Chapter 17

7.9K 120 2
                                    

Araw araw akong dinadalaw ni nate sa ospital. Lagi syang nagdadala ng pagkain at prutas. Minsan ay dun na rin sya natutulog.

Ang sabi ko naman ay okay na ako pero makulit sya gusto nya akong maka recover dahil sa pagka bangga sakin.



Tungkol sa taong bumundol sakin ay hindi parin ito nahuhuli. Sabi ko kay nate ay hayaan nalang dahil wala naman nangyari sakin at sa anak ko.


Laking pasasalamat ko dahil nandan si nate para sakin dahil kung wala ay di ko na alam kung san ako pupulutin. Sinabi ko rin sa kanya na isekreto ang nangyari sa akin at pumayag naman ito.




Pa minsan minsan ay tinatanong ko kay nate kung maayos ba si wolf pero ang sabi nito ay wala na syang balita dahil bigla nalang itong nawala. Pati sila Rexter at Lucus ay walang alam kung nasaan ito at ang pamilya nya.





Napaisip nalang ako na baka nagpakalayo-layo na sila para mamuhay kasama si Nitch at ang magiging anak nito.




Nang makalabas ako sa ospital ay hands on parin sakin si nate. Sya na rin ang nagbayad ng bills ko sabi ko ay babayaran ko nalang sya kapag nagkapera na ako pero tumanggi sya.




Tinanong ko rin si Nate kung may balita ba kay mama. Pero ang sabi nito ay wala na raw si mama sa bahay at wala nang tao don. Nagtaka ako dahil wala namang dahilan para umalis si mama nang walang paalam.



Ni hindi man lang ako hinanap. Alam kong hindi maayos ang pakikitungo nya sakin pero di ko inaasahan na wala talaga syang pakialam pagdating sakin.



Kaya naman nang makalabas ako ay nagpasama ako kay nate para puntahan ang bahay namin ngunit tama sya wala nang tao ron. Inabandona na ako ng sarili kong ina. Maging si manang delia at iba pa naming kasambahay ay wala na roon.


Ngayon ay nasa loob ako ng sasakyan nya dahil isasama raw ako nito sa bahay nila at may isang tao raw na naghihintay sa akin.



Naguguluhan man ay sumama ako sa kanya dahil wala na rin akong malalapitan. Ipinagtabuyan na ako ni wolf. Nagsinungaling sakin si cassy at si mama naman na nawala nang parang bula.



Wala nang natira sakin. Lahat ng taong pinapahalagahan ko ay tinraydor at iniwan ako. Tumulo nanaman ang aking luha at agad ko itong pinunasan. Madalas akong maging emotional.




"Nate san ba tayo pupunta?" Tanong ko habang nagmamaneho sya ng sasakyan nya.



"Basta.... malalaman mo rin pag nandun na tayo."



Hindi nalang ako muling nagtanong sa kanya. Nang makarating kami sa isang magarbo at malaking bahay ay pinagbuksan kami ng gate ng mga gwardya roon.



Bumaba si nate at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Inilahad nya ang ang kamay nya sakin at tinanggap ko naman iyon. Pumasok kami sa mala mansyong bahay.




"Pa! Nasan ka? May kasama ako sigurado akong matutuwa ka." Nakangiting sigaw ni Nate sa mansyon.




Lumabas mula sa silid ang isang lalaking sa palagay ko ay nasa late 40's na. Matikas parin ang pangangatawan  at di maipagkakaila na gwapo ito kahit may edad na.



Nang makita kami nito ay agad na natigilan ang lalaki.



"Pa nandito na si Ria, kasama ko na sya." Masayang sabi ni Nate.



Lalo akong naguluhan nang bigla akong yakapin ng lalaki kanina. Nagtatakang tiningnan ko si Nate pero tumango lamang ito.




"A-anak ko.... ikaw na ba yan? Ang laki laki mo na..." humiwalay ito sa yakap at hinaplos ang buhok ko.




Gulong-gulo na ang utak ko dahil sa nangyayari. Anak? Ulyanin na ba ang papa ni Nate?




"N-nate anong nangyayari??" Tanong ko kay nate. Grabe di kinakaya ng utak ko ang nangyayari.




"Ria this is my father, Bimson Jonas and also your biological father." Napanganga ako sa sinabi nya.



"Joke ba 'to Nate? Kasi alam mong wala ako sa mood para sa ganan. Alam mo ang pinagdaanan ko" Nakakunot ang noo ko.



"He's not joking my princess. I'm your biological father." Nagniningning ang mga mata nito habang nakatingin sakin.



Huh? Kung sya ang biological father ko ibig sabihin..... Sya yung kinabitan ni mama?? Grabe ano ba 'to.



"Alam ko ang iniisip mo... nakakahiya mang sabihin pero nagkasala ako sa asawa ko.... Naging babae ko ang mommy mo at ikaw nag naging bunga non. Pero hindi kita sinisisi dahil wala kang kasalanan. Ako ang dapat sisihin sa lahat. Pasensya ka na anak ngayon lang nagpakita si papa sayo.... Sorry anak ko....." Hinalikan ako nito sa noo.



Imbes na magalit ako ay mas nangibabaw ang pangungulila ko sa ama. Niyakap ko ito at umiyak.


"Papa...." Hikbi ko.


Nagdramahan muna kami bago pag-usapan ang lahat ng nangyari.


Ang kwento ni Nate ay nakita raw ni papa ang picture naming magkakasama at doon nagsimulang magtanong. Nang malaman nito na anak ako ni Mama Trina ay nagsimula na itong kutuban.



Patagong ipina DNA nila ako. Ni hindi ko man lang alam na ipina test ako. Masyado na yata akong focus kay wolf at sa pag-aaral ko.



Nang lumabas ang resulta at nalaman nga na anak ako ni papa ay masayang masaya raw silang dalwa. Sinubukan nya raw kausapin si mama ngunit nagalit ito sa kanya.

Ayaw talaga ni mama na sumaya ang buhay ko. Lagi syang naka hadlang sa lahat ng bagay na magpapasaya sakin.


Kaya simula non ay dikit na ng dikit sakin si Nate. Hindi nya raw muna sinabi sakin dahil gusto nyang si papa mismo ang magsabi non. Pero sya rin ang nagkwento ng lahat.



Wala akong galit na itinanim kay papa dahil tanggap ko sa sarili kong bunga ako ng isang pagkakamali. Magkapatid kami ni Nate ang mama nito ay pumanaw na.


Kahit papaano ay nabawasan ang sakit na nararamdaman ko dahil kahit may mga nawala ay may mga dumating naman na handang damayan ako.

Chasing WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon