ikalawa

179 14 22
                                    

⚠be ware for some grammatical errors, typos, etc.

Ferdinand's POV


"Maligayang kaarawan, Imelda!" sabay abot ko ng Bouquet kay Imelda.

"Maraming salamat, Ferdinand." sabay amoy sa mga bulaklak "Ang bango."

"nagustuhan mo ba?"

tumango siya bilang sagot, ibinalik niya ang tingin sa araw na palubog na. Oo, nandirito kami ulit sa bundok at pinapanuod ang sunset, ngayon ang ika-labing walong taong kaarawan ni Imelda.

"Ferdinand?" pagtawag niya sakin kaya napatingin ako sa kaniya.

"bakit, Imelda?"

"Pwede ba akong magtanong?"

"oo naman, Imelda. ano yon?"

"bukod sa Sun, ano pa ang maaaring itawag sa sun?"

"Araw?"

"tama, ano naman ang hugis ng araw?"

"bilog?"

"tama ka ulit, kung letra naman ang paguusapan, anong letra ang may hugis na bilog?"

"O?"

"tama ka na naman! kung dodoblehin ang O, anong salita ang mabubuo mo?"

"Oo?"

"Yan ang sagot ko sa tanong mo 6 years ago."

"ha? anong ibig mong sabihin?"

"diba tinanong mo ako noon, kung maaari mong hingin ang kamay ko? ayan na ang sagot ko."

hindi ako makagalaw dahil sa mga sinabi niya, naghahalo ang saya at gulat sakin ngayon. Akala ko hindi siya papayag, pero heto't oo ang sagot niya.

nagaagaw na ang liwanag at dilim lumabas na rin ang buwan, Maya Maya lang ay tuluyan ng lulubog ang araw.

"The moon is beautiful, isn't?"

bahagya akong napangiti "I can die happy, Imelda."

kita ko ang gulat sa kanyang mukha ng humarap siya sakin.

"naintindihan mo?"

"kung sa pagtakbo naiisahan mo ako, sa ganiyan hindi."

ngumiti siya sakin, hinawakan ko ang mga kamay niya at hinagkan ang mga ito. "Mahal na mahal kita, Imelda."

"Mahal rin kita, Ferdinand."

wala ng makakapigil saaking halikan ang babaeng sinisinta ko, kaya dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa kaniya at kasabay ng paglubog ng araw ang paglalapat ng aming mga labi.

"Imelda, mangako ka saakin na pag nasa tamang edad kana ay magpapakasal ka sakin." seryoso kong sambit.

kahit um-oo na siya ay gusto kong makasigurado na saakin na siya hanggang sa huli ng aking buhay.

"Ayoko!" natatawa niyang sagot

"Ha? bakit ayaw mo? akala ko ba Mahal mo ako?" malungkot kong tanong.

"Oo, Mahal kita."

"oh, bakit ayaw mo?"

"eh, baka kasi lokohin mo lang ako."

"never!! never, Imelda!"

"talaga? bakit ba parang nagmamadali ka na mapakasalan ako? eh, hindi ka pa nga nanliligaw."

"because, I don't believe in courtship, it's a waste of time. If I love the person, I'll tell her right away. But for you, I'll make an exemption: Just love me now, and I will court you forever."

Imelda's POV

Hindi ko alam ang aking sasabihin, sa mga sinabi ni Ferdinand alam kong seryoso siya, may tiwala naman ako sa kaniya, pero ang mas nakapag pahulog sakin ay ang mga katagang sinabi niya ngayon, I'm his only Exemption. how dare you, Ferdinand! how dare you for doing this to me!!

"bolero!" tanging katagang nasabi ko.

"Mahal kita, Imelda. Mahal na Mahal! kahit kailanma'y hindi ko naisip na ipagpalit ka, hindi ako maghihintay sa'yo ng ganito katagal kung ipagpapalit lang kita sa iba."

Tama naman siya, pero kahit na mahal ko siya at may tiwala ako sa kaniya may parte pa rin sakin na hindi pa ako handa,siguro dahil bata pa naman ako.

"Baka gutom kana, Ferdinand. may dala akong pagkain, gusto mo?" pagiiba ko ng usapan.

Ngumiti si Ferdinand at sabay kaming umupo sa isang banig na dinala namin. Napagusapan kasi naming mag picnic dito, tanging ang sindi ng maliit na gasera lamang ang nagbibigay ng ilaw saamin dahil madilim na.

kinuha ko ang isang slice ng mansanas "Ferdinand Oh." sabay subo kay Ferdinand, tinanggap niya naman ito.

"Ang tamis naman nitong mansanas na ito, Imelda!" nakangiti niyang sambit.

"talaga? ako mismo ang namitas niyan." pagmamalaki ko.

"kaya pala eh."

tinitingnan ko lang si Ferdinand habang nginunguya ang mansanas na isinubo ko "Gaano mo ako kamahal?"

napatigil siya nung marinig niyang nagsalita ako.

"gaano kita kamahal?"

tumango ako sa kaniya bilang sagot.

"Mahal na mahal, kakayanin kong maghintay pa sayo kung hindi ka pa handa, gagawin ko lahat ng makakaya ko para sayo. handa akong samahan ka papunta dito kahit kailan mo gusto, handa akong ibigay pati ang buhay ko para sayo, Imelda. handa akong ialay ang lahat para sayo,only for you, Imelda."

"Ferdinand, nangangako ako na pag nasa tamang edad na ako at handa na ako, Magpapakasal ako sa'yo."

Nakita ko ang malaking ngiti sa mukha ni Ferdinand Sabay hawak sa aking dalawang kamay at hinagkan ang mga ito.

"Hihintayin kitang muli, Imelda." sabi ni Ferdinand habang nakangiti sa akin.

[author : ud agad para cool, mwehe.]

PROMISES (c) Where stories live. Discover now