ika-apat

107 11 21
                                    

⚠ be ware for some grammatical errors, typos, etc.

Ferdinand's POV

Maaga akong nagising para maaga kaming makarating sa Leyte ni Joaquin, sasakay kami sa Private helicopter nila para mabilis kaming makarating doon.

"Tara na, Ferdinand! alas-sais na, alas-diyes ang umpisa ng kasal!"

"Ano ba, Joaquin? parang mas excited ka pa yata kaysa kay Santiago."

"Sigurado akong panay inom na naman ng tubig yon si Santiago" sabay tawa nito.

"Oo, ganon yon eh basta kinakabahan o naeexcite!" pagsakay ko sa kaniyang kalokohan.

natawa nalang kaming dalawa dahil sa aming mga kalokohan, madalas talagang si Santiago ang aming mapagkaisahan, pero si Santiago rin ang pinakamabait at tahimik sa aming tatlo.

.

Mahigit tatlong oras rin kaming nasa ere, alas nuebe na ng makarating kami sa Leyte.

"Ferdinand! Joaquin! salamat naman at nakarating kayo."

"Ano ka ba, Santiago! siyempre naman noh, kami pa ba ni Ferdinand? diba Ferdinand?"

Wala ako sa aking sarili dahil sa hindi ko mawaring dahilan.

"Ferdinand?"
"Ferdinand!" pag sigaw ni Joaquin.

"Ha? ah eh ano yon?"

"Ano bang iniisip mo, Pareng Ferdinand? napaka lalim naman yata niyan?" Nag-aalalang tanong ni Santiago.

"Hay, Pareng Santiago, ganyan talaga yan si Ferdinand dahil kay Imelda. hanggang ngayon hindi pa rin kasi siya mahanap."

"Bilib ako sayo, Ferdinand! nagagawa mong hindi sumuko sa kabila ng kawalan ng pag-asa. Ipagpatuloy mo lang yan, Pare! alam kong mahahanap mo rin siya, kapit lang!" sabay tapik niya sa aking balikat.

"Maraming Salamat, Santiago!"

"Walang anuman, Ferdinand!"

Swerte pa rin ako kasi may mga kaibigan akong kagaya nila, Sila yung hindi nang-iwan nung mga panahong walang wala na ako, mga panahong gusto ko nalang rin mawala, pero nanatili sila para palakasin ang loob ko at tulungan ako.

.

"Kristina, tinatanggap mo ba si Santiago bilang iyong kabiyak sa hirap at sa ginhawa?"

"opo, padre!"

at isinuot niya ang singsing kay Santiago.

"Santiago, tinatanggap mo ba si Kristina bilang iyong kabiyak, sa hirap at sa ginhawa?"

"opo, padre!"

isinuot rin ni Santiago" ang singsing kay Kristina.

"Maaari mo ng Halikan ang iyong Asawa, Santiago."

agad namang tinanggal ni Santiago ang belo ni Kristina at hinalikan ito.

"Mabuhay ang bagong kasal!" pahabol pa ng Pari.

Tumayo kami at nagpalakpakan, ngunit isang hindi ko inaasahang pangyayari ang aking masasaksihan.

Ngumiti siya sakin at saka lumabas ng simbahan, Hindi ko alam pero kusang naglakad ang aking mga paa at hinabol siya.

"Sandali!" pagpigil ko sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay.

hinawakan ko ang kaniyang mga pisngi "ikaw ba yan?" tanong ko pero nakatingin lang siya sakin.

"sumagot ka pakiusap!" lumuluha kong sambit.

[author : short ud ulit, dagdagan natin mamaya or bukas, well papunta na tayo sa exciting part! HAHAHAHA djk.]

PROMISES (c) Where stories live. Discover now