Prologue

149 6 0
                                    

┌─── ∘°❉°∘ ───┐


"Ms. Hernandez?"


I stopped what I was doing and looked at my boss' secretary, who was peeking at the door of our team's office.


"Yes, ma'am?"


"I would like to remind you that the meeting will start in 30 minutes and I want you and your team to prepare," she glanced at her wristwatch before saying, "I better get going now. See you later at the conference room,"


After that, she left our office.


"I hope that our partnership with this new company will go well," Pia, my co-worker, said. "I heard marami daw gwapo sa kumpanyang iyon," she added at biglang tumili.


"Really, Pia? 'Yan talaga ang iniisip mo?" Anton sarcastically said.


I kinda feel bad for Anton. He's been hiding his feelings for Pia for a while now.


Pia rolled her eyes at Anton and said, "Hoy, Anton! Ano naman ngayon kung iyon ang iniisip ko? At least hindi ako aantukin mamaya sa meeting,"


"Ikaw, ha? Isusumbong talaga kita na natutulog ka tuwing may meeting," I teased.


"Uy, 'wag naman Bianca. Nagbibiro lang naman, eh," she pouted. Maya maya ay may kinuha siyang pouch sa kanyang bag at nagsimula nang mag-ayos.


"Makapag-ayos wagas," bulong ni Anton, halatang pinapatamaan si Pia, nang makita niyang nagreretouch ng makeup ito pero narinig pa rin nito.


"May sinasabi ka ba Anton?" masungit na sabi ni Pia.


"Wala," Anton boredly said ngunit mayroon pa rin siyang binubulong-bulong pero mas mahina na kumpara kanina.


"Ewan ko sa inyong dalawa," sabi ko at sinaway na rin bago pa lumaki ang pagtatalo ng dalawa.


Nagsimula na akong mag-ayos ng mga gamit na dadalhin ko sa meeting mamaya na magaganap sa conference room.


In the middle of my business, may narinig akong tilian sa labas ng office namin.


"Bakit kaya may tilian sa labas?" tanong ni Anton ngunit nagtinginan lang kaming tatlo at halatang walang alam sa nangyayari kaya napagdesisyonan na lang namin na lumabas ng opisina para malaman kung ano ang nangyayari.


"Ang popogi!"


"Galing ba sila sa Zamora Group of Companies?"


"Siya ba ang CEO?"


"Baka siya yung director,"


At marami pang ibang mga bulong-bulong.


Jusko naman 'tong mga taong ito! Baka masira image ng kumpanya namin dahil sa kaharutan ng mga 'to!


Tumigil lang ang tilian nang sumunod ang CEO ng kumpanya namin. Yumuko kaming lahat para magpakita ng respeto.


Everyone went back to their places nang lumagpas na sa'min ang CEO namin.


"Ano ba naman 'yan!" inis na sabi ni Pia na nagpakunot sa noo namin ni Anton.


"Ano na naman ba ang problema mong babaita ka?" Anton crossed his arms and looked at Pia while raising one eyebrow.


"Kasi naman, eh, late na natin nabuksan ng pinto," pumadyak-padyak pa si Pia na para bang batang kinuha ang laruan. "Kung mas maaga tayong lumabas makikita natin kung gwapo ba talaga yung tinitilian nila,"


"Bahala ka nga diyan sa buhay mo," Anton said before going back inside our office.


I don't know if tama ba ang nakita ko but I think I saw a look of jealousy sa mukha ni Anton.


"Hoy, bumalik ka na sa loob at ayusin mo na ang dadalhin mo sa conference room," sabi ko kay Pia.


Labag man sa loob ay pumasok pa rin siya.


*****


When it was already 10 minutes before the meeting, we decided to go to the conference room so that the three of us won't be late for the meeting. And at least kahit papaano may good impression pa rin sila sa kumpanya namin kahit na pagkatapos nung mga nangyari kanina.


When we arrived at the conference room, halos lahat ay nandoon na.


"Himala," bulong ni Pia sa'kin at tumawa ako nang mahina.


Himala talaga! Dati nga halos mas marami ang mga late kaysa sa mga mas maaga. Baka nakaabot sa kanila ang balita na maraming gwapo kaya napagdesisyonan nila na mag-attend ng mas maaga.


Binati namin ang mga nakasalubong at umupo na kaming tatlo sa aming mga upuan.


It was quiet while waiting for the others to come. Good thing that the ones that we've been waiting for arrived after a few minutes. Mabibingi na yata kasi ako sa katahimikan kanina.


Nang makaupo na sila sa kanilang mga upuan ay isa-isa na kaming nagsilabasan ng kaniya-kaniyang gamit na gagamitin ngayong meeting.


"Excuse me but our company's lawyer is not here yet. Can we please wait a bit longer? He told me that he was stuck in traffic on his way here," Mr. Zamora, the CEO of their company, said.


"Pa-espesyal naman ang isang 'to," bulong sa akin ni Pia na ngayong nakakunot ang noo at halatang naiinip na.


I just chuckled at bumulong pabalik sa kanya, "Hayaan mo na,"


After a couple of minutes, the door suddenly opened which caught our attention. When I looked in the door's direction, I saw someone that I never thought that I would see again.


"Mr. Pete Anderson Zamora, my brother, and our company's lawyer is already here so I think we can start this meeting already,"


└─── °∘❉∘° ───┘


Prologue: done!

P.s. 

This part is unedited so there would be grammatical errors :>

One Who Can't Be MovedWhere stories live. Discover now