Chapter 23

2.3K 51 0
                                    

Hinaplos ko pa ng isang beses ang damit na bagong bili ko mula sa isang mamahaling boutique sa mall. Sa Versace store ko nabili ang bago kong damit na mahal pa sa tuition sa Yale. Alam ko na hindi ako nakapag-aral do'n pero masasabi ko talaga na mas mahal ang mga sikat na fashion brands kaysa sa tuition fees.

Binigyan ako ni Phoebian ng credit card. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung ilan ang balance. Yung pera ay pangsampung taon ko na na ipon na buo. O kulang pa yata dahil hindi ako sure sa computation ko. Halos mahimatay ako sa laki ng pera sa credit card na yun. Ano pa kaya kung tinanggap ko ang black card na yun? Talagang mababaliw ako kapag mawala yun. Parang bente lang kay Phoebian ang laman ng credit card.

Nang maibili ko sa Versace store yung damit na kailangan ko para sa party ay umalis agad ako. Feeling ko ay hindi ako bagay do'n dahil simpleng skinny jeans lang at t-shirt at sneakers lang ang suot ko. Pagbayad ko ay hindi na ako lumingon pa sa boutique na yun. Bumili din ako ng pumps sa mall. Five hundred lang yun pero maganda. Importante lang naman sakin ay may maisuot sa party na yun.

Hindi ko gustong sumama kay Phoebian pero pinilit niya ako. Wala naman daw do'n si Phinneas. Sinungitan ko siya dahil hindi naman ako takot kay Phinneas. Sanay na nga ako sa pag-aabuso niya sakin kay Phinneas pa kaya. Namention niya ang parents niya na pupunta daw do'n. Yung parents niya ay alam na nila kung ano ako sa buhay ni Phoebian. Tinanong ko kay Phoebian kung ano ba ang reaksyon nila nang malaman na ako ang naging girlfriend niya. Ang sagot niya sakin ay wala daw pakialam ang parents niya.

Ang sabi sakin ni Lola Gracia ay minsan nangingialam ang parents ni Phoebian pero kahit pakialamanan ako ay may laban naman ako. Hindi ko hinuhuthutan si Phoebian kung yan ang gusto nilang ipaglaban. Alam naman ni Phoebian na ayaw kong rineregalohan niya ako ng mamahaling bagay. Exepted lang ang card na binigay niya sakin dahil kailangan pero isasauli ko yun sa kanya nang hindi niya nalalaman. Ayaw na kasing ipabalik pero mas matigas ako sa kanya.

Sinuot ko na yung casual dress na kulay lilac. Plain siya pero kung presyo ang tatanongin, mas mahal pa sa sahod ko kada buwan. Pati yung pumps na binili ko ay sinuot ko din. Nagpa-hair treatment lang ako sa salon dahil gusto kong ilugay ang buhok ko na hanggang dibdib ang haba. Makintab ito at tumingkad ang kulay itim na kulay ng buhok ko. Bumili ako ng make-up, galing syempre sa sahod ko yung ginamit. 

Phoebian cosmetics. Sigurado akong matutuwa ang mahal kong boyfriend kung malaman niya yun. Gusto ko yung neutral tone blushes niya dahil bagay sa skin color ko. At nude lipgloss ang linagay ko sa labi. Hindi halatang gumamit ako ng cosmetic products sa mukha. Nagpabango din ako. Yung mahal na Phoebian fragrance na tinititigan ko lang dati, ngayon ay magagamit ko na. Galing syempre sa Phoebian pop-up store sa mall.

Mas tumangkad pa ako nang suotin ko yung pumps na binili ko. Natuwa ako at umikot-ikot. Two inches na sapatos naman ang suot ko kapag nasa opisina ako pero hindi ganito na four inches. Iba yung feeling ko kapag nakasuot ako ng ganito. Mas nagiging galante akong tignan at matangkad.

Kinuha ko yung purse ko. Regalo lang ito sa akin noong OJT ko pa sa opisina ni Phoebian. Hindi ko pa ito nagagamit at nakakahon pa. Sa pagkakatantya ko ay nasa one thousand ang bag na'to. Okay na ito at least medyo mahal. Linagay ko lang ang cellphone, wallet, at ang lipstick.

Napatayo ako mula sa sofa nang makarinig ako ng busena sa labas ng apartment. Napangiti ako. Nandyan na ang sundo ko.

"Hi." Pagbati ko sa sundo ko na ngayon ay nasa harap na ng pinto ng apartment. Ang gwapo niya sa suot na suit. Nakasuot siya ng single-breasted upton line twill suit na puro itim. Pati sa ilalim ay itim din.

Lumapit ako sa kanya at inayos ang collar sa likod sa may leeg niya. Lihim akong napairap ako ng matignan ko ang brand. Giorgio Armani. Pati sapatos ay itim din na namumungay sa kintab.

PhoebianWhere stories live. Discover now