ika-pito

133 12 25
                                    

⚠ be ware for some grammatical errors, typos, etc.

Ferdinand's POV

pagdating ko sa may pinto ay napansin kong bukas ito kaya hindi na ako kumatok at binuksan na ito ng tuluyan,nakita kong nanunuod ng telebisyon sina Santiago at Kristina.

Agad naman nilang napansin ang aking presensiya at nabaling saakin ang kanilang atensiyon.

"saan ka nanggaling, pareng Ferdinand?" tanong ni Santiago

"naglibot libot lang, pareng Santiago, and good news nagkita kami ulit ni Imelda sa Parke."

"talaga, anong nangyari? bakit hindi mo pa siya kasama?"

"may kailangan pa kaming asikasuhin bago yan mangyari!" 

"ano naman yon?" nag-iisip na tanong ni Kristina.

"teka, bago ka magkwento, pare, maupo ka muna."

nagtungo naman ako sa isang upuan na malapit sa kanila.

"uminom ka muna ng juice, pare." sabay abot ni Santiago ng isang basong may lamang juice.

ininom ko naman ito at ibinaba ang baso sa maliit na lamesa.

"ayon nga, nagkita kami kanina at sinabi niya na saakin ang dahilan, tama nga ako na ang lalaking yon ang dahilan, si Henry ang lalaking yon."

"Henry? ang pamangkin ni Governor Enriquez?" nag-aalalang tanong ni Kristina.

"nasabi nga saakin ni Imelda na pamangkin siya ng isang gobernador dito, kilala mo ba siya Kristina?" tanong ko

"oo, Ferdinand! kaibigan ko ang una niyang naging asawa si Anastasia ang ina ni Aimee, pero namatay si Anastasia nung dalawang taon pa lamang si Aimee, simula noon ay hindi ko na ulit nakita si Aimee, hindi ko inaasahang sa kaniya mapupunta si Imelda, sadya ngang napakaliit ng mundo!"

"sinasaktan niya si Imelda, Hindi na siya naawa pati si Aimee ay sinasaktan niya!"

"Ano!?" pasigaw na tanong ni Kristina "sinasaktan niya si Aimee?"

"Oo, Kristina! pati ang bata ay sinasaktan niya!"

"napakasama niya, akala ko ay nagbago na siya, noon ay sinasaktan niya din si Anastasia kaya palaging napunta sakin ang kaibigan ko, tapos ngayon malalaman kong pati si Aimee ay sinasaktan niya!"

"kaya nga kailangan kong mabawi si Imelda sa kaniya, isasama na rin namin ang anak niya, Hindi siya nararapat na maging ama ni Aimee, Mahal na mahal siya ng bata pero anong isinusukli niya? puro pananakit."

"tutulungan ka namin, Ferdinand! kahit anong klaseng tulong handa ako makuha lang si Aimee, kawawa naman ang inaanak ko!" desidido at nag-aalalang sambit ni Kristina.

"Salamat, Kristina! sumasang-ayon ka ba saamin, pareng Santiago?" sabay baling ko ng tingin kay Santiago.

"Siyempre naman!, lalo pa at gusto ng asawa ko." nakangiti niyang sagot.

"thank you, honey!" malambing na sambit ni Kristina na agad namang nakapag pangiti lalo kay Santiago.

"always for you, honey, what makes you happy is my happiness."

PROMISES (c) Where stories live. Discover now