page61-62

47 0 0
                                    

***

"Sayang hindi kayo ang napili," sabi ni Sheryl nang makabalik na kami sa table.

"Okay lang 'yon. Deserving naman sina Claire at Franz, eh." sabi ko."Sina Jessie 'asan?" tanong ko pa nang hindi ko makita sina Andre at Jessie.

"Lumipat sila ng table. Gusto daw masolo ni Andre 'yong isa, eh. Hehe. Ang cute talaga ni Atkins, 'no?"

"May Jessie na 'yon."

"Sinabi ko lang namang cute, eh,"

Gusto ko pa naman sanang i-congratulate si Jessie sa performance niya kanina. Siguro after nu'n nagsenti 'yon dahil couple of the night sina Franz at Claire.

Kung ako siguro siya hindi ako magsi-senti dahil 'andiyan naman si Andre sa tabi niya. Kayo din naman eh, 'di ba?

"'Oy magtabi nga kayong dalawa. Sige na," sabi pa ni Sheryl.

"Ano naman ang naisip mong pakulo?"

"Sayang naman kung matatapos lang 'yong gabi tapos wala man lang kayong picture na dalawa," tapos inilabas niya 'yong phone niya.

"Ano ka ba, 'di na kailangan, Sheryl,"

Ito talagang kaibigan ko, o. Pero nagulat na lang ako nang umusog palapit si Brent.

"No problem!"

"Brent?"

"A few shots lang naman, eh. Bakit?"

"Eh kasi.. ."

"Dali na, tingin na kayo sa camera!" si Sheryl.

Nag-posed ng 'peace sign' si Brent at ako naman nakigaya na lang. 'Wag lang sabihin ni Sheryl na kahit sino gagawin makasama lang sa picture si Tan.

1,2,3 and picture perfect!

***

<BRENT'S POV>

Malas. Mukhang matatapos pa yata ang gabing 'to na hindi ko masasabi kay Grace na gusto ko siya. Nakoronahan na ang Mr. and Ms. Valentine's. Okay lang naman sa akin kung hindi kami ni Grace 'yon. Ang importante lang naman nakasayaw ko siya.

Ako nga pala ang nakiusap kay Jaimee na iposas kaming dalawa para magkaroon ako ng chance na magtapat sa kanya. Ang kaso sinayang ko lang ang pagkakataon kanina.

Nagpe-perform na ang official band ng Digby College. If I could just sing haharanahin ko na lang sana si Grace, eh. Kaso hindi naman.

***

<GRACE'S POV>

After ma-koronahan nina Franz at Claire, nagsimula na ring magperform ang official band ng Digby College. Composed of five talented members, they are called the 'Stray Souls'. Alternative Pop Rock ang genre ng grupong ito. Ang kanilang frontman ay si Kedge Martin Aldeguer. Galing siya sa isang prominenteng pamilya pero meron daw siyang blacksheep na image. Rebelde daw ito kasi.

Ganu'n pa man, habulin din si Kedge ng mga babae dahil sa astig nitong dating at personality. And he is very good-looking too, ha. Iyon nga lang wala naman yata itong sineseryosong babae. Sayang.

Nu'ng third song na, intro pa lang feeling ko familiar na 'yong kanta.

"This song is for the girl who made this guy I know crazy," sabi pa ni Kedge.

(Now Playing: Crazy For This Girl by Evan and Jaron)

"She was the window down

And she talks over the sound

"Brent, 'di ba gusto mo ang song na 'to?"

Of the cars that passed us by

And I don't know why but she changes my mind

And This Is My Story: I'm Crazy for This GirlWhere stories live. Discover now