"First time ko kasing magreport,eh." sabi niya sabay hawak sa batok niya.
Halata nga sa itsura niya na first time niya. Pero kahit hindi ko feel magsalita sa harap ng ibang tao, ang sama ko naman kung hindi ko siya tutulungan.
"Tungkol ba saan ang report mo?"
"So tutulungan mo na 'ko? Thank you, Grace!"
"Eh, oo na nga,eh."
"Bibigyan na lang ulit kita ng coco nuggets gusto mo?"
"So sinusuhulan mo nga 'ko?"
***
Hindi ko kaklase sa Communication Arts si Brent kaya hindi ko mapapanood ang report niya. ANg kaso lang kinuyog ako ni Sheryl papunta sa classroom nila kasi gusto daw niyang magbigay ng moral support. Sumama na lang din ako dahil gusto ko ding malaman ang kinalabasan kahit papa'no.
Kamusta naman 'yong nagkasya kami sa pagsilip sa salamin sa pintuan? At 'wag kayo, hindi lang kami ni Sheryl ang nandoon kundi ilang estudyante din na gustong masilayan si Brent.
So hindi ko, basically, maririnig ang pinagsasabi niya pero base sa itsura niya, mukhang alam na alam naman niya ang ginagawa niya. In fact, ang sarap niyang panoorin. Er--ano daw? Erase, erase!
BINABASA MO ANG
And This Is My Story: I'm Crazy for This Girl
Teen FictionGrace---> She's plain, smart and simple. Hindi siya pansinin at lalong di rin siya mahilig mamansin. In short, deadma siya kahit sa mga tipo ni Brent. Brent--->He's definitely got everything every girl is looking for. He's famous,he's handsome, he's...