Chapter 9

3K 80 0
                                    

MONTHS went so fast. It's been 4 months since Wolf and I are in a relationship. There are times na nagtatalo kami pero mabilis parin naming naaayos yon.

Most of our arguments is about Nate. Hindi ko maintindihan kasi kung nasan ako ay naroon rin sya. I mean matagal ko na rin namang kilala si Nate pero bigla nalang syang nag-iba.

Kinakausap ko pa rin naman ito paminsan-minsan dahil naging kaibigan ko rin sya at kaibigan din sya ni wolf. Pero nililimitahan ko iyon dahil nga may nobyo na ako at kung maaari ay dumidistansya ako para wala kaming pagtalunan ni wolf.

Pero pursigido parin si Nate palagi nyang sinasabi na kung kailanganin ko raw ang tulong nya ay tawagan ko sya. Para hindi na humaba ang usapan ay sumang-ayon na lamang ako.

"Ria, malapit na christmas gusto mo bang sumama samin para mag celebrate. Sa bahay lang naman kasama si mama at papa." Narito nanaman si Nate sa labas ng university namin at inaantay ang uwian namin.

"Ah hindi na Nate sabay kami ni Wolf magcecelebrate ng christmas e." Sabi ko rito.

"Ah ganon ba eh after christmas may plano ka ba?" Pangungulit pa nito.

"Nate, ano ba ang kailangan mo? May boyfriend na ako hindi ka ba napapagod kakahintay dito sakin sa labas? Atsaka diba may pasok pa kayo? Ano ba talaga ang sadya mo?" Nakakunot na tanong ko rito.

Nauna na sa akin si Cassy umuwi dahil sasamahan nya raw si tita ysa mag grocery.

"Alam ko naman yon ria, wala naman akong masamang intensyon. Gusto ko lang maging kaibigan mo." Sabi pa nito.

"Anong ginagawa mo rito." Kinabahan ako nang marinig ko ang ang baritonong boses na iyon.

"May sinabi lang ako kay ria." Sagot ni nate kay wolf.

"Hindi mo ba talaga titigilan ang girlfriend ko? Gustong gusto kong basagin yang muka mo Nate. Tanginamo lumayo-layo ka kay ria!" Sigaw ni Wolf.
Pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante dahil sa lakas ng boses nya.

"Nakikipag kaibigan lang ako farkas anong mali ron?" May panunuyang sabi nito.

Napasinghap ako nang biglang suntukin ni wolf si nate na naging dahilan ng pagkatumba ni nate.

Agad itong naglakad papalayo. Alam kong nagpipigil lang ito dahil nirerespeto nya ang pinagsamahan nila ni Nate.

"Wolf!" Sigaw ko rito ngunit hindi nya man lang ako nilingon.

"Nate please lang tumigil ka na. Wag mo na kaming guluhin mahal ko si wolf at ayokong magtalo nanaman kami dahil sayo." Sabi ko rito at hinabol si wolf.

"Wolf! Teka lang!"

Tumigil ito sa paglalakad at nilingon ako.

"O bat ka nandito? Hindi mo man lang ba sasamahan yong lalaking yon? Sabihin mo nga sakin Ria, may gusto ka ba sa gagong yon?" Tumwa ito ng nakakaloko.

"Wolf ano ba yang sinasabi mo? Ikaw ang boyfriend ko at hindi ko sya gusto. Pinagsabihan ko na sya na wag nang pumunta ng pumunta don."

"Tsss... alam mo ba kung anong meron ngayon Ria? 22 ngayon ria" Diniinan nya pa ang pagsabi nito sa 'ria' alam kong galit na ito.

"Monthsarry natin ngayon Sifria! Susunduin sana kita para i celebrate yung tayo pero ano? Madadatnan ko kayong dalwa? Alam mo ba kung gano kasakit yon? Iiwan mo na ba ako?" May pait ang boses nito.

"Wolf hindi totoo yan pupunta na rin ako sa inyo dahil alam kong nangako akong magcecelebrate tayo. Hindi ko kayang iwan ka wolf. Wala ka bang tiwala sakin?" Sabi ko rito habnag hindi ko na napigilan ang luhang bumagsak.

Nataranta ito at nilapitan ako para yakapin.

"Hushhh... tahan na, sorry sorry. May tiwala naman ako sayo..  natatakot lang talaga ako na baka iwan mo ako kasi sobramg mahal kita sifria. Natatakot akong maagaw ka ng iba sakin." Sabi nito habnag hinahagod ang buhok ko.

"Hushhh.... tahan na mahal sorry na. May regalo ako sayo." May inilabas ito sa bulsa nya na isang pahabang box.

Binigay nya ito sa akin. "Buksan mo." Sabi nito sakin.

Mang buksan ko ito ay  tumambad sakin ang isang silver necklace na nakaukit ang pangalang 'wolf'.

"Wolf nilagaw ko dyan para kahit wala ako sa tabi mo isipin mo nalang na kasama mo ako. At para malaman din nila na may boyfriend ka na kaya pangalan ko dapat. Kaya tumahan ka na please."

Hinampas ko ito sa dibdib nya.

"Ikaw nama kasi eh pinapaiyak mo ako. Thankyoukahit pangalan mo nakalagay." Pagtawa ko rito.

Pinunasan nya ang luha ko. At biglamg naging seryoso ang ekspresyin nito.

"Sa susunod singsing na ang ibibigay ko sayo. Hmmm.. hintay lang mahal ko pag naging abogado na ako ibibigay ko lahat ng gusto mo." Sabi nito at hinalikan ang noo ko.

"Hindi mo namang kailangang gastusan ako wolf. Mahalin mo lang ako ayos na ako don. Kaya ko namang tustusan yung sarili ko." Sabi ko rito.

"Gustong-gusto ko nang maging attorney at mag-iipon ako para sa atin. Papakasalan pa kita syempre, bubuo tayo ng pamilya. Kaya kapit lang mahal ko." Sabi nito sakin.

"Hihintayin ko yung araw na yon wolf."

Maghihintay ako wolf, sana... sana wag mong sirain yung pangako mo dahil panghahawakan ko yon.

Chasing WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon