Chapter 20

2.8K 58 0
                                    

Kasing ganda ng sikat ng araw ang ganda ng gising ko ngayon. Umaga palang ay ang gaan na agad ng loob ko. Pagpasok ko sa trabaho ay kunti lang ang gagawin ko. At pagpasok ko ay hindi masyadong madami ang papel na babasahin at gagawan ng report. Okay din dahil wala akong maiuuwi na trabaho sa bahay. Dati ay tambak ako ng gawain. Hectic yung schedule namin dahil palaging may hinahabol na deadline. Pero ngayon ay okay na. Mabuti nalang noong nakaraang Linggo na busy ako ay wala si Phoebian sa bansa. Mabuti at nasa LA siya.

Half day lang at natapos ang gawain ko. Pwede na sana akong umuwi pero hindi yun maari. Eight to five kami sa trabaho. Kung umuwi kami ng maaga ay makakaltasan ang sahod namin. Ganun ka strict yung boss namin. Pero mas mabuting hanggang hapon kami dahil kung sa bahay lang ako ay boring parin. Nakakasawa kasing manuod ng palabas at kumain.

Masaya kong binigay yung last report ko sa head namin. Nang macheck niya  at inaprobahan ang gawa ko ay bumalik na ako sa partitions ko. Sumandal ako sa swivel chair at bumundong hininga. Malalim ang hinugot kong hininga. Tumingin ako sa wall clock malapit sa entrance door ng station namin. Seven minutes nalang before lunch. Humugot uli ako ng malalim na hininga bago ko inayos ang work table ko. Pagkatapon ko sa scratch papers sa trash bin sa ilalim ng work table ko ay napatingin ako sa cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa.

Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko yung pangalan ni Phoebian. May mensahe siya sakin. Binuksan ko ang kanyang mensahe.

Phoebian:
Cannot call you. I'm inside the conference room. Better eat your lunch before work. Don't worry of me my sweet, I'll take my lunch later after this fucking meeting.

Napangiwi ako sa letrang f sa mensahe niya. Okay na sana yung message kaya lang ay may mura pang halo. Nagtipa ako para replayan siya.

Maia:
Okay lang. Kakain narin ako. Kumain ka para hindi ka gutumin.

Phoebian:
I take note of it. Now take your lunch. I cannot reply you again because some asses keep pestering me.

Mabilis siyang nagreply sakin. Pagkatapos ng kanyang reply ay hindi na ako nagreply dahil baka maistorbo ko yung meeting niya. Mamaya ay tatanungin ko siya kung sino yung sinasabi niyang asses.

Bumaba na ako at lumabas ng building. Tumawid ako sa pedestrian lane at pumunta sa maliit na restaurant sa harap lang ng building namin. Nag-order ako ng dalawang ulam. Puro seafood lang at dalawang scoop ng kanin.

Bumili din ako ng ice cream at chocolate bar para sa dessert ko. Sa opisina ko kinain yun. Nang pumasado alas singko na ay dahan-dahan akong lumabas ng building. Buong hapon ay nanuod lang ako sa Facebook ng mga random videos para malibang. Wala na akong trabaho kaya yun nalang ang ginugol ko. Hindi naman ako sinisita dahil malayo ako sa head namin at syempre may personal space naman kami. At di rin malakas yung volume yung phone ko. Malakas pa nga yung ingay ng air-condition.

Paglabas ko ulit ng building ay nakita ko yung Maybach ni Phoebian. Napataas ako ng kilay at napangisi. Marahan akong naglakad papunta sa kanya. Patagilid siyang nakasandal sa sasakyan niya habang nakatingin sakin.

"Kanina ka pa?" Bungad ko agad sa kanya nang makalapit ako.

Tumango siya. "Twenty minutes. Did you eat your lunch?"

Tumango din ako. "Oo. Hindi pwedeng hindi."

"Good. Shall we in?" Tanong niya at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan niya.

Pumasok ako sa shotgun seat. Umikot siya para pumasok din at magmaneho. Bago kami tuluyang makauwi ay dumaan muna kami sa drive thru. Dinner na namin yun. Habang nasa byahe ay tinanong ko siya kung sino yung sinasabi niyang asses. Gusto ko lang malaman kung sino yung gumugulo sa kanya kanina sa gitna ng meeting niya.

PhoebianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon