CHAPTER 12

2 0 0
                                    


"Hello?" pagsagot nito sa tawag. "Bakit, anong problema?" Tumingin siya sa'kin at parang nahihiya na dahil sa itinanong kanina.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang iniinom ang nasa boteng hawak ko. Mukhang nag-aalala rin ang boses niya sa tumawag.

"Ano?" Nilakasan niya ang volume at in-speaker ang tawag. Dahil siguro sa may kalakasang hangin kaya hindi niya masyadong naririnig.

"Balik ka na d-dito... ang daming blood. A-Ayaw ko ng blood..." Na-curious ako agad kung sino 'yon, tonong bata at umiiyak... pero parang pamilyar ang boses sa'kin. "Ayaw ko ng blood, please b-balik ka na..." Hikbi pa nito.

"B-Babalik na 'ko. K-Kumalma ka lang. Punasan mo yung dugo..." Hindi na rin mapakali ang mata niya kung saan titingin dahil sa pag-aalala. Natataranta.

"A-Ayaw ko nga ng blood!" Umiiyak na sigaw ng kausap, natataranta namang kinuha ni Stay ang bag niya at astang bababa na sa sementong kinauupuan namin. Tumalon ako pababa at inalalayan ko siya. Minadali ko nang ubusin yung alak kasi sayang. Naglalakad na rin pala siya kaya nagmadali akong sundan siya.

"May pasok ka ba bukas?" mabilis na tanong niya na para bang may hinahabol na oras.

"Meron, bakit?" Umiling siya.

"Wala. Samahan mo 'ko pabalik s-sa Manila," Huminto siya at hinarap ako. "Please? N-Ngayon lang..."

Sinamahan ko na siya dito, pati ba naman sa Manila? Tss. Pero sige, hindi ko rin naman siya maiiwan sa ganitong oras, lalo na't babyahe pa siya ng malayo.

Habang nasa jeep na kami papunta sa bus station ay biglang umulan nang malakas.

"Shet naman. Wala akong dalang payong," reklamo ko at malapit na pala kami. "Para po... — tara." Inalalayan ko siya pababa at agad kaming tumakbo sa bus, paalis na ito. Mabilis kaming umakyat at hila-hila ko na pala siya kanina pa.

Wala ng bakante kaya tumayo na lang rin kami katulad ng iba. Ako na rin ang nag-bayad ng pamasahe namin dito sa bus. Nagpupumilit pa siyang siya na pero si Gabo 'to 'no! Subukan niya lang akong tanggihan ulit!

"Sino yung kausap mo kanina?" tanong ko.

"'Wag ka na lang munang magtanong. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos ngayon," sagot niya. Nag-kibit balikat na lang ako habang pinipigilan ang tawa.

Ilang minuto pa ang lumipas na byahe o isang oras mahigit na ata ay nakarating na rin kami sa bababaan namin. Umaambon na lang.

"Naiihi ako," ani niya. Tumingin ako sa paligid at may nakita akong gasolinahan kaya nagpunta kami ro'n. Habang nag-ba-banyo siya ay pumunta muna ako sa isang bilihan ng mga payong na nakita ko.

Pagtapos kong makabili ay bumalik na ulit ako doon pero ilang minuto pang paghihintay ko ay hindi pa rin siya lumalabas kaya kinatok ko na siya.

"Stazie..." Hindi siya sumagot. "Stay, nandiyan ka pa ba?"

"S-Sandali..." Nagsalubong ang kilay ko sa tono ng boses niya. Ilang segundo pa ay lumabas na rin siya agad pero magulo na ang buhok niya.

"Ayos ka lang?" tumango siya.

"Nag-aalala lang ako. Tinawagan niya ako ulit kanina at umiiyak pa rin siya."

"Ayusin mo ang buhok mo, tatakbo tayo." Napauwang ang labi niya at madaling inayos ang sarili niya. Inilagay ko sa gilid ng tenga niya ang ilang hibla ng buhok na hindi niya naisama.

Nung una ay lakad takbo ang ginawa namin habang nagsisiksikan sa payong. Lalo namang lumakas ang ulan kaya mabilis kaming tumakbo papunta sa sakayan ng jeep. Nababasa pa rin kami kahit may payong na.

Stazie's ResentmentWhere stories live. Discover now