CHAPTER 13

1 0 0
                                    


"Nice! Ang galing mo!" masayang puri sa'kin nito pagkatapos namin mag-defense. "Sana talaga all magaling magsalita nang gano'n sa harap," aniya ni Sayie.

"Magka-group rin naman tayo sa research, ah? Hindi ba 'ko magaling?" Napangisi ako sa sinabi ni Jas.

"Ikaw ba si Gab?" Umirap siya dito at naupo na sa isang table. Inilapag ko na rin ang pagkain namin at naupo. Katabi ko si Sayie at kaharap si Jas.

"Miss ko na si Audrey asarin," natatawang sabi niya.

"Ba't 'di mo pa kasi ligawan? Bagay nga kayo, e." Pangungumbinsi ng katabi ko.

"Feeling ko hindi ako papasa, tss." Umiiling na sabi niya, animong problemado.

"Akala mo lang 'yon! Ikaw nga lang yung kinakausap niya ng matino kahit papa'no, e." Tila nabuhayan ng pag-asa si Jas. Pinagpatuloy ko ang pag-kain ko at nililipad na naman ang utak ko nang dahil sa kaniya.

Siya lang. Siya lang nakakagawa sa'kin ng ganito, e. Ewan. Ang gulo na. Ang gulo niya.

Ang gulo-gulo na.

"Bakit ka nga pala nag-absent nung friday 'tol?" tanong ni Jas. "Hindi ako sinamahan ng bebe mo at bebe kong kumain... tsaka ngayon." Ngumisi siya na konti na lang tatawanan niya ang sarili.

"Emergency lang."

"Emergency, babae?" biro nito. Tumalim din agad ang tingin sa'kin ni Sayie, naalala niya. "May tumawag pang mahal sa'yo, ah? Emergency ba 'yon, narinig ko pang hinalikan ka? Tapos isang round pa?" Nakataas ang kilay niya. Natawa naman ako.

"Nag-jo-joke lang 'yon."

"Joke? Talaga, ah?" nagtitimping sabi niya. Hindi ko tuloy malambing dahil nandito si Jas.

"Naku mga pre! LQ kayo 'no? Sige, sige. Alis na 'ko." Mabilis itong lumakad palayo, mukhang susundan si Audrey na naglalakad nang maangas palabas ng canteen.

"Sino 'yon? Babae ang kasama mo 'di'ba? Nasaang bahay ka nag-stay?" Mukhang selos na selos ang bibi na iyan hahaha.

"Sa bahay ng kaibigan niya."

"Sino pang kasama niyo do'n?" Napakamot ako ng ulo, medyo kinakabahan na. Mas malala pa ata 'tong kaba ko kesa sa defense kanina lang.

"Kaming dalawa lang." Ngumisi siya na parang may napagtanto.

"Ang landi pala niya." Parang may kung anong pumitik sa tenga ko at nainis sa narinig sa kaniya.

"Hindi... hindi siya gano'n, okay?"

"Pinagtatanggol mo pa? Sana hindi ka na lang sumama kahit emergency."

"Emergency nga, e. Hindi mo ba naiintindihan? Nag-aagaw buhay na ang kaibigan niya at kailangan niya ng kasama pabalik sa Manila. At gabi pa no'n... hindi ko naman pwedeng hayaan siyang mag-isa," paliwanag ko. Napairap siya sa hangin at hindi makapaniwalang natawa.

"Nakapunta siya dito mag-isa tapos hindi niya kayang bumalik do'n? Kailangan ikaw pa ang kasama?" Magkasalubong na ang kilay niya, naiinis.

"Syempre ako ang kasama niya nung oras na 'yon. Kung hindi ako, edi hindi ko na kailangang magpaliwanag sa'yo ngayon." Magkasalubong na rin ang kilay ko sa pag-e-explain sa kaniya. Huminga ako para pakalmahin ang sarili ko.

Alam ko kung bakit siya ganyan, akala niya ay niloloko ko siya. Masyado na siyang nag-iisip ng kung ano-ano. At naiintindihan ko rin si Stay na hindi naman talaga kayang bumyahe mag-isa lalo kung malayo.

"Sana manlang sinabi mo sa'kin 'di'ba? Nag-update ka manlang sa'kin. Mabigat na ba yung mag-chat ka sa'kin? Konting segundo lang naman 'yon..." Lumambot ang ekspresyon niya at alam ko na kung saan patutungo 'to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stazie's ResentmentWhere stories live. Discover now