Chapter 1

6K 141 0
                                    

Alas tres na rin ng hapon ako nakauwi ng aming bahay. Nadatnan ko ang aming kasambahay na si manang delia na naglilinis ng kusina.



"Anong oras ang pasok mo sa trabaho hija?" Tanong ng matanda sakin. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok sa school.



"Mamaya pa pong 5 manang. Maliligo lang po ulit ako at papasok na rin po ako sa trabaho." Nakangiting sambit ko kay manang.



"Oh sya mag iingat ka hija. Ikaw naman kasi kung bakit nagtatrabaho ka pa eh kay rami rami nyo nang pera." Dagdag pa ng matanda.



"Pera po nila yon manang atsaka gusto ko pong kumita ng sarili kong pera kung sakali mang kailanganin ko yon."



"Manang nakapag luto ka na ba ng meryenda?" Parehas kaming napalingon nang magsalita si mama.



"Ah opo ma'am. Sandali po at kukuhanin ko lang." Kinuka na ni manang ang niluto nyang meryenda. Akmang aalis na sana ako ngunit tinawag ako nito.



"Hija, mag meryenda ka muna bago ka pumasok  sa trabaho mo. Heto oh pinaghanda kita."



"Ah hindi na po manang okay lang po busog pa po ako e." Nakangiting sambit ko rito.



"Baka magutom ka mamay---"



"Hayaan mo sya manang. Wag mong pilitin ang ayaw. Masyadong maarte!" Pagputol ni mama sa sinasabi nya. Sabay alis.


"Pagpasensyahan mo na yang mama mo hija. Kayo nalang dalwa ang magkasama kaya pakisamahan mo nalang."



"Ayos lang po talaga manang. Sige po akyat na ako." Pagpapaalam ko rito.



***
"Ria! Pakihatid sa table 5." Utos sa akin. Gaya ng sinabi ay hinatid ko na ang order sa table 5.


Dito ako nagtatrabaho sa isang restaurant. Buti nalang ay legal age na ako kaya natanggap ako rito.



"Eto na po yung order nyo sir." Magiliw na sabi ko sa customer. Sumipol ito at ngumiti ng nakakaloko. Kinabahan ako sa ginawa nyang iyon ngunit ipinag sa walang bahala ko nalang.



Aalis na sana ako pero pinigilan nya sa pamamagitan ng paghila sa braso ko.



"Ahmm.. sir may kailangan pa po ba kayo?" Tanong ko rito.



"Sandali lang miss. Ayaw mo bang makipag usap sakin? Sexy mo naman. Magkano isang gabi sayo?" Agad na nag-init ang ulo ko pero hindi ko ito pinatulan.



"Sir, waitress po ako at hindi bayarang babae." Ngumiti ako rito bilang pagpapakalma sa sarili. "Mawalang galang na po pero may trabaho pa po akong aasikasuhin."



Gusto ko nang umalis pero mas lalo nyang hinigpitan ang pagka kapit sa braso ko. Napaigik ako sa sakit na dulot nito.



"Sir bitawan nyo po ako. Nasasaktan ako."



"Masyado kang pakipot eh baka nga kung sino sino na ang naka tikim sayo."



Akmang sasampalin ko ito nang bigla nalang itong natumba sa kinauupuan nito.



"Pag ayaw ng babae sayo, wag mong pilitin." Nagulat ako nang marinig ang pamilyar na boses na yon. Si kuya.


"K-kuya." Tawag ko rito.



Parehas kaming napalingon nang may magsalita sa likod namin.



"Is there any problem here?" Mas lalo pa akong kinabahan nang nakita ko ang manager namin.


Chasing WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon