Chapter 23

19 2 45
                                    

LEANDRA'S P.O.V.













"Congratulations to all of you! I hope you guys have a wonderful long weekend!" ngiti ng principal.









Tapos na ang mga events and festival sa school! At masaya kami dahil ang dami naming achievements!

Plus! Binigyan kami ng long weekend. Bali sa monday at tuesday ay wala kaming pasok!

Nanalo ang basketball team namin. Champion si Kai sa singing contest na sinalihan, at nag 2nd place naman kami sa dance contest!







"EYYYY! TROPA NATEN FOR THE WINNN!" tili ni Jam at nagapiran kami.


"Celebrate tayo!" yaya ni Chandler. "Andaming achievements ng grupo natin!"





Sumang-ayon naman ang lahat.





"Saan tayo?" tanong ko.


"Tara lakad na tayo papunta sa parking habang nag-iisip." yaya ni Pao.






Ganun na nga ang ginawa namin, pero hanggang ngayon ay hindi pa din kami makapag decide.






"Gusto niyo chill nalang tayo sa bahay? Magluluto nalang ako tas movie marathon?" suggest ni Kai.



"SIGE! Tulungan kita, Kai." tango ni Chandler.








Ayun na nga ang ginawa namin. Pero bago kami pumunta sa bahay ay pumunta muna kami ng grocery para mamili ng mga kakainin.

Si Art ang nagtutulak ng cart. Nakasunod lang kay Kai.







"Anong gusto niyong kainin?"



"Adobo!" taas kamay ni Chandler.


"Gusto ko kare-kare!" taas kamay naman ni Jam.


"Mas masarap sopas! Lalo na makulimlim ngayon!" sabi naman ni Pao.






Mukhang nagustuhan nila ang idea ni Pao kaya dun kami sa sopas. Magpri prito din daw si Kai ng manok.






"Para sa movie marathon natin? Anong gusto niyong kutkutin?" tanong naman ni Kai.


"Hmm nachos?" suggest ko.


"HUY GUSTO KO YAN! NAGUTOM AKO." sang-ayon agad ni Jam.






Kumuha na agad si Kai at Chandler ng mga ingredients. Pati na din ng mga iinumin namin.






"Inom tayo!" yaya ni Chandler.


"Uuwi pa tayo hoy!" saway ni Pao.


"Pwede kayong mag stay sa bahay. Wala nga lang kaming extrang kwarto so sa sala kayong tatlo." sabi ko.





Tumango naman si Kai at Jam bilang pagsang-ayon.







"Sige!"






So ayun na nga mag o overnight na ang boys sa amin. Uuwi lang daw sila saglit para kumuha ng mga gamit at iuuwi na nila ang mga kotse nila para iisang kotse nalang daw ang dadalhin nila.

Nang matapos kaming bumili ay nag ambagan ang tatlong lalaki. Ayaw na kaming pagbayarin dahil makikitulog na nga daw sila sa amin ay magbabayad pa kami.

HEARTACHES TO HEARTBEATSWhere stories live. Discover now