Chapter 22

10.2K 130 26
                                    

"Oopss tapos na ang palabas, uuwi na kami. Yun lang talaga yung sadya ko dito e. Sana nagustuhan mo yung special gift ko sayo Atty."


Lumapit sa akin si Wolf at hinawakan ang kamay ko.


"Please Sifria.... Mag-usap muna tayo... Magpapaliwanag ako." Pagsusumamo nito sa akin.



Tinanggal ko ang kamay nya sa akin.


"Ayoko sayang ka lang sa oras."



Sumabat pa si Cassy na lalong nagpa init ng dugo ko.



"Baka nakakalimutan mo ria, abogado si kuya. At kaya naming kunin ang custody ng bata." Pagyayabang nito.



"At anong tingin nyo sakin? Ulaga? Edi subukan nyo kung kaya nyong kunin. At kung sakaling makuha nyo si Aya sakin, sa tingin nyo ba ituturing pa nyang ama si wolf pag nalaman nya lahat? Sa tingin nyo ba matutuwa yung bata kapag nilayo nyo sya sakin?" Sarkastiko kong sabi.



Tiningnan ko si Aya na nakatalikod sa amin habang tinatakpan ni Nate ang magkabilang tenga nito.



Kinuha ko si Aya kay Nate.


"Aya, what would you feel if someone takes you away from mommy?" Inosenteng tanong ko sa bata.


"Ayoko po mommy.... Sa inyo lang po ako." Sabi nito.


"Kahit si papa mo?" Pinalungkot ko pa lalo ang boses ko rito.



"Ayoko po mommy, you're the only one that I want to be with,  k-kaya ko po nang walang daddy basta wag ka lang po.... baata po tayo magkasama mommy that's more than enough." Sabi nito sa mumunting boses nya.



Tiningnan ko ang reaksyon ni wolf. Puno ng sakit ang mga mata nito. Sino ba namang hindi masasaktan diba.



Sinenyasan ko si nate na mauna na at isama si Aya sa kotse. Nang makaalis na sila ay hinarap ko ang mga ito.



"Hope u like my gift, Atty." Tumalikod na ako at naglakad palabas.


May humila sa kamay ko. At sinundan pa talaga ako huh.


Naiiritang tiningnan ko ito.


"P-please Sifria makinig ka muna sakin." Nakaluhod ito sa lupa at nagmamakaawa.


"Bakit? Nung ako ba nag makaawa sayo pinakinggan mo ko? Ang kapal ng muka mong mag demand! Pagkatapos mong sabihin sakin na ipa abort ko yung bata ngayon magmamakaawa ka?!" Galit na saad ko.



Tumingin ito sakin na gulong gulo.



"Sifria... ano ba yang sinasabi mo, wala akong sinasabing ganon sayo. Ria hindi ko kayang gawin yon."





"Tss.. Nagawa mo ngang mambuntis ng iba habang tayo pa, yun pa kayang sabihin na ipalaglag ko yung bata."




"Sifria hindi ko alam na buntis k--"




"Wag kang sinungaling! Kung ginagawa mo yan para makasama si aya pwes tumigil ka na kasi hindi ko yon hahayaan! Atsaka bakit ba parang habol na habol ka sa anak ko e may anak ka naman kay nitch. Bakit hindi yun yong pagtuunan mo ng pansin. O kaya buntisin mo nalang uli si Nitch para may anak kayo hindi yung habol ka ng habol sa anak ko para kang tanga!" Singhal ko rito. At nagmamadaling umalis.




Iniwan ko ito nang nakaluhod lamang sa labas. Happy birthday Wolf.




Pagkatapos ng nangyaring iyo ay palaging nakasunod si wolf sa amin. Itinransfer ko na rin si Aya sa school nya at nag hire ako ng body guard para sa bata.





Si wolf naman ay sunod-sunuran sa akin. Kahit sa kompanya ay palagi syang nandon. Well para naman may pakinabang ay inuutusan ko ito. Hindi ko naman sya pinipilit sya ang nag iinsist.





Pinapahirapan ko ito sa mga ginagawa nya. Dinaig nya pa ang empleyado dito.






Lagi rin itong nasa labas ng bahay namin. Minsan ay dun na rin ito natutulog sa kotse nya na naka park sa labas ng bahay namin.




Kulang pa yan sa lahat lahat wolf. Ni halos ay hindi na ito umuuwi. Sinabihan ko rin ang guard na wag papapasukin yan sa loob.




At tungkol naman kay Aya ay walang ka muwang muwang ang bata sa mga nangyayari sa magulang nya.




Binalaan ko ito na wag na wag lalapit kay aya dahil kung gagawin nya yon ay hindi nya na muli kaming makikita.




Sumunod naman ito. Tanging tanaw lang sa malayo ang kaya nyang gawin.





Lagi syang nasa labas ng bahay o di kaya ay nakasunod sa sakin kung san ako magpunta. Umuuwi lang ata yan para magbihis at maligo. Kung kumakain pa ba sya? Aba hindi ko alam hindi ko naman hawak ang kutsara. Buhay nya yan bahala syang magutom.





Ilang beses nya na rin akong sinubukang kausapin tungkol sa aming dalwa pero hindi ko ito binibigyang pansin. Di ko nga alam kay Nitch bakit hinahayaan nya ang asawa nya na maghabol rito. Balak pa ata akong gawing kabit.




"Hindi mo ba lalabasin si wolf?" Biglang sabi ni Kuya sa akin.



"Para saan pa? Choice nya yan tsaka ayaw mo non librebg serbisyo dinaig nya pa security guard e." Pagsasawalang bahala ko rito.




"Kausapin mo na Ria, bigyan mo nang chance magpaliwanag malay mo maayos pa." Pangungumbinsi nito.




"Bakit parang pabor ka sa kanya? Ikaw yung nakakaalam kung gano ako naghirap dahil sa kanya tapos gusto mong kausapin ko at mag explain sya sakin?"





"Hindi mo rin alam ang mga pinagdaanan nya Ria." Sabi nito at inabit ang cellphone nya sakin. "O yan ang number nya i text mo sabihin mo makikipag usap ka. Ilang buwan na syang ganan hindi ka ba naaawa?"





"Bakit naawa ba sya sakin? Bakit ba feeling ko pinagtutulakan mo ako kay wolf? May alam ka ba na dahilan kung bakit nya nagawa yon? Kung meron ikaw nalang ang magsabi sakin." Sagot ko.




"Ayokong makialam sa inyo. Sya ang dapat nag eexplain sayo."




Dahil sa inis ay kinuha ko ang cellphone nito. Kinuha ko ang number ni wolf at tinext ito.




Sifria;

Umuwi ka na si ria 'to magkita nalang tayo mamayang hapon dun tayo mag usap.





Isinend ko ang address sa kanya. Kalareho ng address kung san ako naghintay sa kanya nung gabing iyon.




Narinig ko ang paalis na sasakyan nito. Ngayon wolf anong mararamdaman mo kung gagawin ko sayo yung ginawa mo sakin.

Note; May mga grammatical errors po hehe sorry sabi sa inyo bonak ako mag english at super thankyouu po sa pag support ng story ko. I dedicate this chapter to ReBeCca926 Thankyouu po sa paghihintay palagi ng update.

Chasing WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon