page66

48 2 0
                                    

"And This Is My Story: I'm Crazy for This Girl"

<Grace's POV>

"Hi, Grace!"

Niyakap agad ako ni Mrs. Tan nang dumating kami ni Brent sa foundation.

"Hello po, Mrs. Tan, kamusta po kayo?" nahihiyang bati ko.

"Masaya akong makita ka ulit, hija. Buti pinaunlakan mo imbitasyon namin,"

"Naku, ako nga po dapat ang magpasalamat kay Brent kasi niyaya na naman niya 'ko dito. Excited na po akong makita ang mga bata,"

"Alam mo excited na rin silang makita ka,"

"Hi, Grace!" bati naman ni Trent na may buhat-buhat na naman na malaking kahon.

"Uy, Trent," sabi ko.

"Masaya uli akong makita ka. Gumaganda ka lalo,ah?"

"Ahm, s-salamat,"

Ang sama ng palitan ng tingin nila ni Brent. Nakakatawa naman 'tong magkapatid na 'to.

"Brandon Kent, tulungan mo namang magbuhat ng mga kahon ang Kuya mo, marami pa du'n sa kotse eh," agaw ng mommy nila.

"Sure, mom. Excuse me, Grace,"

Tinulungan ko naman si Mrs. Tan na asikasuhin ang mga bata. Pinakain namin sila at pinasali sa mga games kung saan may mga papremyo. Nakakatuwa silang lahat. Hindi nila iniisip na wala silang mga magulang at katulad lang din ng mga ordinaryong bata.

Naisip ko tuloy, ang sarap uli maging bata.

Nang maghapon na, hinayaan na namin silang maglaro sa playground. Ako naman, tinulungan ko si Mrs. Tan na magligpit ng mga kalat.

"Grace, dito ka lang, ha? Kakausapin ko lang yong mga bata," sabi sa 'kin ni Brent.

Tumango lang ako.

"Kailangan mo ng tulong diyan, Grace?" tanong sa 'kin ni Trent nang lapitan niya 'ko.

"Ah, hindi na. Kayang-kaya ko na 'to, salamat na lang,"

"Si Brent talaga walang puso. Hinayaan ka lang niyang magpulot ng mga kalat mag-isa,"

Natawa ako.

"Okay lang. Parang ito lang,eh. Tsaka kasama naman niya ang mga bata ngayon,"

"Kayo na ba?"

Grabe talaga itong si Trent wala man lang bwelo magtanong. Nag-init tuloy ang pisngi ko.

"H-hindi, bakit?" sagot kong napa-adjust sa salamin ko.

"Ang bagal talaga nu'n kahit kailan,"

"A-ano'ng ibig mong sabihin?"

"Ah, hehe. Wala naman. Kalimutan mo na lang,"

Kinuha niya ang mga basura sa kamay ko at ipinasok sa garbage bag.

"Ikaw, Trent, may girlfriend ka na?"

"Hmm? Kanino ka interesado talaga, sa akin o sa kapatid ko?"

"Huh??" O.o

"Joke lang. Ang totoo wala kasi I haven't found the right one,"

"Eh bakit mukhang mas madami kang alam sa kanya?"

"Ah. Alam mo naman ako, Mr. Know-It-All. Hehe," sabi niyang napakamot sa ulo niya.

Natawa na din ako.

"Pero alam mo, Grace, ang sabi ng iba ang mga katulad daw namin ni Brent mahirap mahalin,"

"A-ano naman ang ibig mong sabihin du'n?"

"Hindi ko pa masasabi sa'yo ngayon. Siguro kapag naging kayo na ni Brent maiintindihan mo din,"

- - -

Votes and Comments naman diyan.

>Tenshi^____^

And This Is My Story: I'm Crazy for This GirlOù les histoires vivent. Découvrez maintenant