Chapter 24

2.3K 55 0
                                    

Nagpaalam muna ako kay Phoebian na pumunta sa powder room. Iniwan muna namin ang mga nasa parlour room dahil sinamahan ako ni Phoebian. Sa labas siya naghintay sakin. Naghugas ako ng kamay. Yung basa kong kamay ay yung ginamit sa buhok ko. Wala akong pakialam kung naka-hair treatment ang buhok ko.

Nagulat ako dahil may babae palang nasa loob ng powder room bukod sakin. Palabas siya. Pareho kaming nagulat. Pero agad yung naglaho. Tumikhim siya at tinanguan ko lang siya.

Lumapit siya sa sink at binuksan ang gripo para lumabas ang tubig. Tahimik lang akong nagpupunas ng wipes sa gilid habang lihim kong pinagmamasdan ang babaeng may kaedaran narin. Parang magkasing-edad lang sila nina ma'am Lucille.

"So," Napagawi ang tingin ko sa kanya nang magsimula siyang magsalita. "You're Phoebian's girlfriend, I guess?"

"Opo." Mahina kong sagot na nakatango.

"You are lucky that you have him. I have a daughter kasi," Pinatay niya ang gripo. "She's so fond of Phoebian. They knew each other since they were young. My daughter is a lawyer at may sinasabi siya sa buhay. You know, didiretsahin na kita. Hawakan mo ng mabuti si Phoebian. Baka maagaw siya sayo. Huwag mo sanang masamain yun. Just saying." Mayabang siyang ngumiti na may halong panunuya.

Hindi ko gusto ang amoy ng kanyang ugali. Maamo nga siyang tignan pero may natatago ding pangit na ugali. Nauna siyang lumabas sakin. Isang minuto muna akong nanatali sa loob. Paglabas ko ay nasa labas parin ang ginang pero kausap na niya si Phoebian at yung isa pang lalaki na hindi ko kilala.

Hindi muna ako gumalaw dahil ayaw kong maistorbo sila. Hindi ko din gusto ang babae dahil sa sinabi niya sakin kanina. Ang ibig niya bang sabihin ay mas bagay ang anak niya kay Phoebian kaysa sakin? Yun ata ang pinapamukha niya.

"Valentine is not feeling well. Pero kapag makausap mo si Phoebian ay baka maging okay na siya. You know she doesn't have someone to talk with here. Magkamustahan naman kayo."

Lihim akong napangiwi dahil sa sinabi niyang yun. Para siyang desparada. Desparada na makatagpo ang anak niya ng mayaman. Yun kasi ang ginagawa ng mga noble women sa mga anak sa London noong panahon pa ng mga panahon nila. Siguro yun din ang ginagawa ng mga magulang ng ginang na'to sa kanya dati. No offense meant.

Mabuti at napako ang tingin ni Phoebian sakin at nakita niya ako. Tipid akong ngumiti sa kanya. Lumapit siya sakin at hinatak ako sa kanya.

Dalawang pares ng mga mata ang saksi sa ginawa niya. Yung lalaking kausap niya ay napangisi habang ang ginang naman ay napangiwi ako.

"I guess you already met my girlfriend, tiya Hilga?"

Biglang kumabog ang dibdib ko sa kaba. Hilga. Pamilyar ang pangalan na yun.

"Ah yes! But I didn't catch her name nga pala. What's her name de—"

"Phoebian pwede na ba tayong umuwi?" Bulong ko sa kanya.

Sinadya kong gawin yun dahil kung siya nga ang hinanap ko ay dapat hindi niya malaman ang pangalan ko.

Kumunot ang noo niya sa pagtataka pero nabura din yun dahil tumikhim ang lalaki. Kaming dalawa ni Phoebian ay napatingin sa kanya.

"Yeah sure." Agad niyang sagot. "This is my girl, Maiarie Gascon. And by the way, sweetheart this is Artori Fiorel. He's one of my friends since I can't remember. Art, my girl." Pakilala ni Phoebian.

Hilga lips parted.

Bago ko pa maabot ang kamay ni Art ay si Phoebian na ang nakipa-kamay sa kaibigan. Lihim kong kinurot si Phoebian. Ang bastos niya.

"Mannn, I already know. She's yours so no need to worry." Natatawang sabi ni Art.

"I know." Matigas na sagot ni Phoebian sa kaibigan.

PhoebianWhere stories live. Discover now