CHAPTER 2

2 0 0
                                    


"Congrats!" masayang bati ko sa kaniya kahit na nakakahiya. Nandito kasi sa harapan ko mismo yung magulang niya, hindi alam ang gagawin.

"Salamat, Chie," nakangising balik niyang bati. Parang nang-aasar pa 'tong kabado ako ngayon, ah.

"Hello rin po," baling ko naman sa magulang niya. Ngumiti naman ang Mama niya pero ang Papa naman niya ay tinanguan lang ako.

"Picture!" sigaw naman ni Bea sa'min. Nagkatinginan kami at nagkangitian nang malapad. Syempre, masaya kami, e. Graduation na nila sa Senior High School. Nakaka-proud silang dalawa sa totoo lang kahit hindi naman ako yung gunraduate. Worth it yung eyebags nilang pareho, sana matulog na sila.

Nag-picture kaming tatlo nila Stazie at Bea. Kasama na rin ang parents niya. Nagtataka ko namang tiningnan si crush nang nilagay niya sa ulo ko yung toga niya at ngumiti siya.

"Graduation 'natin'. Feeling ko bagay sa'yo, e." Dahan-dahang kumislot ang mga labi ko sa narinig sa kaniya. Pakiramdam ko nawala na ang mga mata ko sa sobrang pagkakangiti ko. Nakakataba ng puso yung 'natin', sheeshhh.

"Ganda mo ngayon," bulong ko. Naka-dress siyang puti katulad kay Bea pero mas simple ang kaniya, naka-sandals rin siyang itim. May konting kolorete sa mukha niya pero iyon! Iyong pagka-simple niya ang nakakuha sa atensyon ko.

"Ganda lang? Ngayon lang?" natatawang ani niya.

"Syempre maganda ka palagi, crush pa rin kita hanggang sa susunod na graduation mo." Natatawa na kinikilig kong sabi. Pero sana hindi niya nahalatang kinikilig ako sa sarili ko!

"Tama na harutan, tingin!" sigaw na naman ni Bea na ikinatawa ng... mahal ko.

Ngumiti naman kaming pareho sa camera at mabuti na lang alam kong graduation ngayon ng baby ko kaya nakapag-pagupit ako at medyo hindi na dugyutin. Sa galing ba naman ng advice ng kaibigan niya, e!

"Mauuna na kami, ha?" May pinaparating na sabi ni Bea at siniko ako, ako pala ang inaaya niya.

"Hmm, ingat kayo." Ngumiti ulit si Stazie at kumaway pa.

"Saan sila pupunta?" baling ko kay Bea. Tiningnan niya lang ako.

"Ingat po kayo, Tito, Tita hehe."

"Ayaw niyo bang sumama?" tanong ni Tita... Tita muna ngayon, syempre dapat hinay-hinay lang muna.

"Nako, 'Ta. Hindi na po, may pupuntahan rin po kami nitong si... Archie, e haha." Tiningnan pa ako ni Bea at tumango na lang ako, gano'n rin si Tita sa'min.

"Sige, mag-ingat kayo," sabi naman ni Tito at tinapik ako sa balikat. "Ingatan mo 'tong si Bea." Sa kaba ko ay napatango na lang ako bilang tugon. Napatingin naman ako kay Stay na naiilang na natatawa na ewan.

"Bye po." Kumaway na sa kanila si Bea kaya napakaway rin tuloy ako. "Ingat po kayo."

"Mauuna na po kami," paalam ko. Hinila naman na ako ni Bea bago pa sila mawala sa paningin namin.

"Hintayin mo 'ko rito, mag-aayos lang ako sandali." Agad akong tumango at tiningnan ko lang siyang umakyat sa building nila. Napatingin naman ako sa mga estudyanteng dumadaan, nginingitian ko yung mga kakilala ko.

Napapaisip lang ako kung bakit nagmakaawa pa sa'kin si Bea na pumunta sa graduation nila kung pwede namang pamilya na lang niya. Sabi niya sa'kin para daw makita ko rin si Stazie na umaakyat sa stage na pabor din naman sa'kin. Pero alam kong may iba pang dahilan si Bea kaya ako ang nilagay niya sa pwestong 'to.

Nagkaroon din tuloy kami ng picture habang nasa stage. Ang problema lang naman doon ay nahihiya ako sa itsura ko, kabang-kaba nga ako kanina pa at hindi ko alam ang gagawin. Siya naman ay panay siko lang sa'kin tapos tatawanan tsaka sasabihin sa'kin kung anong gagawin.

Stazie's ResentmentWhere stories live. Discover now