per Aiah, they both know what is the truth and let the people speculate. Pero nagkatampuhan silang dalawa kinagabihan nalaman kasi ni Aiah ang story behind the picture that was posted by Limer before. Just because ayaw ni Aiah ng madaming iniisip hindi niya muna kinakausap si Mikha until makauwi ito from baguio. Pero patuloy lang ang pag sesend ni Mikha ng mga mensahe sa kasintahan.

Maya maya ay lumabas na rin ito ng kwarto at nagpa alam sa ibang kasamahan. Papalabas na ito ng pinto ng magtanong si Maloi.

Maloi: "Maaga ka uuwi mamaya?"

Mikha: "Yeah binigyan ako ng cut off time"

Maloi: "Okay Ingat!"

Stacey: "Mag ingat Mikhs ha. Baka mamaya kung ano ano na naman ang lalabas"

Sinuway ni Maloi si Stacey sa sinabi nito. Napatango lang si Mikha at tumalikod na at anjan na ang service niya.

Sa sasakyan naman galing baguio ay nagising si Aiah sa halos 1 oras na pagkakatulog. Umalis ito sa balikat ni Aki na nakatulog rin. Una niyang tiningnan kung anu oras na sa fone. At nakita niya ang mga mensahe ng mga kaibigan at ng kasintahan.

"SOULMATES"Where stories live. Discover now