53

907 58 12
                                    

YZABEL'S POV





pagkakuwa ko ng coffee ko agad ako lumabas at tinignan kung nasaang direction siya pumunta, w-where is she? siya ba talaga yon? kamukang kamuka niya, kaboses niya ba.




"yzabel?" Napalingon ako kung sino yon.




"Hyun-suk!" Sabi ko at lumapit sakanya habang hinahabol ang hinibinga at nililibot ang tingin.



"What happened to you?" nagaalalang tanong ni Hyun-suk, di ako makapagsalita! "Are you okay? para kang nakakakita ng multo sa umaga" tanong pa nito.



"i-i s-saw her" sabi ko at hinatak siya papasok ng car.




"w-who?" tanong niya at humarap sakin.



"s-si cole!" sigaw ko. di ako mapakali, nanginginig at di makapagisip ng maayos.



napatigil ako nang bigla siyang tumawa ng malakas, b-bakit siya tumatawa? may mali ba akong sinabi? iniisip niya ba na baliw ako??




"namimiss mo lang si cole, tara puntahan natin sa simenteryo" sabi nito at pinababa ako at nakipagpalit ng upuan, siya ang nagdrive at ako inaalala ko yung itsura.




She's wearing a black mask, her hairstyle was ponytail at nakababa ang bangs, she's literally a different person...




nang makarating kami bumili muna siya ng tubig at bulaklak, nanginginig ako at aminado ako, alam kong siya yon, nararamdaman kong siya yon.





nang makarating kami sa sinasabing puntod ni cole, umupo ako at tinitigan lang yon, lagi naman ako nandito pero ngayon iba na pakiramdaman ko gayung may nakita akong kamuka mo.






"alam kong namimiss mo lang siya yzabel" hyun-suk.





"di ako magkakamali, siya yon hyun-suk" sagot ko. "but... she's looks a bit younger now na para bang di siya tumanda ng kahit konti"




"alam mo, ang creepy mo! nasa puntod tayo ni cole ngayon sasabihin mong nakita mo siya sa coffee shop, at sa tapat pa ng building nyo pa"




"kasi totoo naman! nakita ko siya, nanlamig nga ako kanina di ako makagalaw at muntik ko pang di makuwa order ko" sagot ko. "I'm sure talaga na siya yon, please help me tulungan mo ko hanapin siya hyun-suk" pagmamakaawa ko.




"susubukan ko" sagot niya at huminga ng malalim, he looks frustrated, jusko




"but for now, tara na hinahanap ka na sa office nyo" sabi niya at tumayo.




"susunod na ako" sabi ko at humarap sa puntod ni cole.





"cole, baka lang siguro namimiss kita, alam kong namimiss kita pero wag mo naman ako paasahin" sambit ko habang nakatingin sa puntod niya.




"dumalaw ka minsan sa panaginip ko para mabawasan yung pangungulila ko" sabi ko bago tumayo at sumunod kay hyun-suk sa sasakyan.







buong byahe ay nakayuko lang at inaalala ang babae kanina, muka siyang mas bata kay cole ng konti pero yung kilos at boses ganun padin, ikaw ba talaga si cole o namamalikmata lang ako?






"inaalala mo padin yung nakita mo kanina?" tanong ni Hyun-suk.






tumango lang ako at bumuntong lang.



"if you want tanungin natin yung nasa cafeteria kung lagi bang nandun yung sinasabi mong cole" hyun-suk, tama! yun!



"s-sige, tanungin natin" sabi ko, tumigil kami sa coffee shop na pinagbilhan namin ng vanilla iced coffee at kung saan ko nakita si cole.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

zero o'clock | MNL48Where stories live. Discover now