Chapter 17: "Oblivious pt. 2"

1.2K 51 21
                                    


Naghihintay si Aiah kay Colet sa Arrival area ng NAIA. Halos magkasunod lang kasi ang eroplanong sinakyan ng mga ito pabalik ng manila. Maya maya ay nakita na niya ang kaibigan na kumakaway sa kanya.

Colet: "Hi yah!"

Nagbeso ang dalawa.

Aiah: "Hi Cols, kamusta pahinga?"

Colet: "Bitin! Hahaha"

Aiah: "Sinabi mo pa!"

Colet: "Tara na! Naghihintay na ata sundo natin"

Aiah: "Kaya nga eh. Tara!"

Naghihintay na nga ang van na sumundo sa kanila. Pagkatapos ilagay ang mga gamit sa loob ay pumwesto na ang dalawa sa loob at binaybay na nila ang daan pauwi ng BINI House.

Colet: "Ikaw kamusta bakasyon"

Aiah: "Ayun I took Mama at Papa out on a dinner date. We enjoyed it so much!"

Colet: "Nakita ko nga! Happy for you"

Aiah: "Thanks. Ikaw?"

Colet: "Ako ganun pa rin. Barda with siblings. Hahaha"

Aiah: "Hahaha na miss mo rin naman sila eh"

Colet: "Sobra!"

Aiah: "Ako din namiss ko si Kuya."

Colet: "Busy na ba sa pag hahanda ng wedding?!"

Aiah: "Oo di na maistorbo. Hehe"

Colet: "Yaan mo na. Para maka focus!"

Aiah: "Kaya nga eh"

Colet: "Btw, nag usap na kayo ni Mikha?"

And Aiah's mood changed. Hindi naman ito nakaligtas kay Colet.

Aiah: "Yeah we talked yesterday afternoon and night before we go to sleep"

Colet: "Sinabi niya sayo?"

Umiling lang si Aiah.

Colet: "Tinanong mo rin ba?"

Aiah: "Hindi pa!"

Colet: "So basically tinago niya sayo?"

Aiah: "I don't know Cols, I dont wanna jump into something. I asked her if she's busy the whole day. She just said yes with her family and basically she had a dinner with them"

Colet: "Oh wow! Nagsinungaling pa nga?!"

Aiah: "Cols, wag muna natin husgahan maybe may reason lang."

Colet: "Siguraduhin niya lang Aiah ha."

Aiah: "Please Colet don't do something. Hintayin natin si Mikha ang magsabi"

Colet: "Paano kung hindi niya sasabihin?"

Aiah: "Hindi ko alam"

Colet: "Ay naku Aiah. Hindi ako mahihimasok pero ayaw ko lang makitang masaktan ka sa mga pinag gagawa niya. Hindi namin pinaglaban ang relasyon niyo para mauwi sa wala at umiyak ka"

"SOULMATES"Where stories live. Discover now